Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past

2.3K 36 6
                                    

THE HIDDEN PAST (PART ONE)


Bigla na lamang pumasok ang mga nakaraan ni Luijin sa aking isipan. Bigla ko itong natuklasan habang hawak niya ang aking kamay at hindi pa ito binibitawan.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ni Luijin sa isang babaeng hindi ko masyadong makita ang itsura. Malabo ito at hindi ko matuklasan kung sino ngunit alam kong napakaganda niya.

"Why?" Masungit na tanong ng babae. Hindi ko maaninag kahit konti kung anong ekspresyon ng babae ngunit alam kong naiinis siya dahil sa tunog ng kaniyang pananalita.

Nakita kong ngumiti si Luijin, "Because I like you. Gusto kitang ligawan."

Sarkastikong natawa ang babae. "Ganyan naman kayong mga lalaki. Gusto niyo ang babae dahil nagagandahan kayo sakanila at kapag nakahanap kayo ulit ng isa pang magandang babae iiwan niyo 'yung una!"

Napatulala si Luijin sa babae. "No. It's not like that. Ngayon pa lang ako nagkagusto sa isang babae at ang napili ng puso ko ay ikaw. So, what now? Are you saying yes to me? Can I court you now?"

Napairap ang babae, "My answer is no."

•••

Lumipas ang ilang araw at laging sinusundan ni Luijin ang babae. Hindi siya tumigil sa pangungulit sa babae.

"Tigilan mo na nga ang pag-sunod sakin. Tigilan mo na 'ko." Walang emosyong sambit ng babae at tumigil sa paglalakad dahilan para tumigil din si Luijin.

"I won't stop."

Nagkuyom ang kamao ng babae, "Ano bang kailangan mo ha?"

"Yung matamis mong oo."

"Tss!" Asik ng babae. "Hindi pa kita sinabihan na ligawan mo 'ko!"

Napangisi si Luijin, "Hindi pa? So, it means, kailangan ko pang mag hintay para pumayag kana?"

"W-What? No! I mean—"

"Don't deny it. I heard it clear." Lumapit si Luijin sa babae at napaatras naman ang babae dahil sa ginawa nito. "Now, I'm not gonna stop. I'll chase you 'till you give up."

•••

Ilang linggo ang lumipas at napalapit sila sa isa't isa. Kahit hindi pa nililinaw ng babae ang kaniyang nararamdaman kay Luijin, hindi niya ito hinayaang mawala sa tabi niya. Mukhang malapit na siyang mahulog at sumuko kay Luijin.

"Luijin?"

"Hmm? Why?"

"Gusto mo parin ba ako hanggang ngayon?" She asked while glancing afar.

Luijin brow's got furrow, "Of course. Ikaw lang ang gusto ko."

The woman smiled and suddenly she faced Luijin happily, "Pumapayag na 'ko. Pwede mo na 'kong ligawan ngayon."

Luijin got shocked, "Really? Is that true? Hindi ba kasinungalingan?"

The woman chuckled, "Do you want me to withdaw what I've said?"

"No!" He said and after that he hugged the woman while having a big smile on his lips. "Yes! Thank you!"

The woman chuckled again, "Wag ka ngang OA jan. Hindi pa kita sinasagot 'no! Nanliligaw ka pa lang!"

"Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko." Pahiyang sagot ni Luijin at bumitaw sa yakap pagkatapos nun ay nagatawanan lang silang dalawa dahil sa nangyari.

The Girl Grim Reaper (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat