Kabanata 33

267 9 0
                                    

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa pagpasok ko ng school. Hindi ko pinahalata kay mama na umiyak ako sa pag alis ko ng bahay.

Habang nagtuturo ang professor, parang lumilipad ang utak ko. Hindi ako makapag-concentrate sa tinuturo. Paulit-ulit na nagsisink-in sa isipan ko ang imahe nilang dalawa na magkasama sa isang kama.

Nang matapos ang klase ay binuksan ko na ang cellphone ko. May text message galing kay Ethan.

From: Ethan

'Sorry baby girl, di ako makakapasok. kita nalang tayo mamaya, susunduin kita.'

Sandaling kumulo ang dugo ko nang mabasa ang text message niya.

In-off ko agad ang cellphone ko at lumabas na ng classroom.

Tsk! Di siya pumasok dahil pagod siya sa pakikipaglandian kay Keanna. Nakakapang init ng ulo.

"Hi Jenjen, ang tahimik mo ata." ani Calvin. Sumabay siya sa'kin paglabas ko ng school building.

"Ah wala." walang emosyong sagot ko.

"Umiyak ka ba?" tanong niya. Umiling naman ako at hindi na sinagot ang mga tanong niya. Parang nahalata niya naman ako na ayaw ko munang makipag usap sakanya.

Di na ako pumasok kinahapunan, dahil wala naman saysay kung papasok akong mabigat ang pakiramdam. Tinext ako ni Ethan kung nasaan ako pero di ko siya nireplayan. Ilang beses siyang tumawag pero di ko sinagot. Ewan ko ba, galit ako sa kanya. Tinatanong nalang ng isip ko kung bakit niya nagawa na lokohin ako?

Gabi na nang tinext ko si Ethan na nandito ako sa tagpuan namin. Tulala lang akong pagmasdan ang liwanag ng syudad.

Parang hindi ko pa kayang harapin siya pero dapat lang na mag usap kami.

Parang nanikip na ang dibdib ko nang marinig na ang boses ni Ethan sa likod ko.

"Janelle, bakit di mo sinag---"

PAK!

Di ko na siya pinatapos magsalita nang sinampal ko siya.

Namula ang kanang pisngi niya sa pagsampal ko at tiningnan ako nang may halong pagtataka.

"B-Bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Heto, ano 'to?" tiim bagang kong tanong. Pinakita ko sa kanya ang litrato nilang magkasama ni Keanna sa isang kama. Nanlaki ang mga mata niya. Nakita ko naman ang paglunok niya at umiling siya ng umiling.

"D-di yan totoo." nauutal niyang sagot.

"Hindi yan totoo." pag uulit niya.

Napasinghap naman ako at di ko na napigilang mapaluha.

"Janelle, m-maniwala ka, nagising akong katabi ko na siya." paliwanag niya.

"Sabihin mo na kase sa'kin ang totoo na nilandi mo siya! Na pareho kayong naglandi!" Hindi ko na nakikilala ang sarili kong boses. Nanginginig ang bawat sigaw ko at mas lalo lamang humapdi ang mga mata ko.

Paulit-ulit naman siyang umiling.

Hinawakan niya ang magkabila kong braso at tinitigan ako ng diretso.

"Maniwala ka, wala akong alam, paggising ko katabi ko na--"

PAK!

Sinampal ko ulit siya. Nanginginig na ang buong sistema ko at hindi ko na kayang tanggapin ang mga paliwanag niya.

"Ayoko na! tapusin na natin 'to!" nabasag ang boses ko, tila ba may bumarang bukol sa lalamunan ko at tinalikuran na siya.

Niyakap niya naman ako patalikod at umiiyak siya.

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon