Chapter 12

3.2K 56 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Al. Basta na lamang niya ako hinila at dinala sa kung saan. Kung malakas lang ako ay nasipa ko na ang mukha ni Al, e. Pano ba naman kasi, hinila niya ako at nakakaladkad na ako dahil sa ginagawa niya. Buti nalang at nagtimpi ako kundi nako baka kung anong magawa ko sakaniya.

Medyo malayo ang binyahe namin para lang makapunta rito at hindi ko alam na may sarili palang kotse itong si Al. Just wow. Hindi ko akalaing magkakaroon na siya ng ganung klaseng sasakyan. Ang ganda kasi at mukhang mamahalin.

"Nasaan tayo?" Tanong ko. "Kanina pa kita tinatanong diyan tas hindi ka naman sumasagot. Halos kaladkarin mo na nga ako papunta rito, e."

He chuckled. "Sorry for that. And anyway, nandito tayo sa Mall Of Asia."

Nanlaki ang mata ko. "Wow! Hindi pa ako nakakapunta rito! OMG!"

"Kayanga dito ako dumiretso dahil alam kong magugustuhan mo rito." He answered. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid at sobrang raming tao ang nandito. Parang bata naman ako na tumatakbo kung saan saan at napapatalon kapag may may hinahangaan. Tulad nalang ng mga rides rito. Ang lalaki at sobrang taas. Nakakalula kapag tinignan mo. Dumiretso naman ako sa Sea Side rito sa MOA. Grabe ang ganda. Malapit ng mag bumaba ang araw kaya umupo muna ako dun sa sahig at nakangiting tinignan ang kalangitan.

Napakagat naman ako ng labi ng mapagtantong wala sa tabi ko si Al. So sobrang excited ko kanina iniwan ko siya. Hay kasi naman e. Akmang tatayo ulit ako ngunit may umupo sa tabi ko. Si Al 'yon at may dala siyang pagkain. Inabot niya 'yon sakin at malapad naman akong napangiti saka tinanggap 'yon.

"Ang bilis mong tumakbo, alam mo ba 'yon?" Reklamo niya tsaka sinuklay ang medyo mahaba niyang buhok gamit ang kaniyang kamay. "Ayan, kainin mo muna 'yan."

"Salamat." Tugon ko tsaka kinain ang binili niyang pagkain para sakin.

"Hindi ka na ba galit sakin?" Tanong niya. Tumikhim naman ako saka tinignan ang itsura niya.

"Ahm, hindi na." Panimula ko. "Sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit kanina. Nagtatampo lang ako dahil nagsinungaling ka. At bukod pa ron hindi mo sinabi kung ano ba talaga ang nangyari sayo."

Iniyuko niya ang ulo at humugot ng malalim na hininga. "Hindi talaga totoong tapos na ang pagiging Grim Reaper ko. Ang totoo iniwan ko ang trabaho ko."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, binitawan ko ang hawak kong pagkain at nilagay 'yon sa sahig.

"Ano ka mo? Iniwan mo ang trabaho mo? Ang pagiging Grim Reaper mo?" Hindi makapaniwalang tugon ko. At dahil sa gulat ko napataas yata ang boses ko dahil nagsitinginan sakin ang mga taong nasa paligid namin. "Teka, bakit mo ginawa 'yon? Paano nangyari 'yon? Pinarusahan ka ba? Ano? Sabihin mo!"

"Sorry po. May sayad sa utak 'tong kasama ko, e." Sabi niya sa mga tao. "Kumalma ka nga muna," Baling naman niya sakin. "Hindi ako pinarusahan ni Master. Wala siyang masamang ginawa sakin. Kung may ginawa siya edi dapat hindi mo ako makikita ngayon."

Unti-unting guminhawa ang pakiramdam ko. Pero hindi parin naalis ang pagtataka ko. Paano nangyaring walang parusang pinaratang sakaniya?

"Paano nangyari 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Hindi na 'yon malakas tulad kanina, mahina na 'yon dahil baka may iba pang makarinig ng usapan namin.

"Basta." Maikling sagot niya. "Anyway, kamusta ang pagiging Grim Reaper niyo habang wala ako?" Alam kong inililihis niya ang topic para hindi na namin magpag-usapan. Hindi niya talaga sasabihin sakin kung ano ang totoong nangyari.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now