Chapter 27

2.1K 48 0
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN


Gabi na ng makapasok ako sa aking kwarto, sinalampak ko ang aking sarili sa aking kama. Napatingin ako sa kisame ng aking kwarto at inisip ang mga sinabi ni Sue sakin kanina. Alam niya bang may gusto ako kay Luijin? Alam niya ba ang lahat? Kung ganon, bakit hindi siya nagalit?

Kilala ko si Sue. Alam kong magagalit siya kahit nagkaroon ako ng konting pagkakamali. Alam kong ganun ang mangyayari pero bakit sa kabila ng lahat mas pinili niya pa akong yakapin kaysa kagalitan? Sinabihan niya pa ako ng mga salitang tumatak na ngayon sa aking isipan. Ang gulo. Argh.

Napaayos ako ng higa sa aking kama at napakagat sa aking pang ibabang labi ng may maalala. Nakauwi na kaya ng maayos si Luijin? Anong ginagawa niya?

Bigla akong napa-upo sa aking kama ng maalalang kailangan ko nga pala siyang tawagan. Sinabi ko kaninang tatawagan ko siya basta sundin niya lang ang inuutos ko. Mabilis 'kong binuksan ang cabinet sa gilid ng aking kama at kinuha doon ang cellphone na binigay sakin ni Luijin noong dinala niya ako sa kaniyang bahay.

In-open ko 'yun at mabilis itong nag-vibrate at umilaw. Wala itong password kaya mabilis ko itong nabuksan. Hinanap ko agad ang contacts dito at hinanap ang kaniyang number. Huminga muna ako ng malalim bago ito dinial. Nilagay ko sa aking tenga ang cellphone na hawak ko at pinakinggan kung sasagutin ba niya.

Ilang ring ang narinig ko bago sagutin ang tawag ko. Napakagat pa ako sa aking labi ng marinig ang husky niyang boses.

"Hello.." Si Luijin ba 'tong tinawagan ko? Bakit ang ganda ng boses?

Tumikhim ako bago sumagot. "Ahm, hello."

"Oh, buti naman at naisipan mo ng tawagan ako. Kanina pa ako naghihintay sa tawag mo eh." Sabi niya at biglang humalakhak.

Shems. I really missed his voice. Miss ko na ang pangungulit niya sakin. Miss ko na ang kaniyang maamong mukha. Miss ko na lahat sakaniya.

"S-Sorry. Muntik ko ng makalimutan." Sagot ko at biglang napahiga sa aking kama. Kinuha ko ang unan sa aking gilid at marahang niyakap 'yon.

"Lagi naman eh."

Hindi ako nakasagot. Argh. Sana hindi na matapos ang sandaling ito. Gusto ko pang marinig ang kaniyang boses dahil paniguradong hindi ko nanaman ito maririnig bukas o sa makalawa.

"Uhm," Hindi ko alam kung anong sasabihin. Argh. "K-Kamusta?"

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya kaya napakagat ulit ako sa aking labi.

"Hindi ako okay ngayon."

What? Hindi siya okay? Ibig sabihin may nangyari sakaniya kahit binago ko ang magiging tadhana niya? Kahit niligtas ko siya sa panganib? May masama parin bang nangyari sakaniya?

"Bakit?"

"Kasi hindi kita kasama."

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinagot. Hindi ko mapigilang mapayakap ng mahigpit sa unan ko. Gusto kong tumili sa oras na 'to pero baka iba ang isipin niya kapag narinig niya 'yon kaya pinigilan ko nalang ang aking sarili.

"Oh? Kinilig ka 'no?"

Napangiti ako at napaayos ng higa. "H-Hindi 'no! Kinilig ka dyan!"

"Aminin mo nalang kase. Tsk."

"Ewan ko sayo."

Natawa nanaman siya. Ilang segundo nanamang kaming natahimik bago ko ulit narinig ang kaniyang boses.

"Yung nangyari pala kanina, anong ba ang totoong nangyari?"

Napatikhim ako. "Uh, tungkol dun? Sorry. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. Akala ko kasi malalagay ka sa piligro."

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now