Chapter 2

894 18 1
                                    

"Ara, magkakaroon ka ng bagong palabas. Magiging makakatotohanan ito dahil partner mo nanaman si Leo Brooks!" Napangiwi ako nang marinig ko yo'n sa manager ko. "Come on, magiging kayo rin naman."

I chuckled, "Ayoko sa taong mahahangin. Akala mo ang gwapo niya. Punyeta siya yo'n. Ang lakas ng loob yayain akong makipag-sex!" Parang nagulat pa sila sa sinabi ko.

"Ay nako! Gago talaga ang lalaking yan. Hayaan mo, meron ka ng pang-black mail sa lalaking yan kung sakaling ayaw kang lubayan." Sabi nito. Hindi ko alam kung bakit dumating pa sa buhay ko ang lalaking yan. Noong una ay mabait naman siya. "Makakasabay mo nga pala sa shooting si Vivienne." Napairap ako.

"Vivienne's a hoe." Saka ako tumayo sa kinauupuan ko. Inayos ko yung coat ko at eleganteng naglakad papasok sa studio. Naabutan ko ro'n yung babaeng yo'n na halos maghubad na sa harap ng camera.

"Ara!" Nakangiting sabi nito. Plastik. Yayakapin na sana niya ako nang itaas ko ang palad ko.

"Kung makikipag-close ka para maagaw mo si Leo. Go ahead. I won't stop you. Mas maganda ngang gayumahin mo narin." Then, I swayed my hair. Normal na ang ganitong senaryo pag nagkikita kami ni Vivienne at hinahayaan lang naman nila kami. Sino ba sila para tumigil sa amin?

"What the heck are you saying?" Natawa ako ng marahan at lumapit sa kanya.

"Gusto ko lang sabihin na hindi ako pakitang tao..." I smirked. "...hoe." Dinaanan ko na siya at nakitang iba na yung photographer ko. Mas ginanahan tuloy ako ngayon.

Halos lahat ng artistang nakakasama ko ay inaayawan ako. Hindi nila kayang magpakita sa harap ng camera na nagsusungit sila. Kaya walang naglalakas ng loob na makipagkaibigan sa akin kasi ayaw nila mailabas ko ang pag-uugali nila.

Pinagmamasdan ko ang kuko ko dahil may iba't-ibang disenyo 'to nang biglang pumasok yung manager ko.

"Guess what?" I looked at her. "Sold out lahat ng magazines!" Napangiti ako nang sabihin niya yo'n. "Pero, Ara, marami talagang naghihintay sa palabas na yo'n. Tanggapin mo na."

"Manager-"

"Miss Ara, may interviews po kayo." Singit nung P.A ko.

"Okay, paki-handa ang sasakyan." Tumango nalang ito. Nagkibit balikat nalang ako kay manager at umalis na.

Bago magsimula ang interview ay medyo awkward pa yung mag i-interview sa akin. Pero noong magsimula na ay para siyang sinaniban ng kung ano. Nag-iiba talaga pag nasa harap na ng camera.

"Magandang umaga, Pilipinas! Nandito tayo ngayon kasama si Miss Ara Tremor!" Ngumiti naman ako. "Anong masasabi niyo sa magazines na sold out agad?"

I laughed in an elegant way, "It's not that big deal." Nakangising sabi ko.

"Still the confident Ara we know." Halakhak nito. Naasar ako pekeng tawa niya. Ipalunok ko kaya yung mic na hawak niya. "Narinig namin ang tungkol sa palabas ninyo ni Leo Brooks!"

"Hindi ako interesadong makasama siya sa isang palabas muli." Napaawang ang bibig nung interviewer. "Nakakababa ng pagkatao." Tapos tumawa ako. Akala nila nagbibiro ako, pero hindi.

"Mahilig ka ba sa surprises?"

"Bakit hindi?"

"Let's all welcome, Leo Brooks!" Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan no'ng gagong yo'n. Napatingin ako sa gilid ko at may bulaklak pa nga itong dala.

"Magandang umaga!" Bati niya. Ngumiwi ako nang tumabi siya sa akin. Fuck, I don't care if they'll see me acting rude in front of the camera. Nag-iinit ang ulo ko.

"Ano nanamang pakulo mo, Leo?" Walang ganang tanong ko pero tumawa lang siya.

"Ayaw mo?" Inaabot niya yung bouquet ng bulaklak. Tiningnan ko lang yo'n at tinaasan siya ng isang kilay.

"Mukhang hindi magandang ideya na i-surprise si Ara ngayon. LQ ba?" Singit nung interviewer.

"Walang LQ. Walang kami." Tumawa yung staffs sa paligid nang sabihin ko yo'n. Medyo napahiya 'tong si Leo. Bakit kasi pupunta siya? Hindi naman siya imbitado.

"Leo, ang alam namin ay may gagawin ka kaya ginawa mo 'to." Sabi nung interviewer.

"Oo nga pala." Nakangiting sabi nito. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. May nilabas siyang lalagyanan ng singsing at tumingin sa akin. "Will you marry me, Ara?" This is fucking live. And, I'm enjoying it.

"There's so-"

"Just answer, yes or-"

"No." Nakangiting sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at ako mismo ang nagsarado nung lalagyanan. "It's a no, Leo." Humarap ako sa camera at ngumiti. "I don't have time for fake shits, guys. If you hate me now because I'm rude. Hell, I'd love to hear it." Tumayo ako sa pagkakaupo at iniwan sila ro'n.

Sinalubong ako ng manager ko at halatang galit na galit siya.

"Alam kong ayaw mo si Leo! Pero dapat hindi mo ginawa yo'n sa harap ng camera, Ara! Sinisira mo ang imahe mo! You don't deserve this career because you're so high to yourself. Akala mo ang galing mo?!" Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Sana noong una palang ay hindi mo na ako kinuha. Pero wala e. I'm a full package, manager. You make money from me. So, bail me out or nah?" Hindi naman siya nakasagot kaya nilagpasan ko siya.

Buti walang masyadong tao rito sa parking lot dahil kanina ko pa tinitiis ang galit ko. Pwersa kong sinipa yung gulong ng sasakyan ko at napasabunot sa sarili kong buhok.

"The princess gone mad." Napatingin ako sa nagsalita. The same goon I saw in our reunion. Naiirita ako sa itsura niya dahil kahit may bigote't balbas siya ay ang gwapo parin tingnan. "I've watched your interview."

"Na-amaze ka naman." Sarcastic kong sabi. Sumandal siya sa sasakyan niya at humalukipkip.

"No, I was stunned." He smirked. "By your beauty."

"Oh, shut the fuck up." Iritang sabi ko.

"Sharp tongue." He licked his lips. "I like it." Isinuklay niya ang kanyang daliri sa buhok niya at hindi ko maiwasang mapatitig do'n. Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa iba at napalunok.

"Anong ginagawa mo rito? Paniguradong ini-stalk mo ako." Natawa siya sa sinabi ko.

"Hindi naman ako gano'n kapangit para tawaging mong stalker." Wow! Ang hangin. "Besides, hindi naman ikaw ang intensyon ko. Masyado kang assuming."

"Wow! Akala mo close tayo? Tse! Hindi!" Bubuksan ko na sana yung sasakyan ko nang malaman kong naiwan ko yung susi ko ro'n. Nanggigil ako sa inis pero tinawanan lang niya ako. "Bakit tawa ka nang tawa? May kumikiliti ba sa'yo?"

"Nakakatawa ka e." Sabi niya. "I know you're smart. Pero, tanga lang talaga ang tingin ko sa'yo." Tinanggal ko yung isang heels ko at hinagis sa kanya. Buti nasalo niya. "Muntikan na, kung natamaan mo ang sasakyang 'to. Mawawalan ka ng manager. Pag ito namang nasa kanan ko ay tuluyan ka ng mawawalan ng trabaho." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at hinagis pabalik sa akin yung sapatos ko.

"H-how-"

"I am investigating Leo Brooks. Syempre, kailangan ko lahat ng impormasyon sa mga taong nandito."

"Anong meron kay Leo?" I asked.

"Sinabi ko nga, iniimbestigahan ko palang. But, there's a rumor that he's a drug dealer." Dahan-dahan akong tumango. "Bakit hindi mo sinagot ang lalaking yo'n?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Anong pake mo? Edi kayo magpakasal. Estupido." Iritadong sabi ko.

"Bakit ang init ng ulo mo sa akin?"

"Mukha kang goon." Tumawa nanaman siya.

"Goon? Pero kung makatitig, wagas!" Hindi ko alam kung bakit inaasar ako ng isang 'to. "Nga naman ang pangit pakinggan, Ara Brooks."

"Dammit, Ingrid!"

"Mas maganda kasing pakinggan pag..." he smirked. "...Ara David." Hindi ko rin alam kung sinasadya niya akong pakiligin. Kasi, tangina, kinilig ako.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now