Chapter 18

2.3K 62 1
                                    

CHAPTER EIGHTEEN


May kinuha si Luijin na baunan galing sa isang plastik na dala niya. Nagulat ako dahil may sandwich na nakalagay doon. Wait. Paanong may sandwich siya? Binili niya ba 'yan?

"Saan galing 'yan?" Tanong ko habang natatakam sa sandwich na nasa baunan. Inilagay niya 'yon sa sapin at may kinuha ulit siyang isang baunan sa loob ng plastik. Binuksan niya rin 'yon at ganun rin ang laman.

"Inihanda ko bago tayo pumunta rito." Sagot niya tsaka kinuha ang isang sandwich at pinasubo sakin. Agad naman akong ngumanga at kinagat ang sandwich na inilahad niya. Nginuya nguya ko 'yon at nanlaki ang mata dahil sa lasa. Ang sarap. Talaga bang siya ang naghanda nito?

Nag thumbs up ako. "Masarap ah. Ikaw ba talaga naghanda nito?"

Lumapad ang ngiti niya. "Oo naman. Kahit papano marunong ako gumawa ng sandwich. Inihanda ko talaga 'to para sayo."

Shit. Bakit ba siya ganyan?

"S-Salamat." Sambit ko. "Talagang pinaghandaan mo 'tong date natin ah!" Pang aasar ko sakaniya.

Nakita kong namula ang tenga niya. "H-Hindi lang naman 'to para sa date natin. P-Para rin sa.. birthday ko."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Birthday mo?!"

Bakit hindi naman niya sinabi kanina? Wala tuloy akong regalo sakaniya. Hindi ko kasi alam, e!

"Hala, happy birthday! Wala akong regalo. Paano 'yan?" Nahihiyang tugon ko. Nakakahiya talaga.

Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Napatingin naman ako sa kamay niya at parang kinukuryente ako dahil sa haplos niya.

"Okay lang kahit wala kang regalo. Basta kasama kita sa birthday ko, ayos na sakin." Sabi niya at ngumiti ng malapad. Unti unti akong napangiti dahil dun. Hindi ko naman alam ang isasagot kaya nginitian ko nalang rin siya pabalik. Tinanggal na niya ang kaniyang kamay sa aking balikat at kumuha ng sandwich para isubo sakin. Kusa namang napanganga ang labi ko at kumagat sa sandwich.

"Nga pala, saan ka pumunta kanina at napakatagal mo?" Tanong ko. Wala lang, curious lang ako kung saan siya pumunta kanina. Malay niyo naman kasi baka nag ride na siya mag isa. HAHAHA charoz.

"Kinuha ko 'tong mga pagkain sa kotse." Sagot niya at kumagat rin ng sandwich na pinagkagatan ko.

"Hmm. Akala ko kung saan." Wala na akong maisip na sasabihin. Natahimik nalang ako at ganun rin siya. Habang hindi nagsasalita, siya parin ang nagsusubo sakin at panay parin ang kagat ko sa sandwich na sinusubo niya. Tumingin ako sa malayo habang ngumunguya. Natigilan ako dahil may narinig akong tunog ng camera galing sa cellphone. Hinanap ko kung saan galing 'yon at nagulat ako dahil pinipicturan na pala ako ni Luijin. Buset. Gusto niya ba maging photographer? Lagi niya akong kinukuhaan ng stolen pic, e.

"Buset ka. Ang dami ko ng stolen pic sayo!" Reklamo ko sakaniya at biglang napanguso. Tumawa lang siya ng malakas saka pinagmasdan ang litrato na nasa cellphone niya.

"Ang ganda ko kaya kumuha ng litrato." Sagot niya. Napanguso nalang ako at hindi na siya kinontra.

"Alam mo bang hindi ito ang first time mong makapunta rito?" Biglang sabi niya na ikinagulat ko.

"Ha? Hindi 'to ang first time kong makapunta rito?"

"Mm. Nakapunta na tayo rito dati. Sobrang tagal na nun. Masaya pa tayo nun at hindi pa tayo nagkakahiwalay." Biglang kwento niya. Napakunot ang noo ko sa binanggit niya tungkol sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"A-Ahm, ang ibig kong sabihin ay masaya tayo noon." Kumpirma niya.

"Hindi kita maintindihan." Sagot ko at iniwas ang paningin sakaniya. Binalik ko nalang ang atensyon sa pagkain ko at hindi na siya kinausap.

"Sasabihin ko na sayo." Bigla akong napatingin sakaniya ng bigla ulit siyang nagsalita. Binitawan ko ang aking sandwich at binalik 'yon sa lagayan.

"A-Anong sasabihin?"

"Lahat ng tungkol sa atin noon. Sasabihin ko na ngayon habang may oras pa." Sabi niya at binaba na rin ang hawak niyang sandwich at binalik sa lagayan. Hindi ako nakasagot at naghihintay lang ng sunod niyang sasabihin.

"Masaya tayo noon. Lagi tayong magkasama at parang ayaw na nating humiwalay sa isa't isa." Panimula niya. "Kahit saan, pinupuntahan natin. Lagi tayong nagt-travel. Parang lahat ng gusto kong gawin ay gagawin mo rin. At 'yung mga gusto mo namang gawin ay gusto ko ring gawin. Maraming nagsasabi na ang sweet daw natin sa isa't isa. Hindi naman daw tayo pero ang napakalagkit natin. Ang sarap lang pakinggan dahil may lihim na pagtingin ako sayo noon. Hindi mo 'yon alam dati dahil ang alam mo lang ay matalik tayong magkaibigan."

"Alam 'yon ng ibang mga kaibigan ko. Kinumbinsi nila ako na mag confess na sayo pero naduduwag talaga ako dahil baka mapalayo ka sakin. Natatakot ako na baka, hindi mo ako magustuhan kaya kung maaari, hindi ko muna sasabihin sayo ang tunay kong nararamdaman. Ilang taon kong tinago 'yun hanggang sa hindi ko na napigilan. Nagselos ako kaya biglang nasabi ko. Sinabi kong mahal kita. Hanggang sa bigla mo nalang akong nilayuan. Doon biglang gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Sobrang sakit kasi alam ko namang ganun ang mangyayari pero pinilit parin kitang gustuhin ako."

"Hinabol kita. Kahit nilalayuan mo na ako, hinahabol parin kita. Mahal kasi kita eh. Pero sa di inaasahan, unti unti ka ulit napapalapit sakin. Parang bumalik ulit 'yung dating tayo. At sa wakas, umamin ka rin. Sinabi mong mahal mo na 'ko. Naging tayo at nagtagal tayo."

Hindi ko namalayang tumulo na ang luha sa mata ko. "N-Naging tayo?"

"Oo. Naging tayo at nagpakasal tayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis na lumandas ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Naramdaman ko lahat ng sinabi niya.

"K-Kung ganun, ano tayo?"



"I'm your husband and you're my wife."

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon