Chapter 42

2K 37 2
                                    

CHAPTER FOURTY TWO


Lumipas ang isang linggo. Hindi na ako nagpakita pa kay Luijin. Pagkatapos niyang mag-propose sakin at pagkatapos kong matuklasan ang lahat, tumakbo nalang ako papalayo habang iyak iyak.

Flashback

Nagising ako sa reyalidad at nakita kong nanatili paring nakaluhod si Luijin. Mabilis kong inilayo sakaniya ang kamay ko. Patuloy ang pagbuhos ng aking luha habang nakatitig sakaniya.

"S-Sorry.." Iyon ang una kong nasabi. Kita ko ang pagkagulat at sakit na namuo sa mukha ni Luijin.

"W-What's the problem?" Nilapitan niya ako pero umatras ako. Narinig ko na ang bulong bulungan ng mga taong nananonood samin.

"S-Sorry," Sabi ko ulit. "N-Naalala ko na ang lahat."

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon, nagsimula na akong tumakbo palayo sakaniya habang patuloy na bumubuhos ang luha sa aking mata.

End of Flashback.

Nung mga araw na 'yon, sumunod sakin nun si Al at siya ang nasa tabi ko nung mga araw na wala akong ibang nagawa kundi umiyak lang.

Niyakap niya ako nun at pinatahan pero mas lalo lang akong naiyak. Hindi ako makapaniwala na nagpakatanga ako para lang sa pagmamahal ni Luijin. Nabulag ako para lang sa pagmamahal niya na hindi naman totoo. Hindi ako ang totoong mahal niya kundi si Sue. Ang kapatid ko.

"Sorry, Lyk." Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko 'yon kay Al. Napakunot ang noo ko at napatingin sakaniya.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Dapat pala sinabi na namin sayo ni Sue ang lahat." Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.

"What do you mean, Al?"

Napayuko siya, "Nung nasa Cebu tayo, aksidenteng nahawakan ni Sue ang kamay ni Luijin. Nalaman niya ang past ni Luijin bago mo pa malaman. At kinwento niya rin 'yon sakin lahat. Sorry kung hindi namin nasabi sayo agad. Ayaw ka lang namin masaktan."

Napamaang ang bibig ko at napatulala sakaniyang mukha. 

So, alam nilang lahat ang totoo at ako nalang ang hindi? Alam nila ang totoo at ako nagmumukha ng tanga. Ayokong magmura pero nakaka-gago eh.

Sarkastiko akong natawa para mapigilan ang pagtulo ng luha ko, "Haha. Ayaw niyo 'kong masaktan? Eh ano 'tong ginagawa niyo sakin ngayon?"

"Lyk—"

"Nagmukha akong tanga, Al. Alam niyong lahat ang totoo pero hindi niyo man lang inisip na mas lalo akong masasaktan kapag hindi niyo agad sinabi sakin." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumayo ako sa kinatatayuan ko at pumasok sa loob ng aking kwarto. Ayokong muna silang makausap. Gusto kong mag-isip. Pag-isipan ang gagawin ko.

Nahiga ako sa aking kama at pinikit ang mata. Naramdaman kong may tumulong luha padaloy sa gilid ng aking mga mata.

Hindi parin maalis ang sakit.

Sobrang sakit malaman na nagpanggap siyang mahalin ako para makaganti. Pinagplanuhan 'tong maigi ni Luijin. Lahat ng kwento niya kapag magkasama kami ay kasinungalingan.

Pero wala naman akong karapatang sumbatan siya at bulyawan dahil may kasalanan rin ako. Kasalanan ko ang lahat. Dahil ito sa pesteng pagmamahal ko para sakaniya.

Pero bakit ganun? Ang sakit eh. Nagmahal lang naman ako. Binigay ko lang naman lahat ng pagmamahal ko pero bakit ganito ang igaganti sakin? Ito na yata ang karma ko. Ito na ang pinakamatinding karma na natanggap ko.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon