Chapter 26

2K 49 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX


"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" Sigaw ni Sue sa akin habang nandito kami sa bahay. Nakatayo kami rito sa sala habang napaggigitnaan namin ang lamesa. Nandito rin sina Senior Ry, Kee, Luke at si Al. Mukhang pati sila ay nagtataka sa ginawa ko. Alam na rin ni Al ang ginawa ko dahil sinabi sakaniya ni Kee. At lahat sila ay masama ang tingin sakin.

"You do not know what you're doing, Lyk. Niligtas mo ang lalaking 'yon para hindi mamatay? Ano bang pumasok dyan sa kokote mo at ginawa mo 'yun? Nagpapaka super hero ka na ba ngayon?" Sigaw parin ni Sue. Nanatiling sa malayo ang tingin ko. Hindi ako makatingin sakanila. I know, ako ang may kasalanan pero hindi ko naman pwedeng panuorin lang ang mangyayari kay Luijin. Hindi ko pwedeng panuorin lang ang mangyayari sa taong gusto ko.

Oo, inaamin ko. Alam ko na ang tunay kong nararamdaman kay Luijin. Gusto ko siya. Gustong gusto. At miss na miss ko na siya. Para pinapatay ulit ako dahil hindi ko siya nakikita at nakakausap ngayon.

"Ano? Sagutin mo 'ko!" Nagitla ako ng biglang hawakan ni Sue ang magkabilang balikat ko at marahang inalog. Napapikit ako ng maramdamang umiinit ang gilid ng aking mata at parang may nagbabadyang tumulong likido mula doon.

"Stop it, Sue." Sabi ni Al at bigla akong nilayo kay Sue. Nakita ko ang pagkasalubong ng kilay ni Sue sa ginawa ni Al. Pero sa huli ay napabuntong hininga nalang siya at napahawak sakaniyang magkabilang bewang.

"Pakikinggan ka namin, Lyk. Sabihin mo lang ang totoo. Bakit mo ginawa 'yon? Bakit niligtas mo ang lalaking 'yon?" Kalmado ng tanong ni Sue. Tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mata. Napatingin ako kila Senior Ry na pinapanood lang ang aking galaw. Maski sila ay hindi ako maintindihan.

"S-Sue—"

"Kilala namin ang lalaking 'yon." Nagulat ako ng biglang nagsalita si Al sa likod ko. Nakahawak parin ang kaniyang kamay sa aking braso. Napatingin ako sakaniya ng may bakas ng gulat saking itsura.

"Seriously?"

"Yes. Seryoso ako. Kilala namin 'yon. Magkasama kami ni Lyk ng makilala namin ang lalaking 'yon. Sandali lang namin siyang nakausap at hindi na 'yon nadugtungan pa ng ilang beses." Kalmadong paliwanag ni Al habang nakila Sue ang paningin.

"Pero alam niyong bawal 'yon diba?" Tanong ni Luke.

"Oo. Alam namin." Sagot ni Al. "Pero isang beses lang namin siya nakausap. Anong mali do'n? At isa pa, tinulungan niya kami. Kaya siguro ganun nalang ang gulat ni Lyk ng makitang siya ang mamamatay at bigla nalang siya nailigtas ni Lyk."

Sarkastikong natawa si Sue. "So, sinasabi mo na nagpapaka super hero nga itong si Lyk? Nagbabayad lang siya ng utang na loob, ganun ba?"

"Ewan. Ba't hindi si Lyk ang tanungin mo?" Pabalang na sagot ni Al. Nakita kong napairap si Sue sa sinabi ni Al at may nilabas na bagay mula sa bulsa ng kaniyang suit.

"Look at this." Sabi ni Sue at biglang pinatong sa lamesa ang bagay na nadukot nya mula sa bulsa ng kaniyang suit. Ayun 'yong mga death card ng mga hindi namatay kanina. Pero bakit wala ng pangalan ang nakasulat doon? Bakit biglang nabura?

"Bakit nabura ang pangalan nila dito? Hindi ba dapat nandito parin 'yon? Meron ba sainyong pwedeng magpaliwanag tungkol dito?" Seryosong tanong ni Sue hang isa isa kaming sinalubungan ng tingin.

"Pansamantala lang 'yang mabubura ngunit kasama parin sila sa mga listahan ng mga taong mamamatay." Biglang sambit ni Senior Ry. Lahat kami napatingin sakaniya.

