Chapter 6

4.1K 125 9
                                    

CHAPTER SIX


"Luijin..." Mahinang sambit ko habang nakahawak sa baba ko. Iniisip ko kasi kung saan ko siya narinig. Pamilyar rin ang pangalan niya sakin pero hindi ko matandaan. I'm not sure but it so familiar. Nakakainis dahil hindi ko talaga makalap ang pangalang 'yon sa utak ko! Argh.

Nandito parin ako sa bahay ni Luijin. Hindi pa talaga niya ako papauwiin. Ano pa ba kasing kailangan niya? Hindi naman siguro siya rapist, 'no? Wala naman kasi sa mukha niya na ganun ang intensyon niya.

Sandaling umalis si Luijin at tumungo sa kwarto niya. May kukunin lang daw siya saglit tsaka ibibigay sakin. Ano naman kaya 'yon? Siguro naman pera, para sa pamasahe ko pauwi? Or pagkain kasi nakita niyang gutom na gutom ako kanina?

Napahinto nalang ako sa pag-iisip ng marinig ko ang yabag ng paa niya papalapit sakin. Umupo siya sa tabi ko at may inabot na isang bagay. Nakakarton ito. Dali-dali kong binuksan 'yon at nakita ko ro'n ang isang maganda at mamahaling cellphone. Teka, bakit niya ako bibigyan nito? Hindi ko naman kailangan ng cellphone dahil wala naman akong paggagamitan nito.

"Simula ngayon, sayo na 'yan. Gamitin mo. At wala kang ibang pwedeng ilagay na number diyan kundi 'yung akin lang." Sabi niya, nakakunot noo ko namang siyang tinignan.

Ibinalik ko sa loob ng karton ang cellphone at binalik sakaniya. "No thanks. Hindi mo na ako kailangan bigyan niyan dahil hindi ko naman 'yan masyadong kailangan."

"May cellphone ka ba?" Biglang tanong niya. Napailing nalang ako biglang pagsagot. "Edi ayan." Binigay nanaman niya sakin ang cellphone. "Tutal, wala ka namang cellphone, ayan na ang gamitin mo. Paano kita mako-contact kung wala kang cellphone? Kaya 'wag mo ng tanggihan, ayan na ang gamitin mo. At hindi mo na 'yan pwedeng ibalik sakin."

"Pero—"

"Hush." Pagpigil niya sakin. "'Wag ka ng makulit. Hindi ko 'yan binibigay sayo para sa wala lang. Binigay ko 'yan para madali kitang ma-contact at mahanap."

Ano? Hahanapin niya ako? Hindi pwede. Hindi pwede ang tao doon sa lugar naming mga Grim Reaper. Hindi. Hindi. Hindi pwede. Kailangan humanap ako ng paraan para hindi niya mahanap o masundan ang lugar kung nasa'n ako nakatira.

"H-hindi ko 'yan tatanggapin. Masyadong mahal. Atsaka hindi ako tumatanggap ng gamit ng iba." Pagdadahilan ko.

"I don't care. Basta simula ngayon, sayo na 'yan. Period." Pagtatapos niya ng usapan. Hay kainis! Anong gagawin ko kapag nalaman niya kung saan ako nakatira? Paano kapag nakita siya ng ibang Grim Reaper doon?

Ah, alam ko na. Isha-shut down ko nalang ang cellphone na 'yan araw-araw para hindi niya ako matawagan. At para hindi niya ma-trace kung saan ako nakatira. Tama. Ang talino ko talaga. Ayun nalang ang gagawin ko para matakasan siya.

"Okay. Tatanggapin ko na." Sabi ko at tinanggal sa karton ang cellphone at binulsa na 'yon. Napangiti naman siya ng makita ang ginawa ko. Akala niya naman hindi mautak ang katulad kong Grim Reaper!

"Pwede mo na ba akong iuwi ngayon? Malapit ng dumilim at baka hinahanap na ako ng kaibigan ko." Dagdag ko. Gustong gusto ko na talagang makauwi para hindi na makita ang lalaking 'to. Huhu.

"Hindi. Gusto pa kitang makasama." Sabi niya, bumagsak naman ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Ano pa bang gusto ng lalaking 'to?

"Ano pa bang kailangan mo sakin?"

"Wala naman. Gusto lang kitang makasama dahil ilang years na ng hindi kita nakikita. Ngayong nakita na ulit kita, lulubusin ko na ang bawat araw na 'yon."

Tumayo ako. "Hindi na ako nakikipagbiruan sayo! Gusto ko ng umiwi. Kaya sige na, please. Pauwiin mo na ako!"

Napatayo narin siya. "Ayoko. Hindi kita iuuwi sa inyo."

"Hindi kita kilala, okay? Hindi ko alam kung safe bang makasama ka kaya sige na pauwiin mo na ako! Ayoko na rito. Ayoko ng kasama ka! Hindi ako komportable." Diretsong sabi ko. Nakita kong natigilan siya at tumiim bigla ang bagang niya dahil sa sinabi ko. Mabuti ng sabihin ang mga 'yon sakaniya para matauhan siya.

"Ayaw mo akong makasama? Sige. Okay lang. Kasi kaya kong baguhin 'yon hanggang maalala mo na kung sino ako." Sabi niya at tinalikuran ako. Napatitig nalang ako sa likuran niya habang paakyat siya ng hagdan papuntang kwarto niya.

Napabuga nalang ako ng malakas na hangin mula sa bibig ko tsaka napaupo ulit. Napahilamos nalang ako ng mukha ko dahil sa mga nangyayari ngayon.

Wala akong ibang nagawa kundi umupo nalang sa malambot na sofa at hinataying bumaba ang binata. I can't stay here. Hindi pwede dahil maraming maghahap sakin kapag nanatili pa ako rito.

Mga isa o dalawang oras ako nag-antay bago ko nakitang bumaba ang binata sa kwarto niya. Agad akong tumayo para salubungin ang binatang ayaw siyang paalisin.

"Take me home, now." Bungad na sabi ko sakaniya. "Hindi ako pwedeng manatili rito. Please, iuwi mo na ako. O kung ayaw mo, ako nalang mag-isa uuwi at hahanapin ko ang daan pabalik ng bahay ko."

Tatalikuran ko na sana siya kaso nagulat ako ng bigla niya akong yapusin ng yakap. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw o makaalis man lang sa yakap niya. Kapag nagdidikit ang katawan namin parang may kakaiba akong nararamdaman. At ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang niyayakap niya ako.

"A-anong bang ginagawa mo? Lumayo ka nga sakin." Sabi ko at aalis sana sa yakap niya pero mas hinigpitan niya 'yon. Mas lalong hindi ako nakaalis dahil sa ginawa niya.

"Limang minuto. Pagkatapos nun ay ihahatid na kita kung saan tayo nagkita kanina." May bahid ng lungkot na sambit niya sakin. Hindi na ako nakapalag dahil sa sinabi niya. Okay narin 'yon. Basta makauwi lang ako. Dahil hindi lang isang parusa ang matatanggap ko mula sa Master namin kapag nalaman niyang hindi kapwa grim reaper ang kasama ko.

2 Minutes.. 3 Minutes.. 4.. 5....

"Tapos na." Ako na ang unang kumawala sa yakap niya. Nakita kong parang ayaw niya pa akong pakawalan pero hinayaan niya nalang ako dahil ayun ang nasa usapan.

But i saw his tears down to his cheek. Bigla akong napatitig sa mukha niya.

Ganun na lang ba ako kahalaga sakaniya para umiyak siya?

"B-bakit ka umiiyak?" Hindi maiwasang tanong ko. Bigla niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya at sa pisngi niya. Ngumiti siya sakin at umiling.

"Nothing." Sagot niya. "I just missed you that's why i don't want to take you home. I want to be with you."

"But i can't be with you." Ayun nalang ang huling nasabi ko tsaka naunang lumabas at pumasok sa loob ng kotse niya. I don't know but i felt sad about him. Parang may mabigat sa kalooban ko na sabihin 'yon sakaniya. Pero hindi ako dapat magpadala. Hanggat maaga kailangan ko siyang iwasan. Dahil hindi kami maaaring magkaroon ng ugnayan sa isa't isa. Because i'm a Grim Reaper while he's a human. We can't be together.












PLEASE VOTE, FOLLOW AND COMMENT. THANK YOU.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now