Chapter 4

4.2K 87 0
                                    

CHAPTER FOUR


"What's your order, Ma'am?" Tanong sakin ng Waiter habang tinatago ko ang Menu sa mukha ko. Napatingin naman naman ako sakaniya tsaka napapahiyang nginitian siya.

"T-tubig lang." Nauutal na sagot ko. Napatitig pa sakin ng ilang segundo ang Waiter tsaka natatawang tumango.

"Okay, Ma'am. Wait for a while." Natatawang sabi niya tsaka tinalikuran ako. Napabuga nalang ako ng malakas dahil sa Waiter na 'yon. Wala naman kasi akong dalang pera. Nakalimutan kong dalhin 'yung pouch ko, nandoon 'yung wallet ko, e.

Tinignan ko ulit sa kabilang table sila Sue at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang hinawakan ni Senior Ry ang kamay ni Sue. Wait. Tama bang gawin niya 'yan? Bakit hindi binabawi ni Sue ang kamay niya sa lalaking 'yan?

Lalapitan ko na sana sila kaso biglang may bulto ang humarang sa dinaraanan ko. Itinaas ko ang tingin ko sa mukha niya at nagulat ako ng makita ang lalaking nakita ko noon sa Mall. Shit. Parang biglang aalis ang puso ko sa loob ng katawan ko dahil sa lalaking 'to. Alam kong patay na ako, pero kapag nakikita ko ang mukha ng lalaking 'to parang buhay ang katawan at kaluluwa ko. Ah, ewan. Basta ayon ang nararamdaman ko.

"Sinasabi ko na nga ba, e. Ikaw ulit 'yan." Sabi niya at bigla nalang hinawakan ang braso ko at hinila palabas ng Restaurant. Nagpumiglas naman ako sakaniya ngunit mas malakas siya kesa sakin.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko nang makalabas kami ng Restaurant pero hindi parin niya ako binibitawan hanggang sa buksan niya ang pinto ng isang kotse at pinasok ako sa loob nun. Sinara niya 'yon ng malakas tsaka mabilis na naglakad patungong driver's seat. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock na 'yon. Hay kainis.

"Hoy! Sino ka ba? Palabasin mo nga ako rito." Sabi ko at todo bukas ng pinto pero hindi na talaga mabuksan 'yon.

"'Wag mo ng piliting buksan 'yan dahil hindi 'yan mabubuksan unless naka-unlock 'yan." Sabi niya habang nakafocus sa pagmamaneho. Unti unti ko nalang binaba ang kamay ko sa at ipinatong 'yon sa mga binti ko. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras para buksan ang pinto nitong kotse dahil alam kong hindi niya ako hahayaang makalabas.

Pero kasi.. sila Sue. Baka kung ano nang ginagawa ng dalawang 'yon! Atsaka hinawakan ni Senior Ry ang kamay ni Sue kanina baka mas malala pa ang gawin niyon ngayon. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka binuga 'yon.

"Sabihin mo nga, sino ka ba talaga? Bakit mo ginagawa sakin 'to?" Tanong ko sakaniya ng nakakunot ang noo. Napatingin naman siya sakin pero mabilis niya rin 'yong binalik sa kalsada.

"Sigurado ka bang hindi mo ako kilala?" Tanong niya rin nang hindi ako tinitignan. Tanging sa pagmamaneho lang siya naka-focus. Sino ba kasi ang lalaking 'to? Oo, siya 'yung nakita ko sa Mall, pero hindi ko talaga siya kilala ng lubusan.

"H-hindi." Maikling sagot ko. "Hindi kita kilala kaya palabasin mo na ako dito. Atsaka baka hinahanap na ako ng kaibigan ko. Mag-aalala 'yun kapag hindi ako nahanap."

"Ayoko. Hindi kita iuuwi. Gusto kitang kausapin ng masinsinan." Sabi niya ng walang emosyon. Hindi ko maintindihan, ano bang dapat naming pag-usapan? Hindi ko nga siya kilala, e. Ano bang meron saming dalawa? Bakit niya ba ginagawa 'to?

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin? Hindi nga kita kilala kaya itigil mo na 'tong kotse at palabasin ako!" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses. Tumiim ang bagang niya tsaka mabilis na pinaharurot ang kotse at tinigil 'yon sa gilid ng kalsada.

Nagulat ako ng isuntok niya ang kamao sa manibela niya at tinitigan ako ng matiim.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako kilala!" Sigaw niya, napapikit ako dahil do'n. Hindi ko akalaing magagawa niya akong sigawan ngayon.

Dumilat ako tsaka tinignan siya. Nakatitig lang siya sakin kaya naiilang akong umiwas ng tingin. Bakit ko ba nararamdaman 'to sakaniya?

"H-hindi mo naman ako kailangang sigawan. Naririnig naman kita kahit mahina ang boses mo." Giit ko. Parang hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nakatitig lang siya sakin ng matagal. Bakit ba ganyan siya makatingin? May masama ba akong nasabi?

"Diba, patay kana?" Napatingin ako sakaniya ng sabihin niya 'yon. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko at parang napipi dahil sa sinabi niya.

Alam ba niya na patay na ako? Alam ba niyang Grim Reaper ako?

Para akong hindi makagalaw matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko rin alam ang sasabihin sakaniya.

Hindi ko alam ang gagawin.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now