Chapter 21

2.2K 48 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE


Pumasok kami ni Luijin sa loob ng bahay. Pinaupo niya ako sa sofa at dumiretso siya ng kusina. Ilang minuto akong naghintay sa sala at naiinip na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pumasok narin ako sa kusina nila Luijin. Sinundan ko si Luijin sa kusina nila at bigla akong napaigtad ng makitang topless na si Luijin habang nagluluto. Napalunok ako.

Biglang humarap si Luijin para kumuha ng ingredients pero nagulat rin siya ng makita ako. Damn it.

Nakita kong gumalaw pataas-baba ang adam's apple niya at hindi ko ikakailang ang hot nun kapag siya ang gumawa! Teka? Ano bang iniisip ko? Shit.

Natuliro akong iniwas ang paningin ko sa katawan niya. Pero kingina. Hindi ko maiwasang maibalik ulit ang aking paningin sa napakaperpekto niyang katawan. Napalunok ulit ako at simula nun ay hindi ko na maiwas-iwas ang paningin ko sa matitipuno dibdib at kompletong abs niya. Ayokong magmura pero shit. Ang sexy pala ng katawan ng lalaking 'to!

⊙o⊙

"Cherry?"

Shit talaga. Bakit ganito siya? Bakit hindi niya sinabing ang sexy at hot ng katawan niya para hindi ako nabibigla ng ganito? Argh. I hate you, Luijin Delacroix.

"Cherry? Ayos ka lang ba?" Napaigtad ako sa biglang pagsalita niya. Lumapit siya sakin at sinilip ang mukha ko.

"Bakit may basa sa gilid ng bibig mo?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Mabilis kong kinapa ang gilid ng bibig ko at nakita kong may basa do'n. Damn it! Naglaway ako dahil katawan niya?! What the heck.

Mabilis akong tumalikod at inayos ang sarili ko, "A-Ahm. Ano kase.."

"Are you hungry?" Tanong niya at bigla nalang sumulpot sa harap ko. Napatalon ako sa gulat ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Nakadamit na siya ngayon, hindi tulad kanina na topless. Argh. Damn.

"U-Uh.. Oo." Sagot ko nalang at napakagat ng pang ibabang labi. Medyo yinuko ko ang aking mukha para hindi niya makitang nahihiya ako. Bwiset.

Mas lalong napadiin ang pagkagat ko sa aking labi ng silipin niya ang mukha ko. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking chin at itinaas 'yon para makita ang mukha ko. Nakita ko ang nakangisi niyang mukha at parang nang-aasar.

"Don't worry, nakadamit na ako." Sabi niya at pinakita ang kaniyang nakakaasar na ngisi. Argh. Damn you.

Hindi ako sumagot at nakatitig lang ako sakaniya. Napasinghap siya ng may marinig na tunog mula sa niluluto niya. Oh shet. Feeling ko, palpak nanaman ang pagluluto niya tulad noon.

"Fuck!" Mabilis naming nilapitan ang niluluto niya at nakita kong umapaw na ang sabaw ng adobo at kasalukuyan na 'yong tuyo sa kawali. Napansin kong nalilito siya sa unang gagawin kaya napairap ako. Hindi talaga siya marunong magluto.

Mabilis kong pinatay ang stove at nilipat sa plato ang kaniyang niluto. Kumuha rin ako ng basahan para punasan ang nagkalat na sabaw ng adobo sa stove nila.

"Shit. Paano nangyaring nawalan ng sabaw 'to?" Frustrated na tanong niya at biglang ginulo ang buhok.

"Hindi mo pinahinaan ang apoy." Sagot ko habang patuloy parin sa paglinis. Nang matapos ko na ang paglilinis sa nakalat, hinarap ko muli si Luijin. Nakita ko ang pagka-frustrate sa itsura niya. Pft.

"Gusto ko pa namang lutuan ka ng masarap!" Singhal niya at inis na inis sa sarili. Hindi ko maiwasang matawa. Nakakatawa ang itsura niya.

Napatingin siya sakin, "Oo na. Alam kong nakakatawa ang nangyari sa niluto ko. Sige, tawanan mo pa 'ko."

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon