Chapter 46

114 5 1
                                    

Buhat-buhat ko si Raven habang malakas ang hangin sa likuran ng mansyon. Pinaglalaruan niya ng buhok kong kakabraid lang kanina. Hinalikan niya rin ang pisnge ko sabay yakap sa akin.

"Mom, I wanna see Daddy." I pinched his cheeks then laughed softly.

"Soon."

"When?" Kahit ako ay hindi ko alam. Walang kaide-ideya. Hindi rin ako sigurado sa taong yo'n. Kay Ingrid.

May tinuro si Raven mula sa likuran ko kaya napatingin din ako. Nakita kong si Mom, mukhang nakaayos siya.

"Saan ang punta?" Hindi na ako magugulat kung saan siya pupunta dahil halata naman sa damit niya. Pupunta siyang Zambales. "Bakit? Ano meron?"

"Gusto lang namin." She smiled. "Naaalala ko ang kapatid mo kapag nando'n ako. Tapos pala, Ara..."

"Hmm?"

"Gusto ko sanang isama si Raven para wala kang iisipin sa araw-araw mo rito." Pagkasabi ni Mom no'n ay nakita ko ang pagkislap ng mata ni Raven. Wala naman akong magagawa kung mismong si Raven ay gusto rin sumama.

"Be good with your Lola." Natawa si Mom dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng Lola. Tumatanda na nga siya. Parehas sila ni Dad at natatakot din ako na baka isang araw ay mawala sila sa amin. "Mom, please take care of him."

Kasama ngayon ni Raven ang isang yaya para mag-ayos ng gamit niya. Habang kaming dalawa ni Mom ay pumunta sa parking lot. Nangalumbaba ako sa bukas na bintana ng sasakyan habang siya ay naglalagay pa ng lipstick.

"My friend, Sarr, is living there with her mayor." Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Makikisuyo ako na bantayan din kayo. Walang problema sa mga sumusuporta. Basta kailangan parin."

"You really sounded like a Mom, Ara. Sabagay normal naman na yan. Wag kana mag-alala. Gusto kong makapag-isip ka ng desisyon. Wag mo kaming pinaghihintay." Napatingin ako sa batang buhat-buhat ng isang yaya namin.

"Mom! I will collect seashells then I will make a necklace for you!" Masaya niyang sabi. I kissed his cheeks.

"I will miss you." Tumango-tango naman siya bago sumakay ng sasakyan. Kumakaway pa siya habang papaalis ng mansyon.

Hindi parin nawawala ang ngiti ko hanggang sa namalayan kong magtatrabaho pa pala ako.

Iba't-ibang lugar, pare-parehas na sigawan ang maririnig ko na parang hindi sila nauubusan ng lakas. Ang pawis ko'y patuloy na tumutulo dahil sa nakakapagod na performance. Lalo na ngayon ay iibahin ko na ang imahe ko sa harap ng tao.

Pagbalik ko sa backstage ay agad kong pinunasan ang pawis tsaka ako muling hinila ng isang make-up artist para i-retouch. Lahat sila ay abala sa ginagawa nila at isa-isa nang pinapasok ang mga singer. Dahil nga isang Sunday show ang programa ngayon ay talagang wala kang makakausap dahil minsan ay mas pipiliin mo nalang matulog kaysa makipagkwentuhan.

"Wala pa si Pim! Wala pa si Pim! Sino ang maghohost muna?" Rinig kong pagkakagulo nila. Napailing nalang ako.

Aalis na sana ako nang biglang may humila sa akin na staff.

"Miss Ara, pwedeng ikaw muna? Siguro naman alam mo na ang gagawin. Wala pa si Pim e."

"U-uh, may pupuntahan-"

"Malapit na matapos! Ihanda niyo na yan!" Sigaw nung isa. Napabuntong hininga naman ako dahil wala na akong magagawa.

Alas-tres nang matapos ang programa. Bago pa ako tuluyang makaalis ay tinawag pa kami para kuhanan kami ng litrato sa entablado. Nilabas ko ang ngiti kong hindi pilit tsaka kumislap ang ilaw mula sa camera.

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon