Prologue

2.4K 41 0
                                    

BOLD SERIES #2: Capturing Lies is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Copyright 2018

All Rights Reserved

PLAGIARISM IS A CRIME!

***

"Ara! Ara! Miss Ara!" Patuloy parin ang pagsunod ng mga taga-suporta niya hanggang sa paglabas ng hotel na pinuntahan niya. Tumigil siya sa paglalakad at patuloy na tinitigilan ng mga guwardiya niya ang taong lumalapit sa kanya.

"Ara Tremor! Totoo bang pinatigil niyo ang kasal? Bakit?" Tanong nung isang reporter.

Tinanggal niya ang sunglasses niya at lumingon sa mga taong nagkakagulo.

"Ano po bang nangyari?"

"Naghiwalay ba kayo?"

"Bakit hindi niyo po sinagot si Leo?"

"Wala kayong dapat alalahanin." Nakangiting sabi niya. Ang kanyang mapuputing ngipin ay parang kumikinang at ang kanyang mga matang nakakabighani ay nakapagpapigil sa kaingayan ng mga tao. "Everything has a reason. This is my life. Try to know it, capture me."

Hindi na siya naghihintay ng mga sagot nila kaya tinalikuran na niya ang mga 'to. Nakikita niya pa ang flash ng camera na halatang kinukuhanan siya ng litrato.

Nang makapasok siya sa loob ng limousine niya ay galit niyang hinagis ang kanyang purse sa mga tauhan niya. Halatang natatakot ang ito sa inaakto niya. Nang dumikwatro siya ay nakita ang kanyang makikinis na hita't binti.

"Kumukulo ang dugo ko lalo na ro'n sa Leo na yo'n!" Bulyaw niya.

"Anong plano niyo, Ma'am?" Tanong nung isa sa tauhan niya.

Ngumisi siya at tumanaw sa labas ng bintana. At nang magsawa siya kakatingin sa labas ay dahan-dahan niyang nilingon ang mga tauhan niya at ngumiti siya na labas ang ngipin.

"I got an idea." She smirked. "Tell everyone that..." She pursed her lips and crossed her arms. "...Ara Tremor is dead."

Capturing LiesWhere stories live. Discover now