Kabanata 12

400 30 8
                                    


Lumipas ang dalawang araw at pasukan na.

"Good morning Janelle!" bati sa'kin ni Jarred dito sa cafeteria. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

Umupo siya sa tabi ko at nilapag niya yung pagkain niya. Binati niya rin si Kelly. Sakto ring dumating si Ethan at umupo sa tabi ni Kelly na may dala ring pagkain.

"Nabalitaan ko na naligaw ka daw sa may gubat." sabi ni Jarred.

"Ah oo." sagot ko nalang.

Pinasadahan ko ng tingin si Ethan na nakatingin din sakin.

Agad akong umiwas ng tingin at kinain ang pagkain ko. Naalala ko na naman, halos dalawang gabi kong naalala yung aksidenteng halik namin, yung malambot niyang labi na lumapat sa labi ko.

"You want kisses?" biglang tanong ni Jarred sakin.

Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko at si Kelly naman ay mukhang kinikilig samin.

Pinakita niya naman yung chocolate na kisses ang brand name. Akala ko naman kung ano na.

"Salamat." sabi ko at tinanggap ko iyon.

"Masarap yan." aniya.

"Gusto mo Kelly?"

"Syempre naman." sagot agad ni Lelly at inabot ko sakanya ang isa.

"Ako rin gusto ko ng kisses mo." ani Ethan.

Parang iba yata ang pumasok sa isip ko sa sinabi niya.

"Joke lang, mas matamis pa yata ang kiss ko dyan eh, Haha!" halakhak niya. Napalunok nalang ako.

Oo nga naman. Arrgh! erase-erase.

You're not even worth my first kiss, duh!

"Pwede ba tayong manood ng sine mamaya? May gusto kase akong panoorin ngayon eh, wala akong kasama manood." anyaya ni Jarred.

"Ah p-pwede naman." sagot ko nalang at tumango naman siya.

Kinahapunan, hinintay ko si Jarred dito sa may parking lot.

"Sige una na ako, ingat sa date." paalam ni Kelly at sumakay na siya ng kotse niya. Nagtaka naman ako, hindi ba siya hinahatid ni Ethan.

Namataan ko naman si Ethan na papalapit dito sa may parking lot. Nakapamulsa at naka shade pa ang mokong kahit wala naman sikat ng araw.

"Sinong hinihintay mo?" tanong niya.

"Si Jarred." sagot ko.

"Asan siya?" tanong niya ulit.

"Nagpapractice pa ng basketball." sabi ko.

"Umalis na si kelly." sabi ko pa at tumango naman siya.

"Parang hindi mo na yata nililigawan ang kaibigan ko ah, mukhang suko ka na o kaya naman may iba ka ng gusto." panunuya ko.

"Tapos sasabihin mo ikaw ang gusto ko! yucks hinding-hindi ako magkakagusto sayo, ang kapal mo." giit niya at napakunot naman ang noo ko.

"Eeww!" dagdag niya.

"May sinabi ba akong ako?" giit ko rin.

"Kung maka-Eeww ka diyan! Para kang bakla!" tugon ko.

"Gusto mo lang yata magpahalik, mga babae talaga tsk!" singhal niya.

"Tuwing naalala ko 'yung aksidenteng halikan natin ay kinikilabutan ako." sabi pa niya habang kunware nandidiri. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil naaalala niya pa pala.

"Oh ba't hindi makapagsalita dyan? Wag mo sabihing nagustuhan mo ang aksidenteng halik ko?" tanong niya.

"Hindi noh!" pagtataray ko.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now