Chapter 30

2K 48 1
                                    

CHAPTER THIRTY

Pagkatapos naming kumain ni Luijin ay dinala niya naman ako sa kubo, malapit sa pinagkainan namin kanina. Nagulat ako dahil may camera na nakalagay sa table dito sa loob ng kubo. Pinaupo ako ni Luijin sa upuan malapit sa table at kinuha niya ang camera na nakalagay dun at tumabi sakin. Pinanood ko lamang siya sa kaniyang gagawin. Ano naman kaya ang palabas na gagawin ng lalaking 'to?

"Anong gagawin natin?" Hindi ko na napigilang magtanong. Bigla siyang napatigil sa pagkalikot sa camera at napatingin sakin. Bigla siyang ngumiti kaya napakunot ang noo ko.

"Gusto kong kunan ng litrato ang bawat oras na magkasama tayo." Maikling sagot niya at binaling ulit ang paningin sa camera. Hindi nalang ako nakasagot. Ilang minuto ko siyang hinintay bago niya matapos ang kaniyang ginagawa. Hinawakan niya bigla ang aking pulsuhan at hinila sa dagat.

Binitawan niya ang pulsuhan ko at may nilapitan siyang isang babae. Nagkasalubong bigla ang kilay ko ng makitang ang tamis ng ngiti niya sa babaeng 'yon. Oo, maganda yung babae pero tama bang bigla nalang niya akong iwan? Buset!

Pinapanood ko lang silang nag uusap hanggang sa lumapit ulit sakin si Luijin at hinawakan ang pulsuhan ko. Hindi ko siya binalingan ng tingin, nanatili ang tingin ko sa babaeng nilapitan ni Luijin na ngayo'y hawak hawak na ang camera na hawak ni Luijin kanina.

"Ahm, inutusan niya lang akong kuhaan kayo ng litrato. Don't look at me like you can kill me anytime." Malumanay na sambit ng babae sakin. Hindi ako nakasagot. Narinig ko ang halakhak ni Luijin sa gilid ko kaya napatingin ako sakaniya.

"I'm sorry. Napaka-selosa kasi nitong asawa ko." Sagot ni Luijin sa babae. Umurong na talaga ang dila ko. Hindi rin ako nakapag-react. Damn it, Luijin. Ganito ang nagiging epekto ko sayo.

"It's okay." Sagot ng babae. Nilipat ni Luijin ang kaniyang hawak sa balikat ko at inilapit pa niya ang kaniyang katawan sakin. Napatingin ako sa babaeng kaharap namin at nakita kong wala siyang pakealam sa kung ano mang gawin namin. Geez.

"One.. two.. three.. smile!" Sabi ng babae at mabilis na ni-click ang camera. Hindi ko alam kung anong itsura ko do'n. Hindi parin kasi ako naka-get over sa nangyari kanina. Mukha yatang pilit ang ngiti ko sa litrato. Huhu, ang pangit ko dun.

Mabilis na binigay ng babae ang camera kay Luijin. "Thank you."

Tanging ngiti lang ang naisukli ng babae at nagmadali ng umalis. Argh. Nakakahiya naman. Siguro may importante pa siyang gagawin pero pumayag parin siya sa gustong gawin ni Luijin. Tapos ang sama pa ng tingin ko sakaniya kanina. Argh! Nakakahiya talaga!

I heard Luijin's tsked. "Ikaw kasi ih. Napakaselosa mo. Ayan tuloy."

Napatingin ako ng masama kay Luijin. "Malay ko ba? Hindi mo naman kasi sinasabi sakin kung anong gusto mong gawin tapos bigla mo nalang akong bibitawan at sasama ka sa ibang babae!"

Gosh. Umiinit ang ulo ko. I need to calm.

Narinig ko nanaman ang halakhak ni Luijin. Ilang saglit niya akong tinitigan at bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit.

"God, cherry. Ayaw mo talaga akong mawala sa tabi mo 'no?"

Hindi ako nakasagot.

"Okay lang 'yon. Ayaw rin naman kitang mawala sa piling ko." Dagdag niya pa. Hinampas ko ang kaniyang dibdib dahil sa inis ko. Pero bandang huli, ang lapad na ng ngiti ko. Damn it.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuklian ko na siya ng yakap. Mahigpit kong niyakap ang bewang niya at komportableng sinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib.

The Girl Grim Reaper (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant