Chapter 7

545 17 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagbaba ko ng hagdanan ay nakita ko kaagad na nakadapang matulog si Ingrid habang walang saplot sa itaas. Natatakpan ng kumot ang bandang ibaba niya.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa isang upuan yung pantalon niya. Ibig sabihin ba no'n ay naka-boxers lang siya?

Dahan-dahan akong naglakad para hindi siya magising. Nang buksan ko yung cupboard para manguha ng noodles ay narinig kong napaungol siya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakaupo na siya. Gulo-gulo ang kanyang buhok at lumingon siya sa akin.

"Noodles, again?" He asked. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nagpainit ako ng tubig nang biglang lumapit sa akin si Ingrid.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa ibaba niya dahil bakat na bakat ito. Napalunok ako nang ngumiti siya sa akin.

"Want some hotdogs?"

Naupo nalang ako sa high chair habang pinapanuod siyang magprito. Wala talaga siyang balak magsuot ng damit. Kaya tuloy nakasuot siya ng apron at boxers.

"Gutom na 'ko." Pagrereklamo ko. Parang ang dami niya kasing niluluto. Lumipas ang ilang minuto ay nilagay na niya sa lamesa yung naluto niya.

Napatitig ako ro'n dahil may smiley pang nakalagay. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa niya. Pero nang makita ko siya ay napawi ang ngiti ko.

"Eat well." Nakangalumbaba siya sa harapan ko. Paano ako makakakain ng maayos kung ganiyan siya makatitig? Muli ay napatingin ako sa katawan niya. Damn.

"May mga damit ng lalaki sa taas. Pero ako na kukuha." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Lalaki?" Kumunot ang kanyang noo.

"It's my dad's." Sabi ko sabay irap. Akala naman niya may dinadala akong lalaki rito. Tumawa siya ng marahan at nag-inat.

"Maliligo muna ako. Pakibigay nalang yung damit." Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Bahala siya riyan. Ginawin siya sa lamig.

Tumuhog ako ng isang hotdog at napaisip kung sakaling hindi ko siya bigyan ng damit. Kaya nagmadali nalang ako kumuha ng damit niya. Kumatok ako sa pintuan at nagulantang ako nang hindi naka-lock yo'n. Sumilip ako at nakita ko siya nakatalikod. Well, may glass naman na nakaharang at medyo blurred.

Parang tumagal ata ako ng ilang minuto at namalayan ko nalang na nabuksan na niya yung mismong pintuan ng pinagliliguan niya. Nagkatitigan kami at hindi namin alam kung magsasalita kami o ano.

"U-uhm, ang sarap nung hotdog." Napalunok ako nang hindi parin siya nagsasalita. Ang mas malala ay wala pang saplot ang ibaba niya. "E-eto nga pala yung damit."

"Masarap hotdog ko?" Napangisi siya. "Hindi mo pa nga natikman e."

"Bastos ka!" Bulyaw ko sa kanya at hinagis sa kanya yung damit. Nagmadali kong sinarado yung pintuan. Damn! Hawak hawak ko pa pala yung hotdog na nakatuhog sa tinidor.

Napakagat ako sa labi nang maaalala kung gaano kalaki at kataba yung ano niya. Feeling ko magdudugo na yung labi ko sa kakakagat ko.

"Are you okay?" Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang magsalita. He's now wearing my dad's gray sweatpants and white t-shirt. Medyo malaki sa kanya yung t-shirt pero bumabakat parin yung abs niya.

"Y-yeah. I just need fresh air." Sabi ko at tinalikuran siya. Hindi ko na inubos yung kinakain ko. Pero nararamdaman ko parin yung presensya niya. Bakit ba sinusundan niya ako?

"I'll join you." Nagtama ang paningin namin. Sa tuwing nagtititigan kami ay parang matutunaw ako. Hindi ko na siya sinagot at dumiretso nalang sa labas.

Dahil sa ayaw ko nga siyang makita. Buti may suot akong bikini sa loob ko. Kaya tinanggal ko yung sando ko at pajama. Ramdam na ramdam ko yung titig niya sa akin.

"Is this a dream?" Kumunot naman ang noo ko nang marinig ko yo'n.

"Why?" Sinuklay ko yung buhok gamit yung daliri ko at naramdaman kong lumapit siya sa akin. Humaplos ang kanyang kamay sa baywang ko at hinigit palapit sa kanya. Pilit akong umaalis pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"It is my dream to touch your body. Not just looking at it. But, leaving a mark." Kumislap kanyang mata nang tumama yung araw sa pwesto namin. Hindi ko maiwasang mapalunok. "Can I?"

"W-what?" Hindi ko talaga maiwasang mautal sa tuwing malapit siya sa akin. Parang feeling ko ay kilalang-kilala na niya ako. Sa bawat galaw ko o kung ano pa man.

"Why did you kissed me?" Biglang bumalik sa isipan ko yung paghalik ko sa kanya bago ako umalis.

"That was my alibi. Para mapatunayan na nando'n talaga ako." Umiwas ako ng tingin. "Now you've heard it. Are you going to tell them the truth?"

He bit his lips, "I don't know." Bumaba ang kanyang paningin sa labi ko. "Alam mo bang bitin ako sa halik mong yo'n? Biglaan mo kasing ginawa yo'n. Dapat sinabi mo." Natawa naman ako sa sinabi ko.

"So?"

"Let's continue our kiss, prinsesa." Mabilis niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at naglapat ang aming mga labi. Nanlalaki ang mata ko sa ginagawa niya. Lalo na no'ng kagatin niya ang ibabang labi ko at hindi ko maiwasang mapaungol.

And with that, he had the chance to enter his tongue inside my mouth. Hindi ko alam kung galit ba siya. Napaka-agresibo niya kasing kung humalik. I'd never kissed someone like him. Those pathetic actors don't even know how to kiss passionately, kaya hindi ako pumapayag na magpahalik sa kanila.

Naramdaman kong natanggal na yung pagkakatali ng bra ko kaya tinulak ko siya palayo sa akin. Nakaawang ang kanyang labi at namumula pa ito. Mabilis kong tinali yung bra ko at tiningnan siya.

"I'm so-"

"Know your limits, Ingrid." Sabi ko. "I don't want you to stay here that long."

Nagtiim ang kanyang bagang, "Wala kang magagawa kung hanggang kailan ako rito. Tandaan mo, alam ko ang katotohanan sa sinasabi mong pagkamatay mo." Natawa ako ng marahan.

"Blackmailing me, huh?" Hindi ko maiwasang mapapalakpak.

"No. I was just saying the truth, Ara." Napairap ako sa hangin.

Lumusong na kaagad ako sa tubig. Nakadilat ako sa ilalim at kitang-kita kong nanatili parin siyang nakatayo ro'n habang nakahalukipkip.

Lumangoy nalang ako papalayo hanggang sa mapunta ako sa isang kweba. Umahon ako at naupo isa sa mga bato at niyakap yung dalawang tuhod ko.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Ang tanong, pinagkakatiwalaan niya rin ba ako?

Capturing LiesWhere stories live. Discover now