Chapter 38

2K 42 1
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

Kinabukasan, maaga akong nagising para sa aking trabaho. Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso ng kitchen para kumain. Pero natigilan ako ng makitang nandun si Al at Sue na tahimik na kumakain.

"Good morning." Bati ko habang humihikab at bigla naman silang sabay na napatingin sakin. Okay.

"Good morning." Nagkatinginan silang dalawa ng bigla nila 'yong sabay na sinabi. Ilang saglit silang nagkatinginan pero sabay rin silang nag iwas ng tingin.

Patago akong natawa. "Ang tahimik niyo naman. Hindi ba dati lagi kayong nagbabangayan sa harap ng hapag kainan? Anong problema niyo?"

"M-Manahimik ka nalang at simulan mo na ang pagkain." Sagot ni Sue at bumuntong hininga. Napailing nalang ako at tinabihan si Al. Nagsimula na akong magsandok ng pagkain ko ng biglang nagsalita si Al.

"Hindi ka pwedeng makipag kita sa lalaking 'yon." Napakunot ang noo ko at napatingin kay Al. Akala ko ako ang kausap niya. Si Sue pala. Nakita kong napainom ng tubig si Sue at hindi matignan ng diretso si Al.

"H-Huh? S-Sinong tinutukoy mo?" Tanong ni Sue at napasulyap pa sakin.

"I said, you're not going to somewhere with someone else." Diretsong sambit ni Al. Napakunot ang noo ko sakanilang dalawa. Napansin naman 'yon ni Sue kaya mas lalo siyang nataranta. Bigla siyang tumayo at inilapag sa kaniyang pinagkakainang plato ang hawak niyang kubyertos.

"I.. I'm done eating. Aalis na 'ko." Mabilis na sabi ni Sue at pumanhik palabas ng bahay. Mabilis din namang tumayo si Al at sinundan si Sue. Napatulalang napatingin ako sa pinto ng bahay namin. How rude, Grim Reapers. Iniwanan ba naman ako sa kalagitnaan ng pagkain? Argh.

Wala akong nagawa kundi kumain ng mag isa. Alam ko naman na ang tungkol sakanila kaya hindi na ako magtataka. And I know, they're not aware that I know about what they talked yesterday. Nagkukunwari lang naman ako na hindi ko alam ang tungkol sakanila dahil alam kong mas lalong maiilang si Sue.

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang mga plato at hinugasan. Pagkatapos gawin 'yon ay sinuot ko na ang suit ko para sa trabaho ko. Nang matapos akong magbihis, tatangkain ko pa lang sanang suotin ang pulseras ko ng biglang may kumatok. Napakunot ang aking noo at lumapit sa pinto upang buksan 'yon.

At nalaglag ang aking panga ng makita si Luijin na nakatayo sa harap ng aming pinto. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba ilang araw pa ang itatagal niya sa Cebu?

Napatulala ako sakaniya. Nakangiti siya sakin ngayon habang pinagmamasdan ang suot kong suit. Oh my gosh. What the fuck. May trabaho ako ngayon! At hindi niya dapat makita na ganito ang suot ko!

"W-What are you doing here, Luijin?!" Nawala ang kaniyang ngiti dahil sa tanong ko. Nakita kong napanguso siya saglit pero ngumiti ulit.

"I missed you!" Napaatras ako ng bigla niya akong yapusin ng yakap. Napatingin ako sa labas ng bahay namin at laking gulat ko ng makitang nakatingin sa amin ang ilang kapit bahay kong Grim Reapers! Shit!

Mabilis akong humiwalay sa yakap ni Luijin at mabilis siyang hinila palabas ng aming bahay. Kanina pa nananonood sa amin ang ilang Grim Reapers na nandito sa lugar namin pero hindi ko sila pinansin. Dapat mailayo ko dito si Luijin! Hinanap ko kung saan naka-park kotse niya at ng mahanap ko kung nasaan 'yon ay mabilis ko 'yong binuksan at walang sabi-sabing pinasok si Luijin sa driver's seat. Mabilis rin akong tumakbo at pumasok sa katabing seat ni Luijin.

The Girl Grim Reaper (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora