Kabanata 39

306 11 8
                                    



"Kawawa naman ng manok, mino-murder mo." ani Calvin. Doon ko lang napansin na halos madurog ko na nga ang kinakain kong fried chicken. Naisip ko kase yung nangyari kagabi. Bakit kase sa dinami-raming pwedeng tumulong sa'kin ba't siya pa? tsk!

"Sino bang iniisip mo? yung ex mo?" pangaasar niya.

"Hindi noh!" inirapan ko siya.

"'To naman binibiro lang, ang serious mo kase." aniya.

Tss!

Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay bumalik na kami sa classroom. Nang dahil sa wala pa ang professor namin at nakakaboard ay naisipan kong mag fb. Like ako ng like sa post ng mga kakilala ko hanggang sa may nakita ako sa news feed na nashare ng ka batch mate ko noong highschool. Video ni Ethan na nag gigitara, last year pa ito napost niya. Napangiwi naman ako at ni-click ko ang video. Curiosity kills me. Ano kayang ka ek-ekan ang pinost ng unggoy na 'to?

Kalimutan mo na yan

Sige-sige maglibang

Wag kang magpakahibang

Dapat ay itawa lang

Ang problema sa babae dapat di iniinda

Hayaan mo sila ang mag--

Tsk.

Ini stop ko na ang video. Napangiwi nalang ako. May pa cover-cover pa siyang nalalaman ah. Ang pangit ng boses niya tss! Pa cute pa siya sa video akala niya naman cute siya, papungay-pungay pa ng kanyang mga mata atsaka kung maka asta ako yung nanloko.

"Calvin, selfie tayo." sabi ko sa katabi ko. Di naman siya umangal at nag selfie na nga kami. Ipopost ko 'to sa Facebook.

"Para tayo ditong magjowa." natatawang sabi ko. Nakaakbay kase siya at ako naman kunwari hahalikan ang pisngi niya. Mapagkakamalan kami nitong magboyfriend. So ayun nga, pinost ko agad sa facebook. Teka, ano nga bang caption ilalagay ko? ah alam ko na. Janelle and Calvin.

Kinahapunan, nagkita kami ni Kelly sa mall at kumain ng meryenda. Pansin ko naman na parang excited na siya magkwento.

"Alam mo Bes, nakita ko si Gino kaya sinundan ko siya and then sa sementeryo pala ang punta niya,"

"O tapos?" sabi ko habang kumakain ng pasta.

"Since na doon naman ang puntod ng lola ko kaya nagpakita na ako sakanya."

"Tapos?"

"Kyaaah! I can't, i can't." aniya habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili.

"Ano nga?" naiinip kong tanong.

"Hiningi niya ang number ko, Hihi!" kinikilig na sabi niya. Tss para yun lang. Ano naman kaya ang nakakakilig dun?

"Textmate na kami."

Edi wow! Mapapa sana all nalang ako.

"Congrats, sana hindi ka niya lokohin." sabi ko nalang.

"Kayo ni Ethan, may closure na ba kayo?" bigla niyang tanong. Muntik pa akong mabulunan habang umiinom ng softdrink. Inemphasized niya pa talaga ang salitang 'kayo'.

"Anong closure pinagsasabi mo?" taas kilay kong tanong, parang nandidiri.

"Ay, oo nga pala may girlfriend na yung tao." aniya.

"Pero sabi mo diba, mababalitaan nalang natin na break---" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Na na-rape na siya ng bakla!" sabi ko.

"Grabe ka, ang sama mo naman sakanya." giit niya at nginisian ko nalang siya. Matutuwa talaga ako kung ma-rape si Ethan ng tatlong bakla, Haha!

Newsflash; playboy na si Ethan Jay gomez, ni rape ng mga bakla. Haha!

"Anyway, may something na ba sainyo nung Calvin? Ang sweet niyo kasing tingnan sa picture."

"We're best friend lang naman, walang kami." sabi ko.

Gabi na kami nakauwi ni Kelly. At nang malapit na ako sa bahay ay may natanaw akong kotse sa harap ng bahay namin. Nang makalapit na ako nanlaki ang mga mata ko. Nakasandal si Ethan sa kotse niya. Bumaba na ako ng kotse at di siya nilingon. Dire-diretso lang akong pumunta ng gate para buksan ito.

"Janelle!"

Parang bumigat bigla ang dibdib ko. Bumuntong hininga ako para gumaan ang dibdib ko at nilingon siya.

"Ba't ka nandito?" tanong ko. Nakangiting plastik ko siyang tiningnan. Nailang naman ako sa mga titig niya.

"W-wag mo sanang isipin na.. di na kita mahal." natawa naman akong sarkastiko sakanya. Ano bang pinagsasabi niya? Never kong inisip na mahal niya pa ako dahil babaero siya, papalit-palit ng babae.

"Ah! alam ko naman na pinaglaruan mo lang ako dahil kung mahal mo pa ko, di mo ako pinagpalit." mariin kong sabi.

"Jen, hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko." aniya. Hinawakan niya ang kamay ko at kinalas ko naman agad ito. Parang abot-abot na ang tahip ng puso ko.

"Diba may girlfriend ka na? Anong mahal-mahal ang pinagsasabi mo? di mo ba mahal yung bago mo?" Ewan ko ba, parang sumisikip ang dibdib ko sa pinagsasabi ko.

"Nandun ka naman diba? di ko siya tinatanong--"

"Pero nililigawan mo siya." giit ko.

"Nanligaw ako para makalimutan ka." aniya. "Ang hirap-hirap magpanggap na di na kita mahal."

"Tsk lier!" singhal ko. Papasok na sana ako nang hinigit niya ang kamay ko.

"Nung araw na naging kami ni Isabel, nung gabing yun pinaliwanag ko sakanya, wala na kami." aniya. Tss sabi ko na nga ba e, di sila magtatagal.

"Jen, magsimula tayo ulit please..liligawan kita ulit."

Tss, magsimulang maglokohan ulit.

"Ethan, please.. iba nalang, WAG AKO!" mariin kong sabi.

"Jen, mahal nga kita, ikaw ang forever ko." aniya. Nasusuka yata ako sa mga naririnig ko mula sakanya. Gusto ko siyang tadyakin para umalis na siya.

Di ko naman makalas ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko dahil sobra nitong higpit.

"Bitawan mo nga 'ko!" sigaw ko sakanya. Bumitaw naman siya.

Pumasok na ako at mabilis na sinarado ang pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bigat nito. Parang pinipiga ang puso ko.

"Oh Janelle, nakausap mo na ba ang ex mo?" Nagulat naman ako nang sumalubong si Mama sa'kin.

Hindi naman agad ako nakasagot.

"Kanina ka pa niya hinihintay dito, ayaw niya naman pumasok, bakit? Makikipagbalikan ba siya sayo?"

"Ma, hayaan mo siya." sabi ko at dumiretso na ako sa kwarto ko.

"Mukhang malalim yata talaga ang pinaghuhugutan mo ng galit sakanya?" Sinundan niya ako hanggang sa kwarto.

"Janelle, mahal mo pa ba ang lalakeng yun?" Naiinis na talaga ako sa nanay ko. Hindi siya sensitive sa mga tinatanong niya tss!

"Ma, hindi ko siya dapat mahalin."



To be continued.....

A/N: last chapter to go

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now