Chapter 29

2K 44 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE


Hindi ko naigalaw ang aking katawan habang pinapanood parin silang dalawa na magkayakap. Nakita kong biglang nanlaki ang mata ni Sue at tinulak si Luijin ng malakas. Nanlaki ang mata ko ng sampalin niya ito dahil sa ginawa ni Luijin.

"Bastos ka ba?" Singhal ni Sue. Pinilit kong igalaw ang aking katawan at nilapitan silang dalawa. Tinignan ko si Luijin na titig na titig parin kay Sue.

"B-Buhay ka?" Nanginginig na tanong ni Luijin habang nakatitig kay Sue. Napatingin sakin si Sue at kinunutan niya ako ng noo. Hindi nakapag-react dahil hindi ko naman alam ang nangyayari.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi kita kilala." Sagot ni Sue. Akmang hahawakan ulit ni Luijin si Sue pero umatras si Sue at tumakbo papunta sa cottage na pinasukan ni Al. Bumaling naman ang paningin ko kay Luijin at nakita kong nakatulala siya sa kawalan habang lumuluha na.

"L-Luijin." I called. Hindi niya ako narinig. Nanatili siyang nakatulala. "Luijin!"

Hinawakan ko ang kaniyang braso at bigla naman siyang napabaling sakin. Kumunot ang aking noo habang nakatingin sakaniya. Ano bang nangyayari?

"Anong nangyayari sayo, Luijin?" Tanong ko. "Saka, bakit kilala mo si Sue? Bakit kilala mo ang kaibigan ko?"

Hindi siya nakasagot pero pinunasan niya ang luhang tumutulo sakaniyang mata at nginitian ako.

"A-Ahm, ano.. kase.. akala ko siya 'yung taong matagal ko ng hinahanap. Oo, tama. A-Akala ko lang pala." Sagot niya habang hindi makatingin sakin. Mas lalong napakunot ang aking noo at sinilip ang kaniyang mukha.

"Akala mo lang?" Tanong ko ulit.

"O-Oo. A-Akala ko siya talaga 'yun." Napabuntong hininga nalang ako sa sagot niya at napatingin sa dagat.

"Uh.. sorry na." Biglang sambit niya kaya napatingin ako sakaniya. Nakatingin na siya sakin at wala ng bakas ng luha sa kaniyang pisngi pero namumula parin ang kaniyang mata.

Napairap ako. "Bakit niyakap mo siya? Nagagandahan ka kay Sue, 'no?"

Narinig ko bigla ang kaniyang tawa pero alam kong pilit lang 'yon. Napapikit ako ng bigla niyang kinurot ang aking ilong. Mabilis ko namang hinawi ang kaniyang kamay.

"Sue pala pangalan nun?" Biglang tanong niya at nag iwas ng tingin. Nagkasalubong na ang kilay ko habang nakatingin sakaniya. Okay. Interesado talaga siya sa kaibigan ko.

"Bakit? Interesado ka sakaniya?" Pabalang kong tanong at hindi maiwasang mapairap. Ramdam ko ang tabang ng pagkakasabi ko nun ah. Grabe na ba ako? Eh kasi naman! Oo inaamin ko, nagseselos ako!

Narinig ko nanaman ang tawa niya at bigla akong inakbayan. "Hindi 'no. Selos ka naman eh ikaw lang naman mahal ko."

Natigilan ako sakaniyang sinabi. Naramdaman kong sinilip niya ang mukha ko kaya biglang nag init ang pisngi ko. Bwsit ka, Luijin. Bakit ka ba ganyan? Hindi porket sobrang miss kita ay pwede ka ng maging ganyan!

"Teka, umiyak ka?" Biglang tanong niya. Mabilis kong kinapa ang pisngi ko at pinunasan. Nakalimutan kong punasan 'to kanina. Shit. Tumulo nga pala ang luha ko dahil biglang niyakap ni Luijin si Sue. Eh hindi ko alam eh. Sobrang bigat sa loob at bigla nalang akong napaiyak.

Tipid akong ngumiti. "Napuwing lang. Ano ka ba. Ang daming buhangin dito eh."

Mabilis niyang inalis ang pagkakaakbay sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napatitig ako sakaniyang maamong mukha. Damn. I missed him so much.

"Sorry na. 'Wag ka ng magselos." Malambing na sambit niya. Tumindig bigla ang balahibo ko. Oh shit.

Umiwas ako ng tingin. "A-Anong nagseselos? Ang kapal mo naman! Hindi ako nagseselos 'no! Atsaka, anong karapatan ko?"

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon