Chapter 24

2.1K 52 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Nakatayo ako rito sa labas ng pinto ng bahay namin nila Sue. Hindi ako makapasok. I mean, hindi ko kayang pumasok. Hindi ko talaga kayang harapin si Al ngayon. Alam kong pag pasok ko sa loob ay babatuhin na niya agad ako ng mga tanong. At natatakot ako na baka magalit siya sakin kapag hindi ko kayang masagot ang katanungan niya.

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang pinto at pumasok sa loob. Napatalon ako sa gulat ng makitang nakatayo sa harap ko si Al at si Sue. Nanlalaking mata'ng tinitigan ko silang dalawa. Teka, 'wag nyong sabihin na alam rin ni Sue ang nangyari kanina? Sinabi kaya ni Al? Argh.

"Where have you been?" Malamig na tanong ni Al sakin. Napapikit ako at kinalma ang sarili. Teka, paano ko ba siya sasagutin? Sasabihin ko ba ang totoo? Gosh!

Tumikhim si Sue. "Kaya nga, Lyk. Kanina pa kami nag-aalala sayo. Saan ka ba nagsususuot?"

Lumunok ako bago nagsalita. "A-Ahm, dyan lang ako sa tabi-tabi."

Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Al. Napakagat nalang ako sa pang ibabang labi ko. "Really?"

"Uh.." Please, don't stutter. You need to act normal infront of them. "Y-Yes. Na-bored ako dito sa bahay so.."

Tinignan ko si Al. Tinignan niya ako ng masama. Binigyan ko naman siya ng please-makisama-ka-look. Ayokong mag lihim kay Sue pero hindi ngayon ang tamang oras para sabihin sakaniya. Natatakot ako sa kung anong maging resulta kapag nalaman niyang nakikisalamuha ako sa isang tao at worst, asawa ko pa. Ahm, I mean.. kaibigan? Argh. Nevermind. Basta 'yun na 'yon.

Napahinga ng maluwag si Sue. "Gosh, Lyk. Akala ko naman kung ano ng nangyari sayo! Kanina pa ako nag iisip na baka kinuha ka na ni Master tulad ng nangyari kay Al."

"Y-You're over reacting, Sue." Sambit ko habang hindi parin tinatanggal ang paningin ko kay Al. Narinig ko ang singhap ni Sue at hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Don't lie to me, Lyk. Saan ka ba talaga nag punta?" Usyuso ni Sue.

"I-I-I'm not lying. I felt bored so I went to somewhere. D-Do you think I can lie to all of you?" Napakagat ako sa labi ko dahil sa aking nasabi. I'm such a liar. I know. Pero iyon lang ang maaring sabihin para mapaniwala ko si Sue. Ayokong magalit at kainisan niya ako.

Tipid akong nginitian ni Sue. "Of course, I trust you. Alam kong hindi mo kayang mag lihim samin. Diba, Al?"

Bumaling siya kay Al na masama parin ang tingin sakin. Napaiwas ako ng tingin sakaniya at napalunok.

"You're right, Sue!" Hindi ko alam kung matabang ba 'yon or what. Pero nag papasalamat parin ako na ganun ang sagot niya. Thank you for saving me, Al. Promise ipapaliwanag ko talaga sayo ang lahat. Pagbigyan mo muna ako ngayon.

Narinig ko ang buntong hininga ni Sue at nag paalam na babalik muna sa kwarto niya. Kami nalang ngayon ni Al ang natirang nandito sa tapat ng pinto at nakatayo. Walang nag salita sa'min. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"Do you know who's the guy lately?" Malamig na tanong sa akin ni Al. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. My hands are trembling. Gosh.

"A-Ahm.."

"Don't you dare to lie again."

Napapikit ako ng mariin bago nagsalita, "Y-Yes, Al. I know who's him."

Hindi siya nagsalita kaya inangat ko ang aking paningin sakaniya. Nakita ko ang paglaglag ng kaniyang panga. Yeah, Al. Kilala ko nga si Luijin. Wala na akong karapatang magsinungaling sayo dahil buking mo na ako.

"Shit!" Mura niya at sinambunutan ang sariling buhok dahil sa sinabi ko. Napatianod ako ng bigla niya akong hilahin papasok sa aking kwarto. Mabilis niyang sinarado 'yun at tinignan ako ng matalim. Napayuko nalang ako. I know he's mad for what I've done. I'm ready for his consequences.

"Paano nangyari 'yon?! He's not Grim Reaper for pete's sake, Lyk!" Mahinang sigaw niya. Kahit gustong gusto niya na akong sigawan ngayon, di niya magawa marahil ay baka marinig ni Sue sa labas.

"I-I know, Al."

"Alam mo naman pala, eh! Alam mong hindi siya nababagay sa'tin! We're Grim Reapers! Dapat sa una palang na nagkilala kayo, ikaw na ang umiwas! Nilayuan mo na sana siya dahil ikaw ang—"

"I tried so many times, Al. I tried so many fucking times!" Mabilis nangilid ang luha ko. Alam kong aabot sa ganito. Alam kong aabot sa sitwasyon na ayoko ng pakawalan si Luijin. Ayokong hindi siya nakikita. Alam kong aabot sa ganito pero hindi ko napigilan. Sinubukan kong lumayo, ilang beses! Pero anong magagawa ko kung lagi kaming pinagtatagpo?

"No! Hindi mo dapat sinubukan lang, dapat ginawa mo!" Narinig ko ang pag singhap niya at napahilamos nalang siya sa kaniyang mukha. "Now, I'll ask you. Do you like him?"

Nalaglag ang panga ko sa tinanong ni Al. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"You know what I mean, Lyk. Tell me your answer. Do you like him?"

Mas lalong umagos ang luha sa aking mata. Kahit alam ko kung anong nararamdaman ko para kay Luijin, hindi ko parin kayang sabihin.

"I know, you have feelings for that fucking guy. Halata sa mga mata mo, Lyk. You are just confused pero alam kong may gusto ka na sa lalaking 'yon! You're not healthy anymore, Lyk." Dagdag niya at napaupo sa aking kama at pinirmi ang kanyang dalawang braso sa kaniyang dalawang hita.

"H-Hindi ko alam, Al."

"Matagal na ba kayong magkakilala at nag uusap?" He asked.

"H-Hindi ko din alam."

"Bakit tinago mo ang tungkol dito? Alam mo naman siguro ang magiging parusa kapag nilabag ang batas natin? Why did you hide this shit, Lyk?"

"I'm scared." Maikling sagot ko. Napaangat ng tingin sakin si Al. Parang kakainin na niya ako ng buhay dahil sa titig niya.

"You're scared? Hindi mo ba naisip na mas nakakatakot 'tong ginagawa mo? Hindi mo ba naisip na may kapalit 'tong parusa?!" Gigil na gigil na siya. Hindi ako sumagot. Ayoko ng dagdagan ng init ng ulo niya. Paniguradong pagkatapos niya akong sermonan o pagalitan, hindi niya ako papansinin.

"Bullshit." Bulong niya pero narinig ko parin. Patuloy parin ako sa pag luha at hindi ko 'yon mapunasan dahil alam kong may panibagong luha nanaman ang tutulo. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak eh kasalanan ko naman 'to! Dapat hindi ako umiiyak dahil kasalanan ko 'to! Dapat hindi ako umiyak pero.. hindi ko talaga mapigilang maiyak.

"Al.. I'm sorry." Halos pumiyok ang boses ko sa pagkakasabi ko nun. Ayokong magkagulo. Ayokong magalit sakin si Al. Ayokong kagalitan ako ng lahat. Alam ko namang kasalanan ko 'to eh. At hinahanda ko nalang ang sarili ko kapag nalaman na ng lahat na nakikipagkita ako sa isang tao.

"Hindi pa huli ang lahat." Maya-maya'y sambit niya. "Kung gusto mong hindi na magkagulo ang lahat, layuan mo na ang lalaking 'yon. 'Wag ka ng makipag-kita sakaniya."

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko.

Makinig ka sakaniya. Kailangan mong layuan ang lalaking 'yon para maging maayos na ang lahat.

Nanginginig na tumango ako. Nakita kong tumayo siya at lumapit sakin. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry." Sambit ni Al habang nasa gitna kami ng pag-yakap. "Wala akong ibang intensyon kundi ang protektahan ka. Kayong dalawa ni Sue. Para ko na kayong mga kapatid kaya sana naiintindihan mo kung bakit ganito ako ngayon."

"N-Naiintindihan ko."

Ilang minuto siyang natahimik at hinagod ang likod ko. Hanggang sa bigla ulit siyang nagsalita na mas nagpagulo ng isip ko.

"Kung hindi siya ang lalayo, ikaw ang lumayo. Hindi pa malalim ang nararamdaman mo sakaniya, maari mo parin siyang makalimutan."

Napahikbi ako ng marinig iyan mula sakaniya. Bakit parang hindi ko kaya ang pinapagawa niya?

Bakit hindi kaya ng sistema kong tanggapin ang utos ni Al?

The Girl Grim Reaper (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara