Kabanata 21

339 18 4
                                    


"Mawawala pala ako ng isang linggo dahil sa tournament." sabi ni Ethan.

"Okay, Good luck!" tugon ko.

"Wag kang didikit-dikit kay Jarred ah!" habilin niya.

"Ay Wow! Boyfriend ba kita?" taas kilay kong tanong.

"Malapit na." tugon niya sabay patong ng kaliwang kamay niya sa kamay ko, at inalis ko naman ito.

Napairap nalang ako at tumingin sa daan. Medyo tumila na ang ulan.

"Thanks!" sabi ko nang makarating na kami ng bahay, at bumaba na ako ng kotse.

"Mamimiss kita!" aniya sabay kindat bago umalis.

**

It's weekend, walang pasok. Umaga palang ay tinext ako ni Kelly na samahan daw siya sa gym. Talagang mapilit siya at napilitan naman akong sumama. Nakasuot ako ngayon ng shirt at jogging pants. Nag beep naman ang sasakyan ni Kelly sa labas at nagpaalam na ako kay mama.

"What?" gulat ko nang maikwento niya kung saang gym kami tutungo. Dun lang naman daw laging nag g-gym sila Tyler.

"Dapat nga maging masaya ka dahil nandun si papa Tyler mo." tugon niya.

Hindi naman si Tyler ang unang pumasok sa isip ko kundi si Ethan. Baka kase sabihin niya na kay Kelly. Kinabahan ako bigla.

"Ikaw, sino naman ang dahilan kung bakit dun tayo?" tanong ko.

"Si Ethan syempre." sagot niya.

Pinarada na ng driver ni Kelly ang kotse sa harapan ng gym. Bumaba na kami at hinigit niya na ako papasok ng gym. Iginala ko ang mga mata ko sa malawak na gym na kumpleto sa equipments. Konti lang ang mga nag g-gym.

Nagulat naman sila Gino, Paulo at Tyler nang makita kami. Kapwa sila nakasuot ng sando at short. Pawis na pawis na sila habang naglilifting.

"Mag g-gym kayo?" tanong ni Tyler.

"Obvious ba?" mataray na sagot ni Kelly.

May lumapit naman samin na dalawang maskuladong lalake na sa tingin ko ay mga instructor. Nagpakilala sila at sinimulan na kaming i-orient.

Parang napatalon ako sa gulat nang biglang lumabas si Ethan sa may locker room, at siya rin ay natigilan nang makita kami ni Kelly. nakasando din siya at short.

"Mag g-gym kayo?" takang tanong niya nang lumapit siya samin.

"Isa ka pa, kaya nga nandito diba." sabi ni Kelly.

Umiwas naman ako agad ng tingin nang sulyapan niya ako.

"Ikaw din?" baling sa'kin ni Ethan.

"Sinamahan ko lang si--" di ko na natapos ang sasabihin ko.

"Magpapasexy!" nakangising sabi niya.

Inirapan ko nalang siya, at sumunod nalang ako sa payo ng instructor na mag stretching muna. Pagkatapos ay mag t-treadmill kami at sunod ang pagba-bicycle.

10 minutes palang ay tagaktak na ang pawis ko. Habang naglilift kami ni Kelly ng maliit na dumbbell, kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa'kin si Ethan with matching smirk.

Ugh!

Sinulyapan ko siya ng matatalim na tingin. Umiwas naman siya agad at pinagtuonan niya na ang nililift niyang malaking dumbbell. Parang feel na feel niya naman ang pagbubuhat ng malaking dumbell dahil dinadahan-dahan niya ang pag lift, at kagat labi pa.

Tsk feeling macho!

Mas sexy parin sakanya si Tyler, tsk!

Nang matapos na ako ng mga exercises ay naupo muna ako at nilagok ang orange juice.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now