Special Chapter 3

2K 42 0
                                    

SPECIAL CHAPTER


Luijin’s POV.

Iningatan ko ang relasyon namin ni Ryche. Masaya na 'ko sakaniya at ayoko ng maghanap pa ng iba. Corny na kung corny pero si Ryche na ang last para sakin. Siya na ang huling mamahalin ko. I love her so much. 

Pero ang dami kong iniisip ngayon. Hindi pa alam ni Ryche 'yung tungkol sa plano ko. What if she finds out? Anong mangyayari samin? Iiwan niya ba ko? Paano pag nalaman niyang hindi siya si Cherry kundi siya si Ryche?

Napahilamos ako sa inisip. It's stressing me out. Ayokong magsinungaling kay Ryche pero ayokong iwan niya ko pag nalaman niya 'to. I want to be with her. Hindi ko kayang mawala siya sakin.

Inalis ko ang lahat ng nasa isip ko ngayon. Hindi muna dapat ako mag-isip ng kung ano ano ngayon. Today is Ryche's birthday. And I want to make her happy on her day.

Tinawagan ko si Alex, "Siguraduhin mong maayos na ang lahat. Ayokong pumalpak sa surpresang ito."

"Copy boss." Tsaka ko pinatay ang tawag. Nakauwi na kami ni Roxiah at dumiretso agad ako sa bahay ni Ryche.

"W-What are you doing here, Luijin?!" Gulat na tanong niya sakin.

"I missed you!" Sabi ko at niyapos siya ng yakap. Mabilis siyang kumalas at hinila ako palabas ng bahay niya. Pinasok niya ko sa loob ng kotse ko.

I looked at her. And she was about to talk when I claimed her lips. My action was became aggressive. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I miss her!

Suddenly, I felt her hands around my nape. I kiss her sofly while my hands is travelling to her waist. Her lips taste good. Mas pipiliin kong mangalay para lang sa halik niya. Damn it.

Pagkatapos ng mapusok na halik mas inuna niya ang trabaho niya. She'll visit me later. At doon ko na isasagawa ang surpresa ko para sakaniya. She deserves to be happy on her birthday.

"Pumunta kayo mamaya dito," Sabi ko habang nakahiga sa aking kama at humikab.

"Bakit, bro? May chicks ba diyan?"

"Gago. Wala ba kayong alam?"

Nanahimik ang nasa kabilang linya, "Anong meron? Di ko maalala."

"Birthday ngayon ng kaibigan mo, gago!" Binubwisit ako nitong loko na 'to. Hindi niya ba talaga alam na birthday ngayon ni Ryche? Kaibigan ba talaga siya ni Ryche? Tss.

"Sino?" Loko talaga.

"Bahala ka nga. 'Wag ka na umattend. Wala kang shanghai." Sabi ko at pinatay ang tawag. Gago talaga 'tong si Al.

Pinikit ko ang aking mata at nagsimula na akong makatulog.

Nagising ako at lumabas ng aking kwarto. Nadatnan ko si Zealyn sa sala, nanonood. Oo nga pala, kanina lang sila umuwi. Nagulat nga ako ng makita sila dito sa bahay eh. Akala ko kasi wala na akong maituturing na pamilya. Buti naman at naalala pa nila Tito na may pamangkin sila.

"Zealyn, where's Tito?" I asked.

"I think he's outside." Sagot nito. Tumango nalang ako at naglakad palabas. At nakita ko nga si Tito sa labas ng bahay namin. Diretso siyang nakatayo habang nakapasok sa loob ng kaniyang bulsa ang kaniyang dalawang kamay.

"Tito," Tawag ko. Lumingon naman siya sakin.

"Oh, hijo."

"What are you doing here, Tito?"

"May iniisip lang, hijo."

"Ah," Hindi ko na siya tinanong kung ano yun. "Ay oo nga pala, Tito. My girlfriend will be here later. And today is her birthday."

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now