Kabanata 13

317 28 2
                                    

Nang tanghali na ay nagpasama sa'kin si Kelly na bibisitahin niya raw sa hospital si Ethan. Bumili pa siya ng prutas.

"Ano ka ba! Wala kang kasalanan!" sabi ko sa kanya pagkapasok namin ng hospital. Paulit-ulit kase niyang sinasabi na dahil daw sakanya kaya naaksidente si Ethan.

Tinanong niya ang information desk at sinabi naman nito ang admitting room ni Ethan.

Kumatok si Kelly at binuksan naman agad ng isang babaeng mga nasa mid 40's na ang edad.

"Ah hello po! kayo po ba ang mommy ni Ethan?" tanong ni Kelly at tumango naman ito sa kanya.

"Pasok kayo!" nakangiting sabi niya. Lumabas naman yung babae, bibili daw siya at iniwan kami dito sa kwarto.

Naabutan namin si Ethan na nakaupo sa hospital bed. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita kami.

Naka-hospital gown siya at may nakakabit na dextrose sa kanya. Akala ko pa naman na grabe na siya, hindi naman pala malala ang natamo niya. May konting pasa siya sa noo.

"Hi Ethan!" ngiting bati ni Kelly.

"Buti naman hindi ka na grabe." sabi ni Kelly. Napangisi nalang si Ethan.

"Okay lang ako! gwapo pa rin naman." ani Ethan sabay tingin sakin.

Nandito lang ako sa may gilid at pinapanood silang dalawa.

"Heto may dala akong prutas, gusto mo?" ani ni Kelly.

"Sige!" sabi ni Ethan. Pinagbalat naman siya ni Kelly ng green apple at ini-slice.

Parang naa-out of place na naman ako nito.

Tumunog ang cellphone ni Kelly.

"Wait lang! sagutin ko lang 'to" aniya at lumabas siya dito sa kwarto para sagutin ang tumatawag. Kaya kami nalang ni Ethan ang naiwan dito sa kwarto.

"Paabot naman oh!" Nginuso niya yung slice na na mansanas sa maliit na mesa. Kinuha ko naman ito at inabot sa kanya.

"Ahh!" ibinuka niya yung bibig niya.

Ay wow! magpapasubo lang naman pala, at nilagay ko naman ang isang piraso ng mansanas sa bibig niya.

"Thanks!" aniya habang ngumunguya.

"Ba't ka pala naaksidente? may nakasalubong ka bang tren?" tanong ko na may halong biro.

"Sa pagmamadali ko, ayun! nabangga ko ang barricade." aniya.

"Alam mo ba kung bakit ako nagmamadali?" sabi nya at diretso naman ang tingin niya sakin.

"Oh Bakit?" tanong ko.

"Dahil pupunta ako ng bar." aniya.

Tumango naman ako. "saan?" tanong ko.

"Sa bar, basta sa bar!" sagot niya.

"Wala bang nangyaring masama sayo sa bar?" bigla niyang tanong. Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon. Oo nga pala, alam niya kagabi kung nasaan ako.

"Ah w-wala naman, bakit?" tanong ko.

Pabulong naman siyang nagmura at tinignan ako ng diretso.

"Dapat hindi ka nagpu-pupunta ng bar." bahagya pang napapakunot ang noo ko sa sinasabi niya.

Eh ano naman ang pakialam niya sakin, tss!

"Party goer ako eh!" sabi ko nalang. Ayaw kong ikwento sakanya ang mga nangyari kagabi.

"Tapos gusto mo yung binabastos ka tsk!" singhal niya.

"Hindi ko naman hahayaan na bastusin ako noh!" sagot ko.

"Aray!" Daing niya. Lumapit naman ako sa kanya.

"Tatawag ba ako ng doktor?" tanong ko.

"Wag na, himasin mo nalang ang dibdib ko." aniya sabay hawak sa kamay ko at nilagay niya sa dibdib niya. Napaawang nalang ang bibig ko. Ramdam ng palad ko ang mabilis na pintig ng puso niya.

Bumukas ang pinto at kinalas ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Oh ba't parang gulat na gulat kayo?" takang tanong ni Kelly.

"Sumakit kase yung dibdib niya." turo ko kay Ethan.

"Wala na yung masakit." ani Ethan sabay ngisi.

"Kanina parang ang putla-putla mo! ngayon naman namumula ka." pansin ni Kelly.

"Ikaw kase eh, nakita lang kitang concern sakin kinikilig na ako." sagot ni Ethan.

"Aysuus! ikaw talaga! Ang corny mo."sabi ni Kelly.

Maya't-maya ay pumasok na ang mommy ni Ethan na may dalang pagkain na nai-take out sa Mcdo. Maganda siya, maputi at palangiti.

"Hi po! ako nga po pala si Kelly at siya naman po si Janelle." turo sakin ni Kelly.

"Son, siya na ba ang tinutukoy mong forever mo?" turo niya kay Kelly. Ngumiti lang si Ethan at nagkakamot sa batok niya.

Forever talaga?

"Ang ganda niya ah! mukhang bagay na bagay kayo anak." pabalik-balik niya ng tingin sa dalawa. Mukhang pabor yung mommy niya ah!

Nakikita ko naman sa mukha ni Kelly na naiilang na siya sa papuri sa kanya.

"Ikaw naman hija, may boyfriend ka na?" baling sakin ng mommy ni Ethan.

"Tsk! wala naman dyan nanliligaw, Haha!" halakhak ni Ethan.

"Study first na muna po, Hehe!" sagot ko nalang.

"Asus! dalawa po ang nanliligaw dyan." giit ni Kelly at siniko ko naman siya.

"No wonder! ang swerte naman ng lalakeng sasagutin mo." aniya.

Napangiti nalang ako ng pilit sa kanya.

Maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ni Ethan, na si Gino at Paulo at ang pinsan niyang si Tyler.

"Musta Bro?" untag ni Gino, at nakipag high five na sila kay Ethan.

"Heto! gwapo parin naman, Haha!" sabi ni Ethan.

"Eh syempre may inspirasyon!" baling ni Gino kay Kelly na tahimik lang.

"Sabay na tayo sa school." anyaya sakin ni Tyler at inakbayan ako.

"Kasabay ko si Kelly!" sabi ko.

"Siya ba hija ang nanliligaw sayo?" turo ng mommy ni Ethan sa kay Tyler.

Tumango naman si Tyler.

"Bagay kayo ng pamangkin ko." aniya.

Napalunok nalang ako at pilit na ngumiti. Bagay pala kami. Para namang uminit ang pisngi ko nito.

Nagulat nalang kami nang may mga nahulog na prutas sa tabi ni Ethan.

"Sorry!" nakayukong sabi ni Ethan.








To be Continued......

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now