Kabanata 15

352 25 9
                                    


Mabuti nalang nalaman ko nang mas maaga na babaero pala itong si Jarred.

Sinalubong niya ako sa corridor at humihingi siya sakin ng tawad tungkol sa nangyari kagabi.

"Sorry talaga Janelle sa naging inasal ko kagabi." aniya.

"okay lang!" sagot ko nalang.

Hanggang ngayon ay naalala ko parin ang halikan nila nung babae. Siguro di ko nalang sabihin sa kanya yung nakita ko.

Hinatid niya pa ako hanggang makarating ako ng classroom. Di ko nakita si Jarred nang nandito kami sa cafeteria.

"Buti nalang inutusan mo si Ethan na ihatid ako dahil kung hindi..." sabi ko at uminom ako ng juice.

"Wait! Inutusan ba kitang ihatid si Janelle?" takang tanong ni Kelly sa kay Ethan na katabi niya.

"Ah, oo inutusan mo ko, lasing kana kase nun!" sabi ni Ethan.

"Lasing ba ako kagabi? konti lang naman nainom ko ah!" giit ni Kelly.

"Hi Janelle!" Biglang dating ni Tyler sabay kindat. Dala-dala niya ang pagkain niya sa tray. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Alam mo ba Kelly, nakitulog ako kila Ethan kagabi—" sabi ni Tyler pero pinigilan siya ni Ethan.

"Hep!" pinanlakihan niya ng mata si Tyler.

"Haha! nagsashadow boxing yan kagabi sa kwarto niya parang kinikilig ang hayup!" pangaasar niya sa pinsan niyang si Ethan.

"Hindi ah!" depensa ni Ethan.

"Haha! kayo na ba?" tanong nya kay Kelly.

Umiling naman si Kelly.

"Akala ko pa naman!" baling niya kay Ethan.

"Kinikilig ako sainyong dalawa." sabi ko. Parang ako pa ang kinikilig.

"Bagay na bagay kayo." kantyaw ko kay Kelly at Ethan.

"Hoy! bagay din kayo, Hihi!" Bwelta naman ni Kelly samin ni Tyler.

Inakbayan naman ako bigla ni Tyler.

"Talaga! mas bagay kami." ani Tyler at kinindatan ulit ako.

Pinagpatuloy ko nalang ang kinakain kong champorado para pigilan ang pag init ng pisngi ko. Dati pinapangarap kong mapansin ako ni Tyler at ngayon heto na nga.

"Huy! kinikilig ang lola niyo." panunuya sakin ni Kelly.

"Hindi ah!" depensa ko. Napatingin naman ako kay Ethan na bigla ay inirapan ako at nagpatuloy sa kinakain niyang pasta.

"Ethan, diba malapit na ang birthday mo?" sabi ni Tyler. Tumango naman ito habang kumakain.

"Anong gusto mong gift Ethan?" tanong ni Kelly.

"Alam mo naman siguro kung ano ang gusto niyang regalo," sabi ni Tyler sa kay Kelly.

"Ang matamis mong oo!" dugtong niya.

"Basta pumunta lang siya sa birthday ko, masaya na ako." ani Ethan.

"Syempre pupunta ako noh!" tugon naman ni Kelly.

"Invited ba ako?" singit kong tanong.

"Kahit hindi kita gaanong close, pumunta ka parin." sabi ni Ethan.

Ay! di pa pala kami close?

"Hindi na ako pupunta." sabi ko.

"Pumunta ka." nagulat naman ako sa sinabi ni Ethan.

"Di na kailangan." sabi ko.

"Anong hindi kailangan? kailangan ni Kelly ng makakasama." aniya.

"Kj talaga yan." ani Kelly.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now