Kabanata 23

310 18 2
                                    


Lumipas ang mahigit isang buwan, pinilit kong iniwasan si Tyler at Ethan. Sa tuwing lalapit sila sa akin ay lumalayo ako. Na g-guilty ako, nang dahil sa'kin nasira ko ang samahan nila. Halos lumaki sila na parang magkapatid tapos ngayon nagkaroon sila ng hidwaan dahil sa'kin. Hindi ko 'to ginusto.

Sobra talaga akong na g-guilty. Minsan gusto akong ihatid ni Tyler pero tinatanggihan ko, at si Ethan naman ay panay text sa'kin ngunit di ko siya nire-replayan. Panay ligaw tingin nalang siya sa'kin kapag nagkakasalubong kami. Hindi niya na ako kinukulit gaya ng dati, parang nag iingat na siya.

Ilang araw ko ring tiniis ang pagpaparinig sa'kin na malandi daw ako.

"Tsk pangit naman!" pagpaparinig sa'kin ng isang babae.

"Wow! Hiyang-hiya!" pagtataray ni Kelly dun sa nagparinig.

Isang araw nagulat na lang ako at napa second look na makitang magkasama si Ethan at Tyler. Magkaakbay pa na papalapit sa'kin dito sa bench.

Bati na sila? Napakurap-kurap pa ako sa nakikita ko.

"Hi Janelle!" sabay nilang bati sa'kin.

"Hmm... Hi!" nahihiyang bati ko.

"Nag usap na kami ni Ethan, na may the best man win sa puso mo." ani Tyler.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Huh!?"

"May the best man win!" Nag-shakehand sila at nag bro fist pa.

"Bro, Ngayon palang sumuko ka na dahil mapapasakin siya." sabi ni Tyler.

"Hahayaan ko nalang na ang destiny ang magdedecide." sagot naman ni Ethan.

Woah!

Bigla namang dumating si Kelly at nagtataka rin na magkasama ang magpinsan.

"Kelly, punta na tayo ng library." anyaya ko at hinigit ko na siya. Iniwan na namin ang dalawa.

"Ano yun?" tukoy niya sa magpinsan.

Ano bang sasabihin ko?

"Ah a-ano daw k-kase hmm.. may the best man win." nauutal kong sagot.

"Sino?" tanong niya.

"Anong sino?"

"Sinong pipiliin mo?"

Nagkibit balikat na lamang ako.

"Ang hirap talaga maging maganda noh!" panunuya niya.

"Shhh!" saway ng librarian.

Nung uwian na ng hapon, nakita ko naman agad dito sa labas ng school si Tyler na ihahatid niya daw ako.

"Tyler kase..."

"Okay," Tumango naman siya na parang tanggap niya na ayaw ko.

"May concert pala si John legend, may dalawa akong free ticket, gusto mo sayo nalang ang isa" aniya.

Oh my god! Nanlaki naman ang mga mata ko.

Pinakita niya yung dalawang ticket. tatanggapin ko ba?
Idol na Idol ko ang singer na 'yun eh.

"Uhm s-sige." pagpayag ko. Ang bilis ko yatang napapayag.

**

"Talaga! Manonood kayo ng concert?" takang tanong ni Kelly. Tumango naman ako.

"Ay sayang, sold out na pala yung ticket." aniya nang makita ang ticket net.

Nakita ko naman sina Tyler na papasok dito sa cafeteria. Dumiretso si Tyler samin at si Ethan naman sumama kila Gino. Siguro naiilang pa siya kay Kelly kaya hindi niya magawang saluhan kami dito.

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon