Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past

2K 41 1
                                    

THE HIDDEN PAST (PART THREE)


Pinagpatuloy ko ang pagtuklas sa nakaraan namin. Gusto kong malaman lahat ng nangyari. Gusto kong malaman lahat para malinawan narin ako.

Nagdaan ang mga araw at lalong lumala ang kondisyon ni Cherry. Hindi na biro ang kaniyang pinagdadaanan dahil halos saktan niya na ng paulit ulit ang sarili niya. Nagsasalita siya mag-isa tungkol kay Ryche, umiiyak mag-isa, natatawa, at nagkukulong sa kwarto para doon saktan ang kaniyang sarili. Malala na siya.

"Cherry, anak.. saan ka pupunta?" May halong pag-aalala sa boses ng kaniyang ina habang nagtatanong ito.

"Magkikita kami ni Ryche ngayon, Mom." Wala sa sariling sambit ni Cherry.

Namutla ang kaniyang ina, "Anak.." Mabilis siyang nilapitan. "P-Patay na ang kapatid mo. W-Wala na siya."

Halos pumiyok ang boses ng kaniyang ina.

Natawa ng malakas si Cherry, "Hindi totoo 'yan, Mom. Magkausap kami kagabi. At magbo-bonding kami ngayon."

Napalunok ang kaniyang ina, "Anak.."

"Sige na, Mom. Alis na 'ko." Nagmadaling umalis si Cherry sa tabi ng kaniyang ina. At pumunta sa lugar kung saan sinabi ng bumulong sakaniya kagabi.

•••

Dito sa rooftop ng building kung saan siya kasalukuyang nagtatrabaho.

"Ryche? Nandito na 'ko." Excited na sabi niya habang lumilinga sa paligid. Maya-maya'y may bumulong sakaniya.

"Pumunta ka sa dulo nitong rooftop."

Agad naman niyang sinunod.

"Nandito na ko. Diba sabi mo papatawarin mo na 'ko kapag pumunta 'ko dito?" Kausap ni Cherry sa hangin.

"Papatawarin kita pero.."

"Pero ano?"

"Tumalon ka."

Wala sa sariling napataatras si Cherry.

"Sigurado ka ba, Ryche? Kapag tumalon ba ako jan papatawarin mo na 'ko? Babalik na tayo sa dati?"

"Oo. Kaya dali talon na!"

Hindi pinag-isipan ni Cherry ang ginagawa. Nasisiraan na talaga siya. Malala na ang kondisyon niya.

Mabilis siyang sumampa sa pinadulo ng rooftop. Handa na siyang tumalon ng biglang may sumigaw galing sa likod niya. Natigilan siya.

"Cherry! 'Wag mong gawin 'yan!" Si Luijin. Nagmamakaawa ang itsura nito at hingal na hingal. Dahan dahan siyang lumapit malapit kay Cherry.

"Luijin.."

"P-Please, 'wag mong gawin 'yan! Nandito pa 'ko! Masusulusyunan pa natin 'to!"

"Wag kang maniwala sakaniya.. Tumalon ka na.. Hindi kita mapapatawad!"

Mariing tinakpan ni Cherry ang kaniyang tenga at napapikit.

"Tama na! Tama na! Tumigil ka na!" Sigaw ni Cherry. Hindi iyon sigaw para kay Luijin kundi sigaw para sa bumubulong sakaniyang tenga.

"Tumalon ka na.. Talon!"

"Tama na!" Sigaw ulit niya.

"Cherry! 'Wag kang gumalaw!" May halong takot sa boses ni Luijin. Dahan dahan pa siyang lumapit kay Cherry habang hindi pinuputol ang paningin sakaniya.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now