Kabanata 27

293 14 5
                                    




Hala! Ba't naman niya ako inirapan?

Itinuon ko nalang ang pansin ko kay Calvin.

"Chinese ka?" tanong ko. Ang obvious na naman ng tanong ko. Malamang singkit eh.

"Yup! Half Chinese and half Filipino." sagot niya.

"Siguro madalas ka matalisod, kase naman alam mo na, Haha!" tawa ko.

"Hindi naman." tanggi niya.

"Ikaw din naman ah, medyo singkit ka." tugon niya.

"Yung father ko kase half korean." sagot ko.

Tumingin si Calvin sa wristwatch niya. "Jenjen, Late na tayo." Tumayo naman agad kami.

Nung palabas na kami ni Calvin muli akong napasulyap kay Ethan. Nakatingin siya samin at kinunutan ako ng kilay.

"Tahimik mo." Napansin ata ni Calvin ang pagiging tahimik ko nang papasok na kami ng school building.

Iniisip ko kase yung mga tingin ni Ethan, para siyang galit sa'kin.

"Ah wala." sagot ko.

Napansin ko naman ang mga tingin ng babae kay Calvin. No wonder, gwapo ni Calvin eh.

Nang matapos ang dalawang subject ay uwian na. Maulan at wala akong dalang payong, buti nalang 'tong si Calvin may dala kaya nakisukob ako sa kanya hanggang sa labas ng school ground. Ngayon ko lang napansin na nakahawak pala sa baywang ko si Calvin. Para tuloy kaming mag jowa nito.

"Taga sa'n ka? Hatid na kita." ani Calvin.

"Wag na, mag ta-taxi nalang ako." sabi ko.

Nagulat nalang ako nang may tumabig sa braso ko.

"Aray.." daing ko.

Kahit nakatalikod siya ay kilala ko ang lakad niya at yung nunal sa batok niya. Magkasukob din sila ng payong nung Keanna and take note nakakapit pa sa braso ni Ethan ang Keanna'ng 'yan, Tsk! Pumunta sila ng parking lot at pinagbuksan ng pinto si Keanna.

Parang nanikip na naman ang dibdib ko habang nakatanaw sa pag alis nila.

Sabi niya noon, mahal niya ako.
Ang bilis naman magbago ng nararamdaman niya.

Teka, ba't ko ba 'to iniisip? Erase-erase.

'Mag move on ka na Janelle.' Kumbinsi ko saking sarili.


**



Kinaumagahan, buti nalang di ako na-late sa klase namin ng 8. Nag review kase ako sa travel and tour hanggang alas-onse ng gabi para sa quiz ngayong araw. Buti naman ay naipasa ko, naka 24 ako out of 30 item's.

Nang dahil vacant ang oras namin ni Calvin ng 9 to 10am ay tatambay muna kami sa library para makapag-review. Konti lang ang tao sa pagpasok namin ng library. Si Calvin na ang kumuha ng libro sa bookshelves. Tumabi na siya sa'kin at inabot ang libro. Nagbasa na kami ni Calvin ng tahimik.

Habang nagbabasa ako, napansin ko naman na parang may nakatingin sa'kin. Ang lakas kaya ng radar ko. Lumingon ako sa paligid nitong library. Napasulyap ako sa isang taong nagbabasa ng libro sa kabilang mesa sa kanan ko. nakataas ang librong hawak niya at natatakpan ang kanyang mukha. Tinitigan ko siya ng masinsinan at dahan-dahan na siyang sumilip sa kinaroroonan ko and then huli ka, bigla naman siyang napatakip ng kanyang mukha sa libro nang mapansin na nakatingin ako sakanya.

Sinusundan niya ba ako? Baka naman may gusto pa talaga siya sa'kin?

'Haaay naku Janelle, wag assuming.'

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon