Chapter 19

2.4K 54 2
                                    

CHAPTER NINETEEN

Lumipas ang ilang araw na hindi ako lumabas ng bahay. Nagkulong ako sa kwarto at hindi nagtrabaho. Hindi matanggap ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Luijin. Ilang araw akong hindi nakatulog kakaisip sa aming dalawa.

Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Luijin? Talaga bang asawa ko siya? Pero paano? Paano nangyari 'yon? Asawa? Paano ako humantong sa ganung sitwasyon? Hindi ko maintindihan. Hindi maproseso ng utak ko ang tungkol dun.

Bumangon ako mula sa aking kama at umupo sa gilid nun. Binuksan ko ang cabinet sa gilid ng kama ko at kinuha doon ang cellphone na binigay sakin ni Luijin. Pinagmasdan ko 'yon ng mabuti.

"Talaga bang asawa kita?" Tanong ko habang tinitignan ang telepono. Argh. Nababaliw na nga yata talaga ako. Kung ano ano nalang ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw. Halos di na ako lumalabas ng kwarto ko dahil sa sinabi sakin ni Luijin. Nakakainis kasi siya! Bakit ngayon niya lang sinabi ang tungkol dun?

Saka, mukha namang hindi na kami mga bata kaya pwede na kaming mag asawa pero hindi ko parin tanggap! Kailangan makumbinsi niya ako. Kailangan kong malaman kung totoo ba talagang mag asawa kami at hindi siya nagsisinungaling. Pero paano? Hingin ko kaya ang marriage contract sakaniya?

Aish. Sakit sa ulo.

Tumayo nalang ako at lalabas na sana ng pinto ng aking kwarto pero nagulat ako ng bumungad sakin si Al. May dala siyang tray na may lamang pagkain.

"Oh, good morning." Sabi ko. Sinimangutan naman niya ako at tinignan ang hawak niyang tray. "Sorry, wala akong gana ngayon eh. Mamaya ko nalang 'yan kakainin."

"Tch. Puro ka mamaya eh nakakalimutan mo naman. Kainin mo na 'to! Sayang naman 'yung niluto ko!" Bulyaw niya. Napatitig pa ako ng ilang segundo sa mukha niya bago napabuntong hininga. Tss. Talagang pipilitin ako eh.

"Oo na. Sige na. Kakain na ko." Sagot ko at kinuha ang tray mula sa kamay niya. Dumiretso ako sa table para ilapag ang inihanda niya para sakin tsaka umupo. Naramdaman ko rin naman na umupo rin siya sa tabi ko at tinitigan ako habang kumakain.

"Broken ka ba?" Bigla akong nasamid dahil sa tanong niya.

"Ano ba namang tanong 'yan!" Reklamo ko. "Mukha bang broken ako? Talagang ayan ang tinatanong mo sakin ha!"

"Mukha ka kasing broken eh. Lagi kang nasa kwarto mo at hindi kumakain. Hindi karin nagtatrabaho at lagi mo 'yong pinapasa kay Sue." Sagot niya. Uminom ako ng tubig bago sumagot sa sinabi niya.

"May iniisip lang kasi ako. Saka, nitong nakaraang araw, nawawalan ako ng ganang tumayo at lumabas ng kwarto." Seryosong sagot ko. Napatango tango naman si Al at umayos sa pagkaka-upo.

"So, anong iniisip mo?"

"Tss. Pati ba naman 'yan kailangan alam mo?" Naiinis na tugon ko. "Sa akin nalang 'yon. Di mo pwedeng malaman."

"At bakit naman ha? May tinatago ka ba samin ni Sue?" Nagulat ako sa tanong niya. Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain at napatitig sa seryosong mukha ni Al.

"H-Ha? May tinatago ako? K-Kanino? Sainyo?" Maang-maangan ko. "Wala ka bang tiwala sakin, Al? T-Tingin mo ba, magagawa kong magsinungaling sainyo ni Sue?" Kunyaring tanong ko.

Argh. Ilang beses na akong naglihim sakanila. Hindi ko kayang sabihin sakanila ang tungkol kay Luijin. Hindi ko kayang sabihin na nakikipagkita ako sa isang hamak na tao. Alam kong mali pero hindi ko talaga kayang sabihin dahil natatakot ako sa kung anong mangyari.

"Syempre, may tiwala kami sayo. Kaya lang sana hindi mo 'yun sayangin." Umalis bigla si Al sa tabi ko at dumiretso sa sala para manood ng telebisyon. Dumako ang tingin ko sakaniya at hindi ko maiwasang kabahan dahil sa huling mga salitang binanggit niya.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now