Chapter 40

124 1 0
                                    

Nakahawak sa akin si Raven habang papasok kami sa preso. Halata sa mukha niyang kinakabahan siya dahil palakad-lakad ang pulis lalo na't may sumalubong sa amin na mukhang hepe ng estasyon. Tinitigan niya muna ako tila'y kinikilala hanggang sa umiling nalang siya at hinatid kami kung saan pwede ko kausapin ang tatay ko.

"Dad," mahinahong sabi ko pagkakita ko kaagad sa kaniya. Nakatulala lang siya. "Kamusta ka?"

"Lolo?" Nakita kong napatingin sa kaniya si Dad hanggang sa nakita kong unti-unti na itong naiiyak. Naaawa ako ngayon sa kalagayan niya ngunit hindi ko parin makakalimutan yung ginawa niya. Alam kong marami siyang ginawa para lang maitaguyod kaming lahat. Pero buhay ko ang nakataya sa ginawa niya. "Why is he crying?"

"Baby? You want some lollipop?" Tumango agad siya. "Go ask kuyang policeman if he has lollipops." Mabilis siyang tumakbo papalapit sa isang pulis at tinungo naman siya sa labas nito.

"A-apo ko ba yo'n?" Wala akong emosyong tumango sa tanong niya. "S-sana hindi ko nalang ginawa yo'n. Kasalanan ko, anak. Sana kasama ko pa kayo ngayon, masaya tayo. Mapapalago ko pa yung negosyo-"

"Dad," pigil ko sa kaniya. "Nagawa mo na. Kaya kahit anong sabihin mo, walang mangyayari."

"Ara, my prinsesa, alam kong galit ka pa. Pero mahal mo parin ang Dad, di'ba?" Parang hindi na ako humihinga para lang mapigilang ang pagluha. Ayokong makita niyang iniiyakan ko siya. Masyado pang sariwa ang mga nangyari sa akin nung mga nakaraang taon. "Anak, patawarin mo ako."

"No..." mabilis kong sabi kaya mas lalo siyang naiyak. "Not now." Pagkasabi ko no'n ay tumayo na agad ako. Nakita kong tahimik na kumakain ng lollipop si Raven habang nakaupo sa upuan. May kinakawayan siyang mga pulis kaya ngumingiti ito sa kaniya.

"Mommy, that is Manong Nathaniel." Napakunot naman ang noo ko at nang mapatingin ako sa likod ay parehas kaming nagkagulatan.

"Shit, kaya pala pamilyar ang itsura ng bata." Sabi kaagad nito at napakamot sa batok. "M-miss Ara, nakabalik kana pala. Nagkita na kayo ni D-detective?" Mabilis akong umiling.

"Umalis siya, di'ba?"

"U-uh, pwede kong sabihin sa kaniya na bumalik siya. Ito si Raven, di'ba? Anak niyo?" Ngumiti naman ako at tumango. "Sabi ko wag manong ang itawag sa akin e."

"Manong!" Pag-uulit ni Raven kaya agad ko siyang sinaway. Napanguso naman si Nathaniel.

"Aalis kana ba?" Tanong sa akin ni Nathaniel.

"Oo e. Pero ba't wala kana sa Zambales?"

"Nadestino ako rito ngayon e. Pero pag balik ni Detective, babalik narin ako ro'n." Tumango nalang ako. "Kailan niyo pala balak magkita? Tatlong taon na, Miss Ara. Should I tell him?"

"No... don't tell him yet. A-ako ang bahala."

Sinabi ko kila Mom na may pupunta rito sa mansyon nitong Sabado. Natuwa naman sila dahil kahit papaano ay nakahanap daw ako ng papalit kay Ingrid. Ako nga ay hindi ko naisip na papalit si Lincoln sa kaniya. Nakitawa nalang ako sa sinabi niya at nagulat ako nang magpahanda si Mom ng maraming pagkain.

"Mom, isa lang naman niya. At sa tingin ko hindi naman malakas kumain yo'n." Sabi ko habang sumusunod sa kaniya.

"Nako, Ara, hindi lang naman siya ang kakain. Nandito pa kami." Natatawang sabi nito. "Nasabi mong Lincoln Trinidad ang pupunta, aba'y modelo na pala ang tipo mo."

"Mom!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata. Nakita kong kinikilig yung mga kasambahay namin dahil sa panunukso ni Mom. "He's just a friend."

"I know, dyan din kami nagsimula ng Dad mo." Napairap naman ako.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now