Chapter 32

1.9K 41 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO


Gabi na at nandito na ako ngayon sa kwarto namin nila Sue. Tatlong kama ang nandito sa loob ng kwarto at syempre kasama namin si Al. Pero ang sabi niya kanina, makikitulog siya sa kwarto ni Luijin kaya hindi namin siya kasama ngayon ni Sue.

"Bff na talaga sila nung Luijin na 'yon ah?" Tugon ni Sue habang nakaharap sa malaking salamin dito sa aming kwarto at sinusuklay ang kaniyang hanggang balikat na buhok.

I shrugged. "Maybe? Nakita naman natin na doon matutulog si Al sa kwarto ni Luijin so.. I think, they're now bff."

She laughed. "Yeah. Bestfriend forever."

Natawa nalang rin ako at pumasok sa loob ng CR para magpalit ng pantulog. Nang matapos na akong magpalit, napahikab ako. Inaantok na ako. Dahil narin siguro sa pagod kaya gusto ko ng matulog ngayon. Kung saan saan kasi ako hinila ni Luijin kanina. Ayaw talaga akong bitawan.

Napangisi nalang ako at napailing ng maisip nanaman ang lalaking 'yon. Maingat akong humiga sa kama ko at inunat ang katawan. Ang lambooot. Tinalukbong ko ang aking kumot sa kalahati ng aking katawan at tinignan si Sue na nasa kaniya naring kama.

"Goodnight." Sabi ko.

"Oh, goodnight din." Sagot naman ni Sue. Tipid nalang akong napangiti tsaka ipipikit na sana ang aking mata pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa gilid ng kama ko. Kinapa ko kung nasaan iyon at ng makuha ko ito, nakita kong may text galing kay Luijin.

Tulog ka na?

Sent at 9:32 PM.

Matutulog pa lang sana.

Sent.


Ilalapag ko na sana ang aking cellphone sa table sa gilid ng kama ko pero nag-vibrate nanaman ito.

Okay. Matulog ka na. I love you :)

Sent at 9:33 PM.

Napangiti ako. Okay. Masyado na akong kinikilig dito ha.

Kinagat ko nalang ang pang ibabang labi ko at hindi na siya ni-replyan. Baka mamaya masabi ko na agad sakaniya na mahal ko rin siya. Nako!

Nakangiting ipinikit ko na ang aking mata at tinalukbong ang aking kumot sa aking buong katawan pati mukha. Ganito talaga kaming matulog ng mga Grim Reapers. Wag na kayong magtaka.

Ilang sandali ay bigla na akong nakatulog.

Nakaramdam bigla ako ng tunong mula sa aking cellphone na nakapatong sa table. Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa aking mukha at inabot ang aking telepono. Tinignan ko ang oras, ala una na ng madaling araw. Sino kaya 'to tumatawag sakin? Unknown number eh.

Walang alinlangang sinagot ko iyon. "Hello? Sino 'to?"

"Ahm, hello. This is Roxiah Fuentes."

Napakunot ang aking noo. Roxiah? Wait. Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Alam kong kilala ko kung sino ito pero di ko lang matandaan.

Umayos ako ng upo sa aking kama at napatingin ako sa hinihigaan ni Sue ngunit wala siya doon. Kumunot bigla ang aking noo sa nakita. Nasaan kaya siya?

"Uh, sorry. Pamilyar 'yung name mo pero di ko alam kung kilala ba kita?"

"Ako 'yung nakilala niyo ni Luijin sa Wonderland."

Biglang napabilog ang hugis ng bibig ko. "Oh? Natatandaan ko na!"

"Yeah. It's me."

"Teka, paano mo nalaman ang numero ko? Tsaka anong kailangan mo?"

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now