Chapter 3

5.4K 105 2
                                    

CHAPTER THREE


Hindi ko parin makalimutan ang lalaking nakita ko kahapon sa Mall. Kilala niya ba ako? Bakit niya ako tinawag na Cherry? Mukha ba akong prutas? Tingin ko naman, hindi. Kasi sobrang putla ng mukha ko at sobrang pula rin ng labi. Pero bakit kaya naging ganon nalang ang reaksyon ng lalaking 'yon? Ano kayang problema?

"Hoy!" Napabalikwas ako ng bigla akong sigawan ni Sue. "Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa kita tinatawag diyan pero nakatulala ka lang. May problema ba?"

Napalunok ako. "A-ahm, wala naman. M-may iniisip lang."

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri at tinutukan ako ng tingin. "Ano naman 'yon? Anong iniisip mo?"

Umupo ako ng maayos sa sofa na inuupuan namin tsaka tinitigan ng maigi ang mga mata ni Sue.

"Sue," tawag ko ng pangalan niya at tinitigan ng maigi ang mga mata niya. "Halimbawa, may taong nakakakilala sayo at parte siya sa nakaraang buhay mo? Tapos alam niya rin ang past mo pero hindi mo siya maalala dahil Grim Reaper kana nga, anong magiging reaksyon mo?"

"Hindi ko alam. Ba't mo naman natanong?"

"Ano ba, sue! Seryoso ako! Sagutin mo naman ng maayos." Naiinis na sabi ko sakaniya. Minsan walang kwentang kausap rin 'tong si Sue, e. Minsan kasi puro kalokohan.

Napalabi siya. "Seryoso rin ako, 'no. Hindi ko naman talaga alam ang magiging reaksyon ko kapag nangyari 'yan sakin. Hindi ko naman alam ang mangyayari sa hinaharap."

Napatango ako at bumuntong hininga. "Sabagay.. tama ka naman."

"Bakit? Ano bang problema mo? Kanina pa malalim ang iniisip mo, e. Para kang nasisiraan ng bait."

"W-wala lang 'to. Baka mamaya or bukas mawawala rin sa utak ko 'to. Atsaka hindi naman siya gaanong importante." Importante kaya 'yon! Sabat ng isip ko. Mariin akong napailing-iling dahil do'n tsaka itinutok nalang ang atensyon sa pinapanood naming balita.

"Okay." Sagot ni Sue at tumutok nalang rin sa TV. Isang balita ang kumuha ng atensyon namin ni Sue pagkatapos ng maikling pag-uusap namin. Dalawang dalagang babae ang binaril sa ulo.

"Oh, that, sila 'yung dalawang nakatoka sa trabaho ko kahapon. Binaril sila sa ulo at hindi pa alam ng pulisya kung anong dahilan ng suspect kung bakit ginawa 'yon." Sabi ni Sue habang nakatuon ang atensyon sa pinapanood. Napatingin naman ako sakaniya ng saglit tsaka binalik ulit ang tingin sa balita.

Sino naman kaya ang walang hiyang suspect na 'yon at ginawa niya ang karumal-dumal na krimen na 'yan? Mga tao nga naman ngayon, wala ng matinong trabaho. Kahit ano nalang ang pasukin basta magkapera lang. Hay kainis. Sinisira nanaman ng suspect na 'yon ang mood ko.

"Ay oo nga pala, Lyk. Aalis kami mamaya ni Senior Ry para puntahan si Master." Biglang paalam ni Sue. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Magkasama talaga sila?

"Bakit? Anong gagawin niyo sa Master's Office?" Hindi maiwasang usisa ko. Hindi talaga ako naniniwalang pupunta sila ro'n. Alam kong iba ang pupuntahan nila.

"A-ahm, kasi..." Humugot ng malalim na hininga si Sue tsaka kumalap ng ibang sasabihin sakin. "K-kasi kailangan naming i-report 'yong nangyari kahapon."

"I-report? Why?" Hindi naniniwalang tugon ko. "Why do you need to report about what happened yesterday? Its not needed, anyway."

"Basta. Gusto ko lang naman samahan si Senior Ry, masama ba 'yon?" Parang naaasar na sagot niya. Ngumisi lang ako dahil sa inaakto niya. Senior Ry is not healthy for Sue. I'm sure of that. Alam kong marupok ang kaisa isang kaibigan ko kaya hindi siya healthy para kay Sue.

"No. I was just worried about your heart even if that's already dead." Diretsong sabi ko. "Hindi ka pwedeng magka-gusto sa lalaking 'yon, remember? Lagi mo 'yon tatandaan, okay? Ayokong mapahamak ka. Sigurado naman akong alam mo ang mangyayari sayo kapag nilabag mo ang batas ng Grim Reaper."

Tumango siya. "I know. Hindi ko magagawang kalimutan 'yon."

"Okay. Now, i'm relief." Sabi ko tsaka naunang tumayo at naglakad patungong kwarto. Hindi alam ni Sue na susundan ko silang dalawa mamaya ni Senior Ry. Kailangan kong makita kung anong ginagawa nilang dalawa. Baka kasi mamaya may masamang gawin ang Senior na 'yon para mahulog ang puso ng kaibigan ko sakaniya. I know patay na ang puso naming mga Grim Reaper, wala na kaming nararamdaman, pero kapag umibig kami ay iba ang dulot nun mula samin. Masyado kaming marupok kapag nakaramdam ulit ng wierd feelings.

So, i need to follow Sue and Senior Ry. I'm not comportable if i will be staying in this house. I'm worried about my bestfriend, Sue. At ayokong kapag nangyayari ang mga nasa isip ko, mapupunta lang sa kapahamakan si Sue. Argh, OA na kung OA, pero kailangan kong protektahan ang kaibigan ko.

Agad akong nagbihis ng simple jeans and black t-shirt. Lahat naman ng damit ko ay kulay black ang kulay. Ewan ko ba, lahat kami na Grim Reaper ay kulay black lagi ang isusuot na damit. Kahit tsinelas namin or sapatos ay ganun rin. Ang corny lang kasi talaga ng Master namin rito. And all of us here are such a wierd.

Nang makalabas ako ng kwarto ay nakapatay na ang TV at wala na sa sofa ang bulto ni Sue. Agad akong lumabas para hanapin siya at sa kabutihang palad nakita ko siya sa pinto ng bahay nila Senior Ry. Agad kong nakita na lumabas si Senior Ry at nakangiting binigyan ng madadaanan si Sue. Napangiti naman si Sue dahil sa ginawa ni Senior. Gentleman naman pala ni Senior! Wow, wow, wow!

Bigla akong nagtago sa mga bagay na pwede kong mataguan habang sinusundan silang dalawa.

Ilang minuto pa silang naglalakad at may pinag-uusapan sila ngunit hindi ko marinig kaya medyo lumapit ako sakanila ng konti para marinig ko ang sinasabi nila. Biglang huminto sa pagsasalita si Sue at tumingin sa likod niya. Agad naman akong nagtago, at ng silipin ko ulit sila, nakangiti na ulit silang nag-uusap.

So there, hindi naman pala talaga sila pupunta ng Master's Office! Kasinungalingan ni Sue. Hay nakakabadtrip siya.

Panay lang ang sunod at tago ko sakanila. At nakakailang minuto ko na silang sinusundan. Medyo nakakapagod rin dahil ilang beses na nagtatago ako upang hindi mahuli ng mga mata ni Sue.

At habang sinusundan sila, pumasok sila sa isang Restaurant malapit sa lugar na pinagtitirahan namin.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now