Chapter 1

1.4K 23 0
                                    

"What?! Wala parin yang si Ara?! Kanina pa ako naghihintay! Anong oras na oh!" Rinig ko mula sa labas palang ng studio. Napairap ako sa hangin nang marinig yung photographer ko na mas mainit pa ang ulo sa akin.

Binuksan ko yung pintuan ng pabalag pero nakangiti ako. Bigla nalang umayos yung baklang photographer ko. Napaka-plastik talaga nitong hayop na 'to. Umirap ako nang purihin nanaman niya ang kagandahan ko.

"I know, I'm beautiful." Sabi ko. Tumawa naman siya na parang isang maarteng babae. Feeling babae ang isang 'to, may tinatago namang talong. I rolled my eyes.

"Simulan natin ang shooting. Masayang naman ang ganda mo." Alam kong insecure ang isang 'to kaya hindi ko na siya pinansin at binaba nalang yung bag ko sa isang tabi.

Lumapit kaagad ang make-up artist ko at niretouch ang make-up ko. Shooting lang naman 'to para sa isang magazine na tungkol lahat sa akin. And this will be a blast for millennials!

"Yeah! That's right! Looking hot! Change pose, Ara." Komento nung bakla. I swayed my hair and showed my perfect white teeth. Kung anu-anong pose ang ginagawa ko habang kinukuhanan niya ako ng litrato.

Nakaupo na ako sa isang tabi habang pinupunasan nung P.A ko ang pawis ko. Nakita ko kung paano ako irapan nung bakla nang makita yung mga litrato ko. Insecure, bitch?

"Ma'am, may interview kayo mamaya." Singit nung P.A ko. Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.

"I want you to find new photographer. I hate that bitch." Iritang sabi ko.

"But, ma'am, he's the best-"

"I don't fucking care, Tina." Seryosong sabi ko. Napalunok siya at umalis sa harapan ko.

Lumipas ang ilang minuto, habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay biglang may pumasok sa studio. Nang makita ko ito ay hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa.

"Oh, Leo!" Bati ko. Niyakap niya ako at napairap naman ako. Naging magkasama kami sa isang palabas at bigla nalang kaming na-link sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ginagawa niya lang ang lahat ng ito para may mabalita tungkol sa kanya. Kasikatan din naman ang hanap.

"Kumain kana ba? Nagdala ako ng paborito mong sushi." Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Nanguha siya ng upuan at tumabi sa akin. "So, kailan mo ba ako sasagutin?" I chuckled.

"Come on, Leo. Wala naman talagang tayo. You just made a story about us." Ngumisi siya at sumandal sa upuan niya.

"That's what artists do, Ara. Masanay kana. Besides, gusto mo rin naman diba." Kahit kailan napakahangin ng isang 'to. Akala naman niya ang gwapo niya para sagutin ko siya at pakasalan.

"You know what, Leo? Wag kang masyadong magbuhat ng sarili mong upuan. You're not my type, okay?" I rolled my eyes. Tumayo ako sa harapan. "Ayan, kainin mo yang sushi mo." Abot ko sa kanya yung binigay niya. Iniwan ko siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Tina, let's go. Let's continue this shooting tomorrow."

Pinatunog ko na yung sasakyan ko at sumakay na kaagad do'n. Hindi ko na hinintay magsalita ang P.A ko at pinatakbo na ito. Kinuha ko ang cellphone ko para i-cancel yung interview mamaya.

Hininto ko na yung sasakyan ko sa tapat ng condominium ni Ianne at kaagad ako nagtakip ng mukha. Nang mabuksan ko na mismo ang condo unit ko ay bumungad sa akin ang kuya ko.

"Damn, Nard! Bakit nandito ka?" Tuluyan na akong pumasok sa loob at nilapag yung purse ko sa lamesa.

"Papakasalan mo ba talaga si Leo? Kasi may kakilala akong makakatulong sa'yo para matigil yo'n."

"Kuya, I can do it with myself." Dumiretso ako sa mini kitchen ko pa kumuha ng pagkain.

"We're just concerned, Ara. Ikaw ang bunso sa atin. At ayaw naming mapakasalan ka ng gagong yo'n." Natawa ako ng marahan sa sinabi niya.

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon