Chapter 44

2K 42 0
                                    

CHAPTER FOURTY FOUR


Kakagising ko lang at malakas na boses agad ni Sue ang naririnig ko galing sa labas ng pinto ng kwarto ko. Anong bang nangyayari kay Sue? Ang aga pa tapos nag-iingay na siya.

"Ryche!" Napaupo ako sa aking kama ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto ng aking kwarto.

Nagulat ako ng tumambad sakin ang isang lalaki. Kita ko ang maamo niyang mukha habang titig na titig sakin. Pakshet. Kakagising ko lang!

Nakita ko sa likod niya si Al at si Sue na nakangisi. Mabilis nilang tinulak si Luijin papasok sa kwarto ko at sinara nila 'yon.

"Hoy! Anong kalokohan 'to? Palabasin niyo nga kami dito!" Sigaw ko at hinahampas ang pinto na nagsasanhi ng malakas na ingay. Sinusubukan ko ring buksan ang pinto gamit ang doorknob pero ayaw mabuksan. Punyeta!

"Hoy! Sue, Al, ano ba 'to?" Sigaw ko at alam kong nasa labas lang silang dalawa at naririnig ang sigaw ko.

"Tsaka lang namin bubuksan 'to kapag nakapag-usap na kayo ng maayos!" Sigaw rin ni Sue galing sa labas. Muli kong hinampas ang pinto pero ayaw talaga nilang buksan! Ang aga-aga binubwisit ako! Shemay! Hindi ko pa nga kayang kausapin si Luijin tapos ganito ang mangyayari? Kainis talaga!

Napahinto ako sa paghampas sa pinto ng aking kwarto ng marinig ko ang tawa ni Luijin sa likod ko. Anong tinatawa-tawa ng lalaking 'to? Hindi siya dapat tumawa jan dahil ayoko siyang makasama ngayon.

"A-Anong nakakatawa?" Bwisit. Bakit nautal ako ng sabihin ko 'yon? Atsaka bakit kasi tumatawa siya sa harap ko? Ghad, I missed him so much!

"Ang lupet ng mga kaibigan mo. I fooled," Natatawang sagot niya tsaka umiling. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Iginala naman niya ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto ko.

"First time kong makapasok dito," Sabi niya tsaka umupo sa gilid ng aking kama. Hindi ako makatingin sakaniya ng diretso. Kaya imbis na tumayo sa harapan niya, iniwan ko nalang siya dun sa kama ko at pumasok sa CR dito sa kwarto ko.

"Gosh!" Singhal ko pagkapasok ko sa loob ng CR. Sinara ko 'yon at napasandal ako sa pinto. Napapikit ako ng maalalang nandito si Luijin sa loob ng kwarto ko. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi dapat ako maging mahina sa lagay na 'to. Tama na ang iyak. Kailangan ko narin siyang kausapin para hindi na kami mahirapang dalawa. Dapat linawin ko na sakaniya ang gusto kong linawin. Ayoko ng saktan siya at ayoko rin naman na masaktan pa ang sarili ko. Kaya hangga't may oras, gagawin ko na ang desisyon ko. At sana tama ang magiging desisyon ko ngayon.

Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili. Ilang minuto akong nag-stay dito sa loob ng CR bago napagpasyahan na lumabas. Agad tumambad sakin ang maamong mukha ni Luijin. Nakaupo parin siya sa gilid ng kama ko at mukhang malalim ang iniisip.

Tumayo ako sa harap niya, "Let's talk."

Biglang napaangat ang tingin niya sakin at napaawang ang bibing. Umupo narin ako sa gilid ng kama ko pero medyo malayo sakaniya. Kailangan ng distansya.

"Handa ka ng kausapin ako?"

Dahan dahan akong tumango. "I'm ready. Kaya, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Pakikinggan kita at pagtapos mong magpaliwanag, sasabihin ko naman ang mga desisyon ko para sating dalawa."

Napalunok siya at ilang sandaling natigilan. Nakatitig lang siya sakin bago nagsimulang magsalita.

"I'm sorry." Iyon ang una niyang gustong sabihin sakin. Napaiwas ako ng tingin dahil nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko. I need to prevent this.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now