Chapter 1

12.6K 180 4
                                    

CHAPTER ONE

"Maghanda na tayo. May magaganap raw na aksidente. Sumunod kayo sakin, ituturo ko ang daan kung saan magaganap 'yon." Sabi ng Senior namin, agad naman kaming tumayo at sinuot ang mga pulseras namin. Agad naming sinundan si Senior Ry at tinahak ang daan patungo kung saan magaganap ang aksidente.

"Nakasuot na ba ang mga dapat niyong suotin?" Sa huling pagkakataon, nagtanong ulit si Senior.

"Tapos na, Senior Ry." Sabay sabay naming sagot tsaka humilera sa waiting shed malapit sa mangyayaring aksidente. Nasa isang field trip daw ang mga mamatay ngayon at kailangan siguruhin namin na walang maliligaw na kaluluwa dahil kapag nangyari 'yon, mananagot kami sa Master namin.

Inantay namin ang magaganap ngayon at ilang minuto pa ang tinagal ng pag-aantay namin at dumating narin ang bus na sinasakyan nila. Tinutukan ko ang aksidenteng mangyayari ngayong araw. Habang malapit ng tumungo ang bus na sinasakyan nila, kita na namin na nawawalan na ito ng preno. Gumigewang-gewang ito habang ang mga bata sa loob ay nagsisigawan at nagpapanic na dahil sa nangyayari.

Bigla na lamang bumangga ang bus sa isang malaking puno at nawalan ito ng balanse, sanhi nalang 'yon ng biglang pag baliktad ng sasakyan at napapikit ako ng bigla nalamang sumabog 'yon.

"Magsimula na." Utos ulit ni Senior Ry at agad naman naming sinunod 'yon. Ang ibang bata sa loob ng bus ay may chance pang mabuhay ngunit ang iba ay hindi na. Hinanap namin ang mga kaluluwa ng mga batang mamamayapa sa araw na ito tsaka binanggit sakanila ang mga pangalan, petsa kung kailan sila nabuhay, at kung anong naging sanhi ng pagkamatay nila.

Medyo marami rin silang namatay ngayon at sa tingin ko lima o anim lang ang mabubuhay ngayon.

Pagkatapos banggitin ang mga dapat banggitin ay inihatid naman namin ang mga kaluluwa ng bata sa Master's Office upang doon nila malaman kung saan sila mapupunta. Its either hell or heaven. Papainumin lang sila ng Forget Potion at doon na nila makakalimutan ang mga dati nilang buhay or kung sino pa man sa mga pamilya nila. Bigla nalang 'yon mawawala sakanilang isipan.

Pagkatapos ng trabaho ay inimbitahan kami ni Senior na kumain sa isang restaurant. Maari naman kaming dumalo sa mga lugar ng mga tao ngunit hindi kami maaring magpakilala, makipagkaibigan o anupaman dahil ayon ang kauna-unahang batas naming mga Grim Reaper.

"Dahil successful ang work natin for today. We need to celebrate." Masayang sabi ni Senior Ry. Naganahan naman ang lahat dahil sa anunsyo ni Senior.

Agad akong kinalabit ni Sue-ang kaibigan ko rito sa mundo ng mga Grim Reapers. Lahat kaming Grim Repers ay pwedeng kaibiganin ang isa't isa ngunit bawal magkaroon ng pag-iibigan sa pagitan nun. Dahil kaya kami nandito ngayon upang pagdusahan ang mga pagkakamali naming noong nabubuhay pa kami. Kaya kami naging Grim Reaper dahil may malaking kasalanan kaming ginawa at ang masakit pa ay hindi namin maalala 'yon.

"Lyk, sa tingin mo pwede ko nang magustuhan yang si Senior Ry dahil sa kabaitan?" Kunot noong tanong sakin ni Sue. Mahinang hinampas ko ang braso niya.

"Hindi pwedeng mangyari 'yon. Remember our law?"

Natawa siya. "Biro lang. Syempre natatandaan ko ang batas natin. Hindi ko naman pwedeng kalimutan 'yon."

"Mabuti naman. Kasi ayokong mabulok ka rito sa mundo ng mga Grim Reaper. Gusto ko sabay tayong makakaalis rito."

"I know." Maikling sagot niya, nginitian ko nalang siya ng konti at sumunod na kami kila Senior Ry at sa iba pa naming kasamang Grim Reaper. Sa isang bentahan ng kwek-kwek niya kami dinala. Nanlumo ang ibang kasamahan namin dahil sa nakita. Akala siguro nila sa isang pang mayaman at masarap na pagkain kami dadalhin ni Senior.

"Senior naman! Akala naman namin sa pang-mayaman na restaurant mo kami dadalhin!" Reklamo ng isa naming kasamahan na Grim Reaper din. Sumang-ayon naman sakaniya ang iba naming kasama. Nasa sampung Grim Reaper kaming naririto, 'yung iba, sa iba nakatoka ng susunduing kaluluwa.

"Doon ko naman kasi dapat kayo dadalhin kaso nakalimutan ko 'yung wallet ko. 150 pesos lang ang dala kong pera ngayon." Paliwanag ni Senior samin. Napasimangot nalang 'yung mga kasamahan namin.

Lumapit nanaman sakin si Sue at may binulong. "Gwapo at mabait sana 'tong si Senior, e. Kaso makakalimutin, daig pa ang matanda. Psh." Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Nakakabawas pogi points ba?" Nang-aasar na tanong ko. Natawa nalang rin siya at tumango. Napahagikgik nalang ako at itinikom ang bibig pagkatapos nun. Binigyan kami ng mangkok isa isa tsaka sari-sariling kumuha ng tig-iisang malaking kwek-kwek.

Hindi narin masama 'to. Masarap naman, e. Kaso nga lang, nakakabitin dahil tig-iisa isa lang kami. Trese isang itlog kaya hindi kakasya 'yon sa pera ni Senior Ry. 'Yong iba naman naming kasamahan ay hindi nagdala ng pera dahil expected na nila na manlilibre si Senior kaso sa kamalas malasan ay naiwan niya ang wallet niya.

"Pasensiya na talaga guys. Next time babawi ako, promise." Sabi ni Senior Ry samin pagkatapos naming kumain.

"Okay lang, Senior Ry. Atleast nga nilibre mo parin kami kahit na maliit na pera lang 'yung dala mo." Sagot ko. Napatango-tango naman ang ibang kasamahan namin habang si Senior naman ay napangiti dahil sa sinabi ko.

"Tama. Kaya 'wag kang mag-sorry samin." Sabat naman ni Sue.

"Thank you, guys." Nakangiting sagot ni Senior. Napangiti nalang kami at bumalik na sa tinitirhan naming lugar. Ang iba ay nagsipuntahan na sakanilang mga bahay at kami naman ni Sue ay pumunta narin sa bahay namin. Magkasama kami ni Sue sa iisang bahay, dahil tutal magkaibigan naman kami.

Tagong lugar itong tinitirhan namin at walang nakakaalam nito kahit na isa bukod saming mga Grim Reapers. Secured na secured rin ang mga ibang gamit namin rito at iba pa.

Nang makapasok kami ni Sue sa bahay namin ay dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Itinalukbong ko ang kumot sa buong katawan at mukha ko tsaka ipinikit ang mata at natulog.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now