Chapter 20

2.2K 52 2
                                    

CHAPTER TWENTY


Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sakaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Siguradong mabubuking na ako ni Al dahil dito kay Luijin!

"Excuse me." Usal ni Al na walang kaalam alam sa nangyayari. Shit naman! Sana makisama sakin si Luijin! Hindi pwedeng malaman ni Al na kilala ko siya!

"Cherry." Nanlumo ako ng biglang magsalita si Luijin habang nakatingin sakin. Napansin ko ang pagkakunot ng noo ni Al sa sinabi ni Luijin.

"Sorry pero di kita kilala. Please excuse us." Sabi ni Al at hinila na ako para makaalis sa harap ni Luijin. Pero sa di inaasahan may humawak ng pulsuhan ko. Agad akong napahinto at napatingin sa humawak sakin.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kundi itong hinahawakan ko." Seryosong sagot ni Luijin kay Al. Naglipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

Nagkasalubong ang kilay ni Al, "Hindi ka namin kilala kaya bitawan mo siya."

"Ikaw lang ang hindi nakakakilala sakin pero itong kasama mo ay kilala ako."

Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Feeling ko ilang minuto nalang at magsasapakan na sila. Sheeet. Ano ba 'tong pinasok ko?

"Ang tigas din ng mukha mo eh, 'no? Sinabing hindi ka namin kilala eh." Nag igting bigla ang panga ni Al. "Kapag hindi mo parin siya binitawan, hindi na ako magdadalawang isip na sapakin 'yan mukha mo."

Napatingin ako kay Luijin at bigla kong nakita ang ngisi niya. "Punch me if you can. I will not let go the hand of this girl."

Napapikit ako dahil sakanilang dalawa. "Tumigil na kayo."

"I can punch your ugly face, bro." Sagot rin ni Al na parang hindi narinig ang inusal ko. Putek. Kapag nagsapakan sila sa harap ko, silang dalawa ang sasapakin ko ng todo todo. Mga hangal eh.

"Oh. I think you're the one who's ugly here." Sagot rin naman ni Luijin. Kahit gusto kong mapahawak sa noo ko hindi ko magawa dahil sa dalawang letsugas na lalaking 'to! Ano ba talaga pinag aawayan nila? Tungkol sa kapangitan nila? Tsk.

"Bitiwan mo siya."

Umiling si Luijin. "You're the one should do that not me."

"Who the fuck are you?"

"Hindi mo na kailangan malaman pa."

"I don't have enough patience, bro." Sabi ni Al tsaka sinuntok si Luijin. Napabitaw sakin si Luijin at napaupo sa sahig ngunit mabilis ding tumayo para makaganti.

"Tama na!" Sigaw ko ngunit hindi nila ako pinakinggan. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa nangyayari. Mabilis kong nilapitan si Al para hilahin kay Luijin pero hindi ko siya mahila.

May iilang tao narin ang nakikinood samin. Gosh. Nakakahiya kayooo!

Linapitan ko ulit si Al at hinawakan ang braso niya pero laking gulat ko ng bigla niyang tabigin ang kamay ko kaya bigla akong napatalsik. Medyo napangiwi pa ako sa pangyayaring 'yon. Bwisit ka, Al.

Napatingin ako sakanilang dalawa at nakita kong napatigil din sila sa suntukan nila at mabilis akong nilapitan.

Agad hinawakan ni Luijin ang braso ko at ganun rin naman si Al. Ayan nanaman sila! Putek namaaan! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana di nalang ako lumabas ng bahay!

Sabay nila akong pinatayo at nakita ko ang pag aalala sa mukha nila. Letsugas kayong dalawa. Nakakainis!

"Okay ka lang ba?" Nagulat ako ng sabay pa silang nagtanong niyan sakin. Okay. Hindi ko alam kung matatawa na ako ngayon o maiinis dahil sa ginawa nila.

The Girl Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now