Chapter 39

1.9K 39 3
                                    

CHAPTER THIRTY NINE


Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho ko ay naisipan kong umuwi muna ng bahay bago dumiretso kila Luijin. Kailangan kong magpalit ng damit.

Pumasok ako sa loob ng bahay at hindi pa ako nakakarating ng sala ay narinig ko na sila Sue at Al na nag-uusap.

"S-Si Luijin." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang pangalan ni Luijin sakanilang usapan. Parang biglang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ko na maigalaw. Kating kati ang tenga ko kung bakit nabanggit ni Sue ang pangalan ni Luijin. I want to know!

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Al, "Fuck!"

"Al.. hindi ko alam ang gagawin ng malaman ko 'yon. Natakot ako kasi kaibigan ko si Lyk at ayokong masaktan siya kapag nalaman niya 'to." Mahina ngunit madiin sambit ni Sue. Kumunot ang noo ko. Anong dapat kong malaman?

"I know. Pero bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Naiinis na tanong ni Al. Ilang saglit na hindi natahimik si Sue bago siya nagsalita.

"D-Dahil naguguluhan—"

"Mahal mo?"

Mas lalo akong nagtaka sa pinag-uusapan nila. Sinong tinutukoy ni Al? Ano ba ang pinag-uusapan nila?

"H-Hindi ko alam." Sagot ni Sue. Natahimik si Al sa sinagot ni Sue. Kahit ayokong umalis sa kinatatayuan ko, pinilit ko parin dahil gusto kong malaman kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Naguguluhan ako at nagdududa na baka may tinatago silang dalawa sakin na dapat kong malaman pero hindi nila sinasabi.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Parehas silang nagulat ng marinig ang boses ko. Nagkasalubong ang kilay ko sakanilang reaksyon.

Nakita kong lumunok si Sue bago nagsalita, "K-Kanina pa ba jan?"

"Hm, hindi naman." Sagot ko tsaka umupo sa tabi ni niya. Hinarap ko si Al at kinunutan ng noo. "Ano nga 'yong pinag-uusapan niyo? Bakit narinig ko ang pangalan ni Luijin? At sino 'yong mahal ni Sue? Sabihin niyo sakin, bilis!"

Nataranta si Al habang pekeng natatawa. "Hahaha. M-Mali ka ng pagkakarinig! Bungol ka talaga!"

Napatingin ako kay Sue ng bigla narin siyang natawa. "Oo nga, Lyk! Mali ka ng pagkakarinig!"

"Eh ano pala?"

"Tinatanong ko si Sue kung mahal niya ba ako!" Biglang nanlaki ang mata namin ni Sue sa sinabi ni Al. Seriously?

"Ha?" Nalang ang naisagot ko.

"Tinanong ko siya kanina kung sino mas pogi samin ni Luijin tapos sabi niya si Luijin daw!" Nakasimangot na tugon ni Al. "Tapos ayon, tinanong ko kung mahal niya ba ako pero ang sagot niya lang ay 'Hindi ko alam'. Nakakabwisit."

Sinulyapan ko si Sue saka ulit binalik ang tingin kay Al,  "Mahal mo si Sue?"

Hindi nakasagot si Al.

"Mahal mo ba si Sue?" Tanong ko ulit. Tahimik na silang dalawa at mukhang kinakabahan. Alam ko naman ang tungkol sakanilang dalawa. Gusto ko lang maging malinaw at gusto ko rin na aminin nila sakin ng harap harapan.

"Mahal na mahal." Seryosong sagot ni Al. Napatitig ako sakaniya at ganun rin siya sakin. Napabuntong hininga ako at umayos ng upo.

Sinulyapan ko si Sue, "Ikaw? Ganun rin ba ang nararamdaman mo kay Al?"

Nag-iwas ng tingin si Sue. "I.. uh, I really don't know."

"Okay." Sabi ko at tumayo. Parehas silang napatingin sakin.

"Hindi ka magagalit?" Tanong ni Sue.

"Bakit naman ako magagalit sainyo? Hindi ako hahadlang sa nararamdaman niyong dalawa." Sagot ko.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now