Kabanata 29

294 13 5
                                    




Paikot-ikot ako sa kama ko dahil hindi ako makatulog. Hindi ko parin ma-contain ang nararamdaman ko.

'Janelle, excited na akong makita ka bukas'

'Goodnight, I love you.' Text message sa'kin ni Ethan.

My God! parang ayaw ko munang pumasok bukas. Hindi parin talaga ako makapaniwala na kami na.

Kinaumagahan, late ako sa first subject ko. Sinabi ng prof. namin na magkakaroon kami ng swimming lesson bukas.

"Anong susuotin mo bukas?" tanong sa'kin ni Calvin.

"Hmm.. rash guard nalang." sagot ko.

"Mag bikini ka nalang, Haha!" suhestyon niya.

"Tsk! ewan ko sayo." hinampas ko siya sa braso.

Nang matapos na ang klase ay niyaya ako ni Calvin na kumain sa cafeteria.

"Sige, ikaw nalang busog pa kase ako." pagdadahilan ko.

"Libre kita." aniya.

Ay Wow! manlilibre ang Chinese. "No thanks, busog pa talaga ako."

"Sige, punta ako cafeteria." paalam niya.

Ayaw ko talagang lumabas muna.

"Girls, may gwapo sa labas!" rinig kong sabi ng classmate kong babae sabay hagikhikan.

"Asan?"

"Ayun, nakasandal doon sa pader para siyang model, Hihi!" kinikilig na sagot ng isa pang babae.

Kumabog bigla ang dibdib ko. Sana hindi si Ethan ang tinutukoy nila. Hindi naman alam ni Ethan kung saan ang room ko.

"Waaah! ayun siya." Napalingon naman ako sa pinto at kumalabog ang puso ko nang makita si Ethan na nakaabang na doon.

Aba! nagpagupit. Ang gwapo niya parin kahit plain t-shirt lang naman ang suot niya.

Pasimple akong lumabas at sumunod naman siya. Ang Bango niya ah.

"Anong ginagawa mo dito." tanong ko habang naglalakad parin.

"Gusto ko lang makita ang girlfriend KO!" pagdidiin niyang sabi.

"Ikaw ah! May atraso ka pa sa'kin, iniwan mo 'ko kagabi." aniya.

"Diba sabi mo may lakad ka pa." sabi ko.

"Biro ko lang yun." sagot niya. Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Mag date tayo mamaya ah." aniya.

"Titignan ko." sagot ko. Kumalas muna ako sa kamay niyang nakahawak sa'kin dahil naiilang talaga ako. Di ako sanay. Pansin ko naman ang mga tingin ng mga tao samin.

Nang makababa na kami ng school building ay dumiretso kami sa gilid ng open field at naupo sa may bench.

"Ethan!" tawag ni Keanna.

Here comes the...

Bigla nalang siyang sumiksik sa gitna namin. Muntikan pa akong mahulog sa pag usog niya. Hindi ko nalang sila tinignan dahil alam kong nakakapit na sa braso ni Ethan si Keanna.

"Keanna, hmm may sasabihin ako." sabi ni Ethan.

"What is it?"

"Si Janelle, girlfriend ko." ani Ethan.

Napalingon naman sa'kin si Keanna at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Really?" baling niya kay Ethan.

Kung Tayo Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon