Prologue

19.3K 224 12
                                    

PROLOGUE

Umuubo siya ng dugo at hindi maigalaw ang buong katawan dahil sa sakit na nararamdaman. Gusto niyang manghingi ng tulong ngunit hindi niya magawa dahil puno ng panginginig ng kaniyang mga labi.


Kahit igalaw ang mga kamay ay hindi niya rin magawa dahil puno ng sakit ang katawan niya dahil sa insidenteng nangyari sakaniya ngayong araw. Gusto niyang tumayo ngunit hindi talaga niya kaya.

May ilang tao ang nakakakita sakaniya ngunit umiiwas dahil natatakot. Mababaw nalang ang kaniyang paghinga at ilang oras nalang ay alam niyang hindi na niya kakayanin.

"Tulong.." Sobrang hina niyang tugon. Hindi na talaga niya alam ang gagawin. Halos naliligo na siya sa dugong bumubuhos sa bunganga niya. May ilang sasakyan rin na napahinto dahil sa nangyari. Ang iba ay humihingi na ng tulong upang maidala siya sa ospital, ang iba naman ay natatakot at nandidiring napapaiwas ng tingin sakaniya.

Nang hindi na niya kaya, unti-unting dumilim ang kaniyang paningin at bumagal ang paghinga. Doon na nawala ang kaniyang buhay dahil sa insidenteng nangyari.

May isang nakaitim na lalaki ang lumapit sakaniyang katawan na wala ng buhay at tinitigan ng mabuti. May kinuha siyang isang card sa kaniyang bulsa at binasa kung anong mga nakasulat doon.

"Name, Cherry Del Ocampo. Cause of death, suicide."







NOTE:

This story is unedited. Don't expect that this story is perfect because it is not. If you're looking for perfect stories, then feel free to delete this story from your library and find another story. Easy as that. Thank you!

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now