Kabanata 5

530 66 10
                                    



2 days After



Kagat-kagat ko ang kuko ko sa'king daliri dahil sa kabang bumabalot sa sistema ko. Dalawang araw lang ako nakapag-prepare sa pageant na gaganapin mamayang hapon. Hindi pa kase magaling yung talagang magrerepresent.

Pinaalam ko narin kay Mama na kasali ako at baka makapanood siya mamaya.

"Parang nasisikipan ako sa suot ko." reklamo ni Kelly sa suot niyang blue cheer shirt at white mini skirt.

"Goodluck." sabi ko sa kanya nang lumabas na siya dito sa classroom.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kabang nararamdaman ko.

Pumunta ako ng locker para ilagay ang hinubad na damit ni Kelly. Pagtalikod ko ay nauntog ako sa dibdib na nabangga ko. Pag-angat ko ng aking ulo ay inis ko naman siyang inirapan. Nakasuot siya ng basketball jersey na blue and white at naka-bandana pa siya sa ulo.

"Where's Kelly?" tanong ni Ethan.

"Nandun na sa gym." sagot ko at tinalikuran na siya pero sumabay naman siya sa'kin sa paglakad.

"Maglalaro ba si Tyler?" tanong ko at tumango naman siya.

Nakakabingi ang ingay nang makarating na kami ng gymnasium dahil sa bassdrum at trumphet na gagamitin sa cheerdance.

Marami narin ang estudyante at nakipagsiksikan narin ako para manood.

"Oh my god! si Ethan."

"Oo nga, lalo siyang gumwapo sa suot niyang jersey." dinig kong bulong ng mga babae sa paligid, nasa tabi ko pa pala siya.

"Ang sexy niya talaga, tsk tsk!" sabi ni Ethan habang pinagmamasdan si Kelly. Well, maganda naman talaga si Kelly, maputi, maganda ang mata at manipis na labi, No wonder na maraming lalake ang nagkakagusto sa kanya.

"Geh." paalam niya sa'kin at pumunta na siya sa mga teammates niya. Naaninag ko naman si Tyler na nakikipagkawayan sa mga supporters niya.

Thanks God, hindi na siya injured.

Di nagtagal nagsimula na ang cheerdance competition.

Pagkatapos ng tatlong kalahok ay seniors naman ang magpeperform kabilang si Kelly na may hawak na ng pompoms.

Naghiyawan na ang lahat ng seniors nang magsimula na itong magsayaw at itapon-tapon sa ere ang cheerleader.

Pagkatapos ng cheerdance ang siyang pagsisimula naman ng basketball. Grade 10 vs. grade 12 na sila Tyler ang unang maglalaro.

"Nakakainis, sumablay ako." inis na sabi ni Kelly dito sa classroom.

"Isang beses ka lang naman sumablay," sambit ko.

"Ang galing mo nga eh." sabi ko pa para kumalma na siya.

Bumalik kami ulit ng gym para manood ng basketball at ang nanalo ay walang iba ang seniors.

**

Hapon na at ito ako ngayon, inaayusan na ng baklang make-up artist.

"Oh, you're so pretty." sabi sa'kin ng makeup artist nang matapos na akong ayusan. Naka-casual black dress na ako.

"Thanks po." sabi ko nalang. Kinakabahan talaga ako. Ang lakas ng kalabog ng puso ko.

"Wow! ang ganda mo Janelle." manghang sabi ni Kelly pagpasok niya dito sa backstage, kasama niya si Ethan.

"Kasali ka pala sa pageant?" sabi ni Ethan.

"Ano, lalo bang gumanda si Janelle?" baling niya kay Ethan.

Kung Tayo Man (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat