Chapter 43

2K 37 0
                                    

CHAPTER FOURTY THREE


Bumalik ako sa pagta-trabaho. Ginawa kong busy ang sarili ko para hindi makapag-pahinga muna sa pag-iisip. Lumabas ako ng kwarto na nakaayos na para sa trabaho ko. Napansin ko sila Sue at Al sa sala na nanonood ng TV.

Hindi parin kami maayos ni Sue simula nung sigawan niya ako nung nakaraang araw. Hindi niya ako pinapansin, hinayaan ko nalang siya. Gusto ko rin namang humingi ng tawad sakaniya pero hindi ko pa siya kayang kausapin. Hindi ko siya kayang kausapin bilang kapatid ko. Kapatid ko sa nakaraan namin.

Dinaanan ko lang sila at hindi na pinansin. Naramdaman ko ang titig ni Al sakin habang palabas ako ng pinto. Narinig ko pa ang buntong hininga niya ng makalabas na ako ng tuluyan sa bahay.

"Uy!" Napatingin ako sa tumawag. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niya o ibang Grim Reaper dito. Pero sakin siya nakatingin so, ako ang tinawag niya. Lumapit ako sakaniya at nalaman kong si Senior Ry pala 'tong tumawag sakin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila palayo sa lugar naming mga Grim Reaper. Napakunot nalang ang noo ko sa ginagawa sakin ni Senior Ry.

"Teka—Saan ba tayo—" Huminto siya sa paghila sakin at nagkasalubong ang kilay ko ng titigan niya ako ng mariin at seryoso. Tinignan ko kung saan niya ako dinala, nandito pala kami sa park malapit sa lugar namin. Hindi maayos ang lugar na ito. Mukhang nasira na lahat ng kagamitan dito sa park. Wala naring mga bata ang namamasyal dito.

"Nalilito na 'ko," Napabalik ang tingin ko sakaniya ng bigla siyang mag-salita.

Teka, hindi ko siya maintindihan. Talaga bang ako ang gusto niyang kausapin? Baka naman mali siya ng nahilang braso? Imbis sa iba, ako ang nahila niya?

"Ha?"

"I think I like your friend." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Senior Ry.

"Oh, wait! Gusto mo si Al?" Tanong ko habang malaki ang mga mata. Nakita kong bigla siyang nasamid ng sinabi ko 'yon.

"W-What the heck?"

Tumawa ako ng malakas. "Sino ba?"

"Of course, it was Sue! I like her."

Hindi ako nakapagsalita, "You like my sister?"

"W-What?"

Biglang napatikom ang bibig ko, "U-Uh, I mean, ahm, my sister! Parang kapatid narin kasi ang turing ko kay Sue!"

Woooh!

"Ahh. Akala ko.."

Pilit nalang akong natawa sa sinabi niya. Lumakad ako at umupo sa lumang bench dito sa park. Tumabi siya sakin at parehas naming tinignan ang kalangitan.

"You're not mad?" He asked.

Napatingin ako sakaniya, "Why would I get mad, Senior?"

He gulped. "B-Because I like Sue."

Ngumiti ako at umiling, "No. I'm not mad, Senior."

"Why? Hindi ka ba magagalit sakin dahil gusto ko ang kaibigan mo at baka mapahamak siya?"

"Nung una, naiinis ako dahil lagi kayong magkasama ni Sue. But now, I understand. You don't need to explain your feelings. We all know it's hard that we have someone that we like but it's forbidden to like them. I know it's really hard for you. So I understand." Sagot ko.

He smiled after he heard what I've said, "Thank you. I thought you'll gonna hate me after this."

"Of course not." Sagot ko at natawa.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon