Chapter 10

3.5K 106 0
                                    

CHAPTER TEN


Hindi parin humihinto sa pag-iyak si Luijin kahit papaalis na siya ng Morgue. Sobra siguro ang sakit na dinulot ng pagkamatay ng babaeng 'yon sakaniya.

Habang naglalakad siya ay sinusundan ko parin siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Susundan ko siya kahit saan man siya pumunta. Alam kong hindi siya okay ngayon, kailangan ko siyang samahan kahit saan siya pumunta. Hindi ko alam ang nangyayari sakin pero nag-aalala ako sa lagay niya ngayon. Sa kabila rin nun ay gusto kong matuklasan kung ano sa buhay niya ang babaeng iniiyakan niya ngayon.

Huminto siya sa tapat ng kotse niya at nagulat dahil bigla niyang pinagsisipa ang gulong ng kotse niya. Inulit ulit niya 'yon at hindi siya tumitigil kahit napapagod na siya. Gusto ko siyang patigilin pero hindi ko magawa dahil hindi niya ako nakikita ngayon at bawal niya akong makita.

Ilang minuto niyang pinagsisipa ang gulong ng kotse niya at nang magsawa siya ay huminto na siya at pumasok sa loob ng kotse niya. Dali dali akong tumagos papasok rin doon at nalaman ko nalang na nakaupo na ako sa backseat ng kotse niya at tinitigan ang ang mukha ni Luijin sa front mirror. Mabilis niyang pinaandar ang kotse at napagewang-gewang nalang ako dahil sa ginagawa niya. Argh, ba't ba sobrang bilis niyang mag maneho? Gusto niya bang mamatay ng maaga?

Nanatili nakatikom ang bibig ko kahit gustong gusto ko na siyang bulyawan. Umabot yata ng kalahating oras ang pagmamaneho niya bago niya inihinto ang kotse sa isang tabi. Narinig kong huminga ng malalim si Luijin tsaka lumabas ng kotse. Ganun rin naman ang ginawa ko. Sinundan ko siya kahit saan siya magpunta.

Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar at dahil gabi na, madilim na ang buong paligid. Hindi ko alam kung saang lugar 'to kaya wala akong ibang nagawa kundi sundan lang si bwisit este si Luijin. Kainis, e. Ang sakit na ng paa ko kakasunod sakaniya pero hindi ko naman magawang magreklamo dahil ginusto ko namang sundan siya. At marami rin akong gustong malaman tungkol sakaniya.

Humito ako ng huminto rin sa paglalakad si Luijin. Napatingin ako sa tinitignan niya at namangha ako dahil sa isang sobrang laking bato ang nakatampok sa harap namin ngayon. Hindi ko alam na may gantong lugar pala. Isang malaking bato lang ang makikita. Wala ni isang tao at tanging ikaw lang ang makakarinig ng mga hinaing o gusto mong sabihin. At nakakamangha rin dahil sa likod ng malaking bato, may isang ilog. Perfect secret place 'to.

"Alam kong may ibang tao rito bukod sakin, kaya lumabas kana at magpakita sakin." Kinabahan ako ng marinig ang sinabi ni Luijin. Lalabas na ba ako? Magpapakita na ba ako sakaniya? Damn it. Ang lakas naman ng pakiramdam niya para malaman na may sumusunod sakaniya?

Nagtago muna ako sa likod ng bato tsaka tinanggal ang pulseras ko at sinuksok 'yon sa bulsa ko. Pero napatalon ako sa gulat ng biglang may humawak ng braso ko at pinaharap sakaniya. Parehas na nanlaki ang mata naming dalawa. Well, acting ko lang 'yung paglaki ng mata ko para kunyari hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Galing ko talaga. Best actress, chos.

"I-ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "B-bakit-- anong ginagawa mo rito?"

"Ha?" Napakamot ako ng sintido. "B-bakit? Masama bang pumunta rito? Bawal ba?"

Ang nakakunot niyang noo ay umaliwalas. "Hindi naman. Kasi akala ko walang ibang may alam ng lugar na 'to bukod sakin."

Napakagat ako ng pangibabang labi. "K-kung ganon.. nagkakamali ka. Kasi alam ko rin ang lugar na 'to! Atsaka ito ang favorite place ko, 'no." Sagot ko.

"I see." Buntong hiningang sagot niya. Nakakapanibago siya. Hindi siya nangungulit sakin, hindi ako sanay na ganyan ang itsura niya ngayon. Ah, ewan. Basta gusto kong lagi siyang nakangiti.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now