Kabanata 9

409 53 11
                                    

Mabilis na tinalikuran ni Miggy si Ethan. Nagsihawian pa ang mga tao sa dinaanan niya at lumabas na.

Pinakalma naman si Ethan ni Kelly at ng mga kaibigan niya. Kitang-kita ko sa mga mata ni Ethan ang galit at ang pag igting ng kanyang panga. Sino naman kaya ang pinag awayan nila?

Tumunog ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Mama. Pinapauwi niya na ako kaya nagmadali akong lumabas ng bahay nila Tyler at sumakay na ng taxi. Tinext ko nalang si kelly na umuwi na ako. Hindi na ako nag abala pang magpaalam kay Tyler.



Kinabukasan, medyo sumakit ang ulo ko. Dalawang basong wine lang naman ang nainom ko. Ang lakas naman umepekto ng alak sa sistema ko. Kaya naman pagpasok ko ng school ay parang inaantok pa ako dahil sa hangover.

"Janelle." salubong sa'kin ni kelly dito sa corridor.

"Kaloka ka, ba't bigla ka nalang umalis ah?" aniya.

"Tumawag kase sa'kin si Mama pinapauwi niya na ako." sagot ko.

"Ikaw tuloy napagbuntungan ng galit ni Ethan." sabi ni kelly kaya napangiwi ako.

"Ni hindi ka daw nagpaalam sa kanya, paano daw kung may mangyaring masama sayo edi siya ang sisisihin dahil siya ang nagsundo sayo."

Whatever!

Nang matapos ang dalawang subject namin ay pumunta na kami ng canteen ni Kelly.

Sinalubong naman siya ni Ethan at sila na ang nag order. Umupo nalang ako. Maya-maya lang ay may dala na sila ng inorder nilang pizza. Pinasadahan ko naman ng tingin ang mukha ni Ethan na may maliit na pasa sa gilid ng kanyang labi.

"Wait lang, bibili lang ako ng juice." ani Kelly at muling bumalik sa counter.

"Anong pinag awayan niyo?" hindi ko napigilang magtanong sa kanya.

"Wala ka na dun." aniya at inirapan ko nalang ang kasungitan niya. Tanaw ko naman si Tyler sa kabilang mesa na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

"Pangit na nga ng araw ko, dinagdagan mo pa." pabulong niyang sabi pero dinig ko.

"Anong sabi mo?" taas kilay kong tanong.

"Tsk pangit na nga, bingi pa." singhal niya. Kaya napakunot nalang ang noo ko. Ba't kaya ako pinag-iinitan nito?

"Hoy--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumating na si Kelly dala ang tatlong inorder niyang juice.

"Hi Miss!" gulat akong napalingon sa'king likuran at nakita ang lalakeng matamis ang ngiti sa'kin. Matangkad siya, maputi at mapupungay ang mga mata.

"I'm Jarred." pakilala niya sabay lahad ng kamay at tinanggap ko naman iyon.

"Janelle." pakilala ko rin. Kung hindi ako nagkakamali ay grade 11 student siya.

"Can I seat?"

"Ah u-upo ka." sabi ko at iginiya ang upuan sa tabi ko. Umupo naman siya at sandaling nilingon sila Kelly sa harapan na tahimik lang at ang nakabusangot na si Ethan.

"Uhm Janelle, ngayon lang ako naglakas loob na magpakilala sayo, gusto sana kitang maging kaibigan." aniya.

"Omg!" kilig na sambit ni Kelly.

"Tsk!" rinig kong singhal ni Ethan. Laglag lang ang panga ko habang nagsasalita 'yung Jarred.

May gusto kaya siya sa'kin? pero wag assuming Janelle dahil gusto ka lang niya maging kaibigan.

"Of course." sagot ko nalang at nasilayan ko naman ang matamis niyang mga ngiti at ang dimples niyang malalim.

"Thanks." aniya. Pinagpapawisan na ata ako nito.

Kung Tayo Man (Completed)Where stories live. Discover now