Chapter 37

2K 34 1
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN


Isang linggo ang lumipas ng makauwi kami galing Cebu. Si Luijin at Roxiah ay naiwan sa Cebu dahil sa trabaho nila doon. Nalaman ko na vlogger din pala si Roxiah at ilang araw pa daw silang mags-stay doon dahil sa trabaho.

At dahil ilang araw ko ng hindi nakikita si Luijin, nag-focus nalang rin ako sa trabaho ko. Sa isang linggo, tatlong beses lang yata nakatawag sakin si Luijin. At sinabi niyang madami daw siyang ginagawa. Syempre ayoko namang makaabala kaya mas minabuti kong paunahin muna ang kaniyang trabaho bago makipag-usap sakin. Oo, miss ko na siya pero wala naman akong magagawa kasi trabaho niya 'yun. At kailangan ko rin namang pagtuunan ng pansin ang trabaho ko rito.

Linggo na ang lumipas pero tatak parin sa isip ko kung sino 'yung kayakap ni Luijin sa tabing dagat noon. He said it was his ex girlfriend. Pero bakit parang hindi ako naniniwala? Sino kaya 'yun? Iyon kaya 'yung sinasabi ni Luijin na importanteng tao sakaniya?

Pinilig ko nalang ang aking ulo at bumulong, "Hindi naman siguro niya 'ko niloloko."

"Niloloko?" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Nandito kasi ako ngayon sa palaruan at nakasakay sa isang duyan. Nilingon ko kung sino ang nagsalita sa likod ko at napakunot ang noo ko ng makita ang isang matangkad na lalaki na ubod ng puti. Pamilyar siya pero di ko maalala ang pangalan. Alam ko nakita ko na siya noon eh.

"Hi," Pagbati niya at ngumiti. Naglakad siya papunta sa katabi kong duyan at umupo rin doon. "Nakikilala mo pa ba 'ko?"

Mas lalong kumunot ang noo ko, "Uh, pasensya na. Hindi kita maalala. Nagkita na ba tayo noon?"

"Yup, remember Theo Park?"

Mabilis kong inalala ang pangalang sinabi niya. Nanlaki ang mata ko ng maalala siya. "Ah! Oo! Naalala ko na! Ikaw 'yung lalaking lumapit sakin nung nasa Wonderland kami ni Luijin, right?"

He laughed. "Yup."

"Wow, buti naman at tanda mo pa ang mukha ko?" Biro ko.

"Of course, sa ganda mong 'yan di kita makikilala?"

"Funny." Sabi ko at sabay na kaming natawa. Pinaandar ko ang duyan ko at bigla namang lumipad ang buhok ko dahil sa hangin na dinudulot ng aking pag-duyan.

"Where's your boyfriend?" Tanong nito na ikinatigil ko. Liningon ko siya.

"Work." Maiksing sagot ko.

"Ah," Tumango siya. "Baka naman sapakin ako nun pag nakita akong kasama ka ah?"

Tumawa ako, "Kung nandito lang siya."

Natigilan siya, "May problema ba kayo?"

Napataas ang kilay ko. Sa pagkakaalam ko, di naman kami close para magkwento sakaniya ng tungkol samin ni Luijin.

"Oh sorry. Hindi pala dapat ako magtanong." Sabi niya at iniwas ang tingin sakin. Nag-duyan nalang rin siya at nanahimik.

Nagkibit balikat nalang ako at pinanuod ang mga batang naglalaro rito. Napangiti ako ng makita silang nagtatawanan.

"Mahilig ka sa mga bata?" Maya maya'y tanong ni Theo.

"Yes, they're so cute."

"Parehas pala tayo. Mahilig rin ako sa mga bata." Sabi nito at napangiti. "I miss my baby."

Nagulat ako sa sinabi niya, "May baby ka na?" Tanong ko.

He chuckled, "Yes."

"Ilan taon na?"

"24 yrs old." Sagot niya at tumawa ng malakas. Aba't, loko rin 'to ah!

Tinignan ko siya ng masama. "Tss! Akala ko naman sanggol talaga! Iba palang baby ang tinutukoy mo!"

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now