Chapter 16

543 15 0
                                    

"Uuwi narin kami." Rinig kong sabi ni Ingrid kila Narisse. Nakadikwatro lang yung dalawa habang ako ay kanina pa pinaglalaruan yung kulot ng buhok ko. "If someone came here to find her-"

"Alam namin ang gagawin, oh-so-called-great-detective." Nakangising sabi ni Narisse.

Ngumiti nalang si Ingrid at nilingon ako. Tamad kong inabot sa kanya yung mga gamit ko at naunang lumabas. Napatingin ako sa kalangitan at mukhang uulan. Gagabihin kami nito sa byahe.

"Bakit pinuntahan mo nanaman ako? Paano mo nalaman? Did your uncle told you where I am?" Pagtatadtad ko ng tanong sa kanya.

"No one told me. I just saw your recent searches." Sabi niya at nagkibit balikat. "Kung hindi pa kita pinuntahan, paniguradong mabubuking kana."

I sighed, "I'm sorry." Pagkasabi ko no'n ay nakita ko kung paano siya ngumiti.

"Let's go." Napakunot ang noo ko nang malamang motor ang gagamitin namin. "Nagmamadali ako kaya ito ang nadala ko."

"Let's just sleep here 'til morning."

"No. We need to go, Ara." Napanguso naman ako. Ang bossy talaga ng isang 'to.

Wala na akong magawa nang sumakay na siya. Umangkas nalang ako hanggang sa paandarin niya na. Para siyang nakikipagkarera kahit wala namang ibang sasakyan. Awtomatikong napayakap ako sa kanya at tanging naririnig ko nalang ngayon ay ang tibok ng puso ko.

"Uulan!" Sigaw ko sa kanya. Wala man lang siyang helmet. Hindi niya ako pinakinggan.

Mamaya-maya ay nararamdaman kong nababasa na yung likuran ko. Napatingala ako at bumuhos na yung ulan. Pinaghahampas ko siya sa likuran niya pero tumatawa lang siya.

"Enjoy the rain."

Ginulo ko yung nababasa niyang buhok at narinig kong tumawa siya. Hindi ko maiwasang matawa rin. Mabilis niya niliko kaya napatili ako. Hinampas ko ang braso niya pero mahina lang.

Palakas nang palakas pero hindi parin siya tumitigil sa pagmamaneho. Hanggang sa itaas ko ang dalawang kamay ko at sumigaw.

"I'm free, bitches!" Sigaw ko. Nakita ko sa salamin ang pag ngiti niya kaya napangiti rin ako. Hanggang sa mapagod akong sumigaw kaya niyakap ko siya at pinikit ang mata.

"Maybe, we should pull over." Rinig kong sabi niya. Naramdaman kong huminto kami at pagmulat ko ay nasa convenience store kami. "What do you want?"

"Noodles and sushi."

"Tingnan natin kung meron." Hinagod niya yung basa niyang buhok gamit ang daliri. Napakagat ako sa labi ko nang mapansing sobrang gwapo niya pag wet look. Medyo nakaawang pa ng unti yung bibig niya at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. "Fuck." Bumalik lang ako sa reyalidad nang magmura siya dahil basa ang wallet niya.

"Dumb goon." Bulong ko at tumawa ng marahan.

"Careless brat." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kinindatan niya ako at naunang pumasok sa convenience store. Talagang iniwan niya ako rito ah.

Kahit basa yung mask ko ay sinuot ko at sumunod sa kanya sa loob. Nasa beverages siya namimili habang nakasunod lang ako sa kanya. Nang mapansin niya ako ay nilingon niya ako.

"Kumuha kana." Tumango ako at kumuha ng sterilized milk. Nagtaka pa siya hanggang sa umiling siya at umalis sa harapan ko.

Naghintay nalang ako sa isang gilid at tiningnan yung mga magazine na nakadisplay. Napanguso ako nang nasa center fold si Vivienne. Sa bandang gitna, nakita ko ang litrato ko at napakunot ang noo ko.

Ara Tremor is dead or was she faking her death? Detective Ingrid Flavin David witnessed that she's one of the dead in the massacre happened on a five-star hotel. Her family denied the body of Ara Tremor.

Capturing LiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu