Chapter 35

2K 36 1
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE


Natahimik kaming dalawa ni Luijin habang magkasama dito sa tabing dagat. Pagkatapos niyang humiwalay sakin kanina, naging tahimik nalang siya. Hindi ko kayang magsalita dahil alam ko kung bakit siya nagkakaganyan. Hinalikan niya ako. Humalik siya ng isang Grim Reaper. At kapag hinalikan kami ng isang tao, makikita nilang muli sakanilang isipan ang kanilang nakaraan. Masasya man o masasakit na nakaraan. Babalik 'yon sakanilang isipan upang maalala nila.

"S-Sorry." Mahinang sambit ni Luijin pero malinaw ko iyong narinig. Bigla akong napatingin sakaniya at nagtaka kung bakit humihingi siya ng tawad sakin.

"B-Bakit nags-sorry ka?"

He looked at me. "I'm sorry dahil sa inakto ko pagkatapos kitang halikan. Alam kong iniisip mo kung anong nangyayari sakin. Bigla pa akong umiyak."

Hindi ako nakasagot.

"Hindi ko rin maintindihan eh. Nung hinalikan kita, biglang nagbalik ang mga alaala ko noon. Lahat ng masasakit at masasayang alaala." Sabi niya habang nakatitig sakin. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Alam ko ang tungkol jan, Luijin. Alam ko na ang mangyayari kapag hinalikan mo 'ko pero hindi ko lang masabi dahil sikreto ko 'yon. Ayokong maglihim sayo pero ito ang paraan para hindi ka mapalayo sakin.

Bigla siyang natawa kaya napatingin nanaman ako sakaniya. "But your lips taste good. Damn."

Biglang nag-init ang pisngi ko at ilang beses siyang hinampas sakaniyang braso. Ginawa naman niyang panangga ang kaniyang kamay para di ko siya mahampas. Kainis din eh. Seryoso yung pinag-uusapan namin tas bigla siyang magsasalita ng ganyan? Kabwisit talaga. Grr!

Huminto na ako sa paghampas sakaniya at tinignan siya ng masama. "Seryoso ako dito tapos may iniisip ka na palang kakaiba jan sa utak mo?"

He chuckled. "I'm serious too." Sabi niya at napatingin nanaman siya saking labi. "I want to taste that sexy lips again."

Napapikit ako sa inis. "Argh! Luijin!"

He grinned. "Yes, My ovel?"

"Magseryoso ka nga!" Naiinis na sabi ko. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri tsaka binasa ang nanunuyong labi. Nakita kong natahimik nanaman si Luijin kaya napatingin ako sakaniya. Kita ko ang nakakatunaw niyang titig sa aking labi. Ano nanaman kaya ang iniisip ng lalaking 'to? Bwisit.

Hinampas ko ulit siya sa kaniyang braso at tinignan ng masama. "Marumi nanaman siguro 'yang nasa isip mo, 'no?"

"'Wag mo kasing basain ang labi mo. Hahalikan ko ulit 'yan." He said while grinning. Hindi na ako nakasagot. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at umiwas ulit ng tingin. Nag-iinit ang mukha ko! Kainis na Luijin 'to!

"Pero ito seryoso, hindi ko talaga maintindihan kung paano nangyari 'yung tungkol kanina. Fucking weird." Maya maya'y sabi ni Luijin. Napalunok ulit ako. Hindi ko dapat ipahalata na dahil sakin kaya nangyari 'yon sakaniya. Kailangan umakto ako ng normal.

"Ano ba 'yung biglang pumasok sa isip mo at bigla ka nalang naiyak?" I asked.

"Ha? Ahm.." Binalik ko ang tingin ko sakaniya at nakita kong bigla siyang nataranta sa tinanong ko. Bakit? Ano bang meron sa nakaraan niya? Sinabi niyang mag-asawa kami noon kaya ibig-sabihin lang nun ay kasama niya ako sakaniyang nakaraan. Pero bakit nataranta siya nung tinanong ko siya tungkol dun? Ano bang ang nangyari samin noon?

"Anong nanyari sa nakaraan mo? Kasama ba ako dun?" I asked again.

He force himself to smile. "Of course. You are part of my life. If I could get back your memory to remember me, I would. At kapag naalala mo na lahat ng nakaraan natin, sana mahalin mo parin ako."

The Girl Grim Reaper (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora