Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past

2K 34 3
                                    

THE HIDDEN PAST (PART TWO)


Kahit ang sakit para saking isipin lahat ng nakaraan ni Luijin, mas pinili kong alamin ang lahat. Mas pinili kong hawakan ng matagal ang kamay ni Luijin para matuklasan lahat ng nakatagong nakaraan sakaniya. Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong malaman kung bakit pinagpanggap niya akong maging si Cherry na kahit ang totoo ay hindi naman. Gusto kong malaman kung bakit niloko niya ako. Gusto kong malaman kung bakit mas pinili niyang sabihin na mahal niya ko kahit ang totoo ay ayaw niya sakin. Gusto kong malaman ang lahat sa pamamagitan nitong aking kapangyarihan bilang isang Grim Reaper.

Kahit masakit para sakin, mas pipiliin kong tuklasin ang lahat kesa magpakatanga para lang sa pag-ibig niya.

"Sinasagot na kita, Luijin." Masayang sambit ni Cherry kaharap si Luijin. Nanlaki ang mata ni Luijin at biglang niyakap ng mahigpit si Cherry. Halata sakaniyang mga mata ang sobrang kasiyahan.

"Yes! I love you, Cherry Del Ocampo!" Sigaw ni Luijin na biglang ikinagulat ni Cherry.

"Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya sa mga tao dito sa park." Saway ni Cherry sakaniya. Natawa lang si Luijin at sumigaw ulit. Nagsitinginan sakanila ang mga tao at nagtatakang pinanaood sila.

"Hindi ako mahihiyang ipagsigawan na mahal kita, Cherry. Sobra!"

•••

Tumagal ng tatlong buwan ang kanilang pagsasamahan. Masaya sila at mahal rin nila ang isa't isa.

Subalit si Ryche at hindi parin kayang makalimutan ang pagmamahal kay Luijin. Mahal na mahal niya ang lalaki at nasasaktan siya kapag dumadalaw si Luijin sakanilang bahay.

"Dad, tanggap niyo ba si Luijin para kay ate?" Tanong ni Ryche sakaniyang ama. Napasingkit ang mata ng kaniyang ama at mariin siyang tinitigan.

"Hindi ko pa lubos binibigay ang tiwala ko sa lalaking 'yon." Sagot ng ama nito sakaniya.

"Kung ganon, kahit konti tanggap niyo siya para kay ate?"

"Maybe. Bakit mo natanong?"

Napaiwas ng tingin si Ryche, "A-Ahm nothing, Dad."

"He's your friend, right?"

Tumango si Ryche, "Y-Yes."

"Do you have feelings for him?"

Nagulat si Ryche sa tinanong ng kaniyang ama, "D-Dad?"

Her father sighed. "I know you have feelings for that guy. But please, Ryche anak, ayokong mag-away kayo ng kapatid mo ng dahil lang sa lalaking 'yan."

Napalunok si Ryche at kinabahan, "D-Dad, you know I'm not like that."

"I know. Sinasabi ko lang baka kasi sakaling makalimot ka."

Hindi nalang nakasagot si Ryche at lumabas na ng office ng kaniyang ama.

•••

"Happy 7th monthsarry!"  Masayang tugon ni Luijin kay Cherry. Bakas ang gulat ni Cherry sa hinandog na surpresa ni Luijin para sa espesyal na araw na ito.

Kita niya ang kumikinang na mga kandila sa lapag at nag-hugis 'yon ng puso. May mga petals rin ng rose ang nakakalat sa loob ng hugis puso na mga kandila. Hindi lamang 'yon. May malaking banner pa na nakalagay ang 'I love you so much' at may mga pictures nilang dalawa na nakadikit doon.

Hindi naiwasang mapaluha ni Cherry, "I was surprised, Luijin. Akala ko nakalimutan mo na eh."

Ngumiti ng malapad si Luijin at niyakap si Cherry ng mahigpit na para bang ayaw niya na talaga itong pakawalan.

The Girl Grim Reaper (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora