Chapter 25

2.1K 48 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE


Nag daan ang isang linggo at mailap na akong makipag kita sa mga tao. Kapag lalabas ako ng bahay, suot suot ko na ang pulseras ko para hindi mag pakita sa lahat bukod sa mga kapwa ko Grim Reapers. Kapag wala naman akong trabaho, sa kwarto lang ako lagi. Parang tinatamad na akong maging Grim Reaper. Hays. Sana matapos na ang paghihirap ko.

Sa nag daan rin na isang linggo, hindi ko nakita si Luijin. Kahit hindi ko kaya, nag papasalamat parin ako dahil nagawa kong pagtaguan siya ng isang linggo. Para akong nabunutan ng tinik dahil kahit papano nakakaya kong hindi siya makita o makausap. Sana magtuloy tuloy na ito upang wala ng maging gulo.

"Guys," Biglang usal ni Sue habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain. Napatingin kami sakaniya ni Al. Bigla naman siyang tumikhim at mariin kaming tinitigan.

"Kayong dalawa, may tinatago ba kayo sakin?" Biglang sambit niya. Bigla kong naibagsak ang hawak kong kubyertos pabalik sa platong nasa harap ko. Napansin 'yon ni Sue at biglang nagkasalubong ang kaniyang kilay. Mabilis akong umiwas ng tingin at lumunok.

Narinig ko naman ang tikhim ni Al, "Anong pinagsasabi mo? Iniisip mo ba na pinagsisinungalingan ka namin?"

"Hindi naman sa ganon. Nitong mga nakaraang araw kasi, iba ang kilos nyong dalawa. Nakakapagtaka lang." Sabi niya sabay inom ng tubig. Hinawakan ko ulit ang aking kubyertos at kinalma ang sarili.

"Bakit? Ano bang napansin mo sa aming dalawa?" Kalmadong sambit ni Al at sumusubo na ulit ng hotdog. Bakit ba ang kalmado niya lang lagi? Hindi mo man lang makikita sakaniyang mukha ang pagkatakot.

Napairap si Sue, "Nevermind. Tinatamad akong i-paliwanag sainyo."

Napatingin ako kay Al. Nakita kong napangisi siya at tinutok nalang ang paningin sa pagkain. Nawala naman bigla ang panginginig ko.

"Anyway, punta tayo sa Cebu. Mag-relax naman tayo kahit minsan." Dagdag ni Sue. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Al. Nakita ko ang pagkasalubong ng kilay niya. Alam kong hindi siya pabor dun dahil bantay sarado niya ako.

"Busy kayo diba?" Kalmadong tanong ni Al kahit na nakasalubong ang dalawang kilay.

"Nope. Actually, I already told senior Ry about this and yes, he acceded. Ipapaalam niya daw tayo kay Master." Malumanay na sambit ni Sue habang ngumunguya ng pagkaing nasa loob ng kaniyang bibig.

"Kailan mo sinabi sakaniya?"

"Kahapon. Magkasama kami."

Nakita kong nag igting ang panga ni Al, "Seriously? Buong araw kayong magkasama kahapon? Gabi ka na umuwi eh."

Mas lalong kumunot ang noo ko sakanilang dalawa. Hindi ko alam kung kanino ko talaga ibabaling ang paningin ko dahil salit-salitan sila ng batuhan ng salita. Para akong maduduling, sa totoo lang.

Biglang tumaas ang kilay ni Sue. "So? Ano naman ngayon?"

"Ano naman ngayon?" Paggaya rin ni Al kay Sue at napairap din. "Iyan lang ang isasagot mo? Buong araw kayong mag kasama. Hindi mo man lang ba sasabihin samin kung saan kayo nagpunta?"

Napabuntong hininga si Sue. "Kailangan ba lagi nyong alam ang tungkol sakin?"

"Yes." Mabilis na sagot ni Al. Hindi ako nakapagsalita. Magkaayos na ba talaga sila o nagpaplastikan lang? Mukhang mag aaway nanaman sila eh.

Sarkastikong napatawa si Sue. "Concern ka ba sakin?"

Nakita kong nawala ang pagkakunot ng noo ni Al at napatitig kay Sue ng ilang segundo. Okay. Ano kaya ang totoong nangyayari sakanilang dalawa?

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now