Chapter 19

388 10 0
                                    

Umaga palang ay naabutan ko si Winsta na kausap si Ingrid. May hawak itong walis ting-ting at dustpan. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata ko at tinalikuran sila. Kaso napatigil ako nang marinig kong tinawag ako.

"Ara, ako na ang nagpiprisintang turuan ka sa gawaing bahay." Kumunot naman ang noo ko at humarap.

"Auntie, marunong naman po-"

"Hindi pa sapat yo'n. Alam niya ba maglaba ng sarili niyang damit?" Napalunok ako nang marinig ko ang paglalaba. "Wag kang umangal, Ingrid. Dahil alam mong ganito ang turo ng Nanay mo."

"Pero, Auntie-"

"Okay lang, Ingrid." Nakangiting sabi ko. "Madali lang naman yo'n, diba?" Nakita ko ang pag tiim bagang niya at umiiling iling na umakyat sa taas. Oh? Galit nanaman ba siya?

Lumingon ako kay Winsta at nakita ko ang pag ngiti niya pero nawala rin ito kaagad. What a bitch!

"Habang bumibili muna ako ng lulutuin ko. Walisan mo muna ang paligid niyo." Lumabas ako at nakitang panay dahon ang nasa sahig. Napakagat ako sa labi ko. "Pag balik ko kailangan tapos na yan dahil maglalaba tayo."

"Hindi ba pwedeng mag pahinga muna?" Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

"Yung nanay mo ba nakita mong nagpahinga pagkatapos gawin ang isang trabaho?" Napanguso ako. Alam kong minsan lang si Mom gumawa ng gawaing bahay. Pero pag dating sa business ay talagang wala siyang pahinga. "O siya, simulan mo na." Inabot na niya sa akin yung walis ting-ting at dustpan saka umalis.

Umakto ako na hahampasin siya nang marinig ko ang boses ni Ingrid sa likuran ko. Nagpatay malisya ako at humarap sa kanyang nakangiti.

"H-hi!"

"Wag ka masyadong magpagod. Kaya kong ituro sa'yo ang mga bagay na 'to. Kaso kailangan na ako sa estasyon." Tiningnan ko yung orasan at alas otso na. "Susubukan kong umuwi ng maaga."

"Pero, hindi ka pa kumakain." Nag aala kong sabi. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.

"Doon nalang ako kakain. Wag kang papagutom. Alam kong kaya mo 'to." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Wala naman akong bagay na inuurungan kahit alam kong hindi ko kaya. Gano'n ako palaban.

"Sige, ingat." May sasabihin sana siya nang itikom nalang niya yung bibig niya at ngumiti nalang din. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya sa sasasakyan niya.

Kinuha ko na yung walis ting-ting at nagsimula ng magwalis sa paligid. Nasa kalahati palang ako nang tumigil ako at bumuntong hininga. Pinagpapawisan na ako at ayaw ko yung ganitong feeling, yung malagkit. Pansin ko ring pasikat na ang araw kaya binilisan ko narin ang pagwawalis.

Tinipon ko ito sa isang pwesto at bahala na si Winsta ro'n. Pumasok na ako sa loob para mag saing ng bigas. Nung isang araw nakita ko kung paano gawin ni Ingrid yo'n kaya sinubukan ko nalang din gawin. Pagkasalang ko sa kalan ay naupo na ako sa sofa at binuksan yung t.v.

Ilang minuto ko palang napapanuod yung teleseryeng bulok na dahil paulit-ulit ng istorya ay nakaidlip ako. Napabalikwas ako nang may marinig akong nagbukas ng gate. Nang tingnan ko sa bintana ay nagmamadaling naglalakad si Winsta papasok.

"Susunugin mo ba ang bahay?!" Pati ako ay kinabahan nang makita umuusok na yung niluto kong kanin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nagpapanic na ako. Nakita kong pinatay na niya yung kalan at panay wasiwas ng kamay sa usok.

Napaubo ako at nagtakip ng ilong. Tinanggal niya yung takip at nakita kong sunog yung niluto ko.

"Nagsasayang ka talaga. Pati pagsasaing hindi mo alam." Panenermon niya.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now