Kabanata 6

445 64 8
                                    

Nakasuot ako ngayon ng navy blue cocktail dress. Ramdam ko ang excitement dahil ang makakadate ko sa acquiantance party ay si Tyler. Siya sana ang magsusundo sakin sa bahay ngunit tumanggi ako, nakakahiya naman kase.

"We're here na." sabi ni kelly at bumaba na kami ng kotse niya.

Parang na-concious naman ako sa pinahiram niyang dress. Nakasuot siya ng yellow cocktail dress na lalong nagpalitaw sa maputi niyang kutis. Pumasok na kami ng hotel na pagdadausan ng party.

Marami-rami narin ang tao pagpasok namin ng Hall. Napaawang ang bibig ko sa pagsulpot ni Tyler samin. Nakablack tuxedo siya na lalong nagpalitaw ng kagwapuhan niya at ang bango niya.

"You're so beautiful!" manghang sabi ni Tyler at nahiya naman ako sa sinabi niya.

"Thank you, ikaw rin you're so handsome." sabi ko at naglahad naman siya ng braso niya para kumapit ako sakanya.

"Kelly, tara." anyaya ko sa kanya at sumunod naman siya.

Umupo kami sa table kung saan nakaupo ang mga kaibigan niyang si Gino at Paolo na kasama narin ang ka-date rin nila.

"Hi Kelly!" biglang dating naman ni Ethan. Nakablacktux rin siya. Umupo siya sa tabi ni Kelly at parang nagulat naman si Ethan sa presensya ko.

"Oh Janelle, ikaw pala yan." baling niya sakin.

'Ay, hindi! picture lang 'to tsk!

Sinuklian ko naman siya ng pekeng ngiti.

Maya't-maya, nagsimula na ang programme. May nag speech at may mga activities. At pagkatapos ay dinner time na. Habang kumakain kami ay nagulat naman ako nang biglang pinunasan ang labi ko ni Tyler gamit ang kanyang daliri dahil siguro may pagkain sa gilid ng labi ko.

"Sweeeet!" panunukso ng mga kaibigan niya at napalunok nalang ako dahil sa hiya.

Nang matapos na kami ay sayawan na. Pumunta ang iba sa dancefloor nang magpatunog na ng modern dance at nagsayaw ang mga neon lights sa paligid.

"Janelle, tara sayaw na tayo." yaya ni Kelly at nagpahila na ako sa kanya. Nakikisabay nalang ako sa sayaw niya na pataas-taas ng kamay.

Muli kaming bumalik sa table at nagpahinga.

Bigla namang humina ang tugtog at napalitan ng romantic song.

"Can I dance with you?" anyaya sakin ni Tyler na nakalahad na ang kamay. Tinanggap ko naman ito at pumunta na kami sa gitna. Parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil na kasayaw ko lang naman ang crush ko. Nakangiti lang siya sakin at ako naman pulang-pula na yata ang pisngi.

Napasulyap ako kina Kelly na kasayaw si Ethan. Bumalik kami sa table nang matapos na ang kanta.

"Can I dance with you too?"anyaya naman sakin ni Ethan kaya naman napilitan akong tanggapin ang paanyaya niya. Ganun din si Tyler na niyaya rin isayaw si Kelly.

"In fairness, Nagmukha kang tao, Haha!" pang aasar ni Ethan kaya naman inirapan ko nalang siya. Kaya ba ako niyaya niyang sumayaw dahil aasarin niya lang ako.

"Ang yabang mo!" sambit ko.

My heads underwater but Im breathing fine, You're crazy and I'm out of my mind.

"Joke lang! binibiro lang naman kita." aniya.

Cause all of me, loves all of you.

"Actually, gumanda ka ngayon." sabi pa niya habang tinititigan ako.

Actually your ass! Tsk!

you give me all of you,ohh.

Bumalik na kami sa table at naupo at pinanood ko nalang ang mga nagsasayaw.

Napasulyap ako kay Ethan na nasa harap ko. Naka half open ang bibig at nakatitig sakin na para bang may dumi ako sa mukha. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tumingin sa dance floor.

Kinuha ko nalang ang red wine glass na may laman na nasa harap ko at ininom yun.

'Pait.'

Napakunot ang noo ko at napangiwi pagkainom ko ng red wine.

"Bakit?" Tanong niya.

"Akala ko kase masarap, mapait pala." sagot ko habang nakangiwi.

Tumawa siya at ininom niya rin ang wine niya sa baso.

Inirapan ko nalang siya at itinuon ko ang mga mata ko sa dance floor.

"She's so adorable!" Manghang sabi ni Ethan habang nakatanaw kay Kelly na nagsasayaw.

Pumunta narin si Ethan ng dancefloor para sumayaw.

"My God! nakasayaw ko siya!" sambit ni Kelly.

"Sino? si Ethan?" tanong ko at umiling siya.

"Nope, si Gino." aniya.

Bahagya pang lumaki ang mata ko.

"All this time, si Gino pala ang gusto mo?" takang tanong ko at tumango naman sya.

"Yup!" aniya sabay inom ng wine.

"So, ginagamit mo lang si Ethan para makalapit sa kaibigan niya?" tanong ko.

"Hindi naman." sagot niya.

"I give him a chance." dagdag niya pa.

"Hatid na kita." anyaya ni Ethan kay Kelly nang matapos na ang party.

"Sure, sumabay ka na samin Janelle." ani Kelly.

"Ah wag na." pagtanggi ko.

"Ako nalang ang maghahatid sa kanya." biglang singit ni Tyler. Para namang may kuryenteng gumapang sa kamay ko nang humawak sakin si Tyler.

Nahihiya naman akong sumakay ng kotse niya at pinaandar niya na ito.

"Congrats nga pala, champion kayo this year." bati ko sa kanya at nginitian niya naman ako pabalik.

"Salamat." sabi ko nang maihatid niya na ako sa bahay. Tumango siya at bumaba na ako. Kumaway pa ako sakanya bago siya umalis.

Impit naman akong napatili pagpasok ko ng kwarto dahil sa kilig na nararamdaman ko.





To be continued....

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon