Chapter 33

1.9K 41 1
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

Kinabukasan, pagka-gising ko wala na si Sue sakaniyang kama. Nauna siyang nagising kesa sakin at siguradong kasama na niya sila Al ngayon.

Tinatamad akong bumangon sa aking kama at dumiretso sa banyo. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Namamaga ang aking mata. Argh.

Napabuntong hininga nalang ako at inayos na ang sarili. Pagkatapos kong ayusin ang sarili, lumabas na ako ng banyo at napatalon ako sa gulat ng makita si Luijin dito sa loob ng kwarto namin ni Sue. Napakaupo siya sa sofa at mukhang inaantay akong lumabas. Buti nalang at nakaayos na ako ng sarili ko kundi makikita niya akong parang baliw sa kanto. Wait. Bakit 'yon parin ang inaalala ko eh may kasalanan nga siya sakin? Dapat mainis ako sakaniya.

"Pano ka nakapasok dito?" Seryosong tanong ko. Nakita kong nawala ang ngiti sa labi niya ng marinig kung gaano ako kaseryoso.

"May problema ba? Bakit ang seryoso mo?" He asked. Biglang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo natanong? May problema din ba kung maging seryoso ako?"

Napatayo siya sa sofa'ng inuupuan niya. "Cherry. Hindi ako sanay ng ganyan ka magsalita sakin. So, tell me. May problema ba tayo?"

Napairap ako. "Wala namang problema kasi wala namang tayo!"

Nakita kong kumunot ang kaniyang noo. Napabuga nalang ako ng malakas na hangin mula sa bibig ko tsaka iniwan siya sa kwarto naming dalawa ni Sue. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin pero hindi ko nalang siya pinansin. Kitang kita ko naman kagabi kung anong ginawa nila nung babaeng 'yon kagabi tas ngayon umaakto siya na parang wala lang? Ang galing niyang umarte ah.

"Cherry!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Bakit naman kailangan ko siyang pansinin pagkatapos ng nangyari kagabi? Halos napuyat ako kakaisip kung sino ang babaeng kayakap niya tas ngayon papansinin ko siya? No way.

Habang nagmamadaling maglakad papuntang cottage, biglang may humablot ng braso ko. Hinarap ko kung sino 'yon at nagdilim ang mata ko ng makita si Luijin 'yon. Kainis talaga.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang nanghihila ng braso?" Singhal ko. Ang aga aga pinapainit na agad ang ulo ko nitong lalaking 'to. Argh.

"Eh ayaw mo akong pansinin eh. Ano ba kasing problema?"

Kinalas ko sa pagkakahawak niya ang braso ko at nag-cross arms. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung anong problema, ha? Kung may problema tayong dalawa dapat alam mo rin 'yon!"

"Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?" Sagot niya rin.

"Edi tuklasin mo gamit 'yang matalino mong utak!" Singhal ko ulit tsaka tinalikuran siya. Maglalakad na ulit sana ako para pumuntang cottage ng bigla kong makasalubong si Al.

"Oh. Good morning, Lyk." Bati sakin ni Al. Tipid lang akong ngumiti at lumapit sakaniya. Akmang hahawakan ko si Al sa braso ng biglang may bumuhat sakin na parang isang sakong bigas.

"Ibaba mo 'ko! Ano ba!" Sigaw ko pero hindi parin humihinto 'tong lalaking bumubuhat sakin sa paglalakad. Sinuntok suntok ko ang kaniyang likod para maibaba ako pero hindi siya natinag. Galit na galit talaga ako sakaniya! Nakakainis siya!

"Fuck, Luijin! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko at malikot na gumagalaw habang buhat buhat niya parin ako. Hindi porket malaki ang katawan niya, gaganituhin niya ako! Putragis talaga!

"Hindi kita ibababa!" Sagot niya sakin. Nakatingin sa amin ang ibang taong nandito sa beach. Argh! Nakakahiya ka talaga Luijin!

"Saan mo ba 'ko dadalhin, ha?! Hindi ako pwedeng lumayo kila Al."

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now