"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ni Kee na naguguluhan parin.

"Ibig sabihin, mamatay at mamatay parin sila kahit niligtas sila ni Lyk sa kamatayan. Susundan parin sila ng kamatayan." Paliwanag naman ni Al. Biglang akong nagitla sa aking narinig. Kung ganon, kahit anong gawin kong pagliligtas kay Luijin, mamamatay parin siya? Kailan? Sa anong paanong paraan siya mamamatay?

"Kasama na sila sa listahan ng mga taong nakatakas sa kamatayan pero kahit nakatakas sila, susundan parin sila ng kamatayan dahil iyon ang nakatakda para sakanila. Lahat ng tao mamatay. Hindi nga lang nila alam kung kailan at paano." Huling sambit ni Al bago kami tinalikuran. Pumasok siya sa isang kwarto at padabog na sinara 'yon. Paniguradong galit si Al sakin. Nagsinungaling siya para pagtakpan ang pagkakamali ko.

Narinig ko ang buntong hininga ni Senior Ry at ng iba pang kasama ko dito. Nagpaalam na sila Senior Ry, Kee at si Luke na aalis na. Pinakiusapan naman sila ni Sue na itago ang nangyari kanina upang hindi na lumaki ang gulo. Nung una ay nag alangan sila ngunit pumayag na rin na gawing sikreto 'yon. Si Senior Ry na daw ang bahalang magpaliwanag kay Master kung bakit walang aksidente ang nangyari kanina. Parang nakahinga ako ng maluwag ng sabihin 'yon ni Senior Ry. Alam kong kahit hindi parin nila maintindihan kung bakit ginawa ko 'yun, pinagtatakpan parin nila ang kasalanan ko.

Napayuko ako ng kaming dalawa nalang ni Sue ang natira dito sa sala.

"Lyk," Napaangat ang tingin ko kay Sue ng bigla niya akong tawagin. Nagulat ako ng bigla niya akong lapitan at yakapin. Hinagod niya ang aking likod at doon biglang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung bakit.

"Gusto mo ang lalaking 'yon, tama ba ako?" Natigilan ako ng bigla niya 'yong itanong sakin. Hindi makapaniwalang napakalas ako sa kaniyang yakap.

"S-Sue, anong sinasabi mo?" Nauutal na tanong ko. "H-Hindi—"

"Okay. Kung gusto mo siya or hindi, wala na akong pakealam dun. Pero hanggang kailan mo siya ililigtas? Sinusundan na siya ng kamatayan, Lyk."

Hindi ako nakasagot sakaniyang sinabi.

"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, Sue. Sobrang hirap na eh." Sabi ko at napayuko nanaman ulit.

"Bakit kasi bawal nating magustuhan ang kahit na sino? Hindi naman masamang magkagusto o magmahal diba?" Mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung narinig ba 'yon ni Sue pero wala na akong pakealam. Gusto kong ilabas lahat ng gusto kong sabihin. Gusto kong sumigaw.

"Hindi masamang mag mahal, Lyk. Mas masama kung hindi ka magmamahal." Makahulugang sambit ni Sue. Narinig niya pala ang sinabi ko.

"P-Pero bakit may batas tayo na hindi tayo pwedeng umibig sa mga tao?"

"Dahil iba na tayo sakanila. Patay na tayo. At tayo 'yung mga ligaw na kaluluwa. May mga kasalanan tayo na kailangan nating pagdusahan upang mapunta tayo sa landas na kailangan nating tahakin. Hindi tayo naging isang Grim Reaper para maging wala lang, naging Grim Reaper tayo dahil kailangan nating itama ang pagkakamali natin noong nabubuhay pa tayo. Iba tayo sa mga tao, Lyk. Okay lang naman na magmahal tayo pero hindi 'yung sobra sobra. Dahil kapag nalaman nila ang totoong anyo natin, baka husgahan at layuan nila tayo. Kaya hangga't maaga pa, tayo na ang lalayo." Mahabang paliwanag ni Sue.

Tumulo ang ilang butil ng luha sa aking mata at niyakap ulit si Sue. Thank God at merong Sue na nakakaintindi sakin at sa gusto kong sabihin.

Thank God dahil nakilala ko si Sue.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